01

11 1 0
                                    

"Sorry I'm late!" tinignan lang ako ni Papa at umiling.

"Why are you late Faith Dominique?" pagalit na bulong sa'kin ni Mama, takot na marinig siya ng ibang tao rito.

Nag-isip ako ng alibi. If I tell her that I went clubbing, she'll freak out. Mainit pa naman dugo niya sa'kin ngayon. Gago kasi si Rio, hiniram 'yung kotse nung nakaraan tapos may bangga na nung binalik.

"We finished revising our research late, Tita."

Pinigilan kong ngumiti sa sinabi ni Tanya. Research daw eh siya nagyaya sa'kin kagabi. Ano ginawa namin sa club? Nag-conduct ng survey?

Kinindatan niya lang ako. Tumingin sa'kin si Mama at tinaasan ako ng kilay.

"Ma, Sir Robin is calling," sabi ni Alliya.

Tumingin sa'kin si Mama, "Change your clothes, we're leaving in 10." sabi niya at kinuha ang phone kay Alliya.

"What?" tanong ko kay Alliya kasi nakatingin lang siya sa'kin na parang may ginawa akong masama.

Hindi niya sinagot ang tanong ko, tinarayan lang ako bago siya umalis. Attitude amputa.

"Chill babe," sabi ni Tanya sa'kin. Hawak-hawak niya na 'yung braso ko.

"Puputulin ko sungay nun!"

Alliya is my younger sister. Kasalanan ko ba na hanggang ngayon wala pa siyang  project?  Umagang-umaga pinapainit niya ulo ko.

"Girl do you know ShowBT?" tanong ni Tanya habang nagbibihis ako.

"Korean company ata. Narinig ko lang kila Mama last time, I'm not sure. Why?" 

"Sila ata 'yung kasama natin ngayon."

"Huh? Paano sila Tita Abby?"

Twice a year kasi nagsasagawa 'yung fam namin ng outreach program kasama 'yung Reyes family. This year sa Virlanie and Hospicio De San Jose kami pupunta. Ngayon lang din nangyari na hindi namin sila kasama.

Lumabas ako sa cubicle nang wala akong nakuhang sagot sa kaniya. Tinignan niya lang ako.

"Wait you didn't know?"

"Yung alin?"

"Uhm alam na nila 'yung tungkol sa inyo ni Mave. Well, they don't know exactly what happened. Just the part when Mave ghosted you."

"Sino nagsabi?" I asked. Kasi kung si Mave nagsabi? Masasaktan ko na talaga siya.

"Alliya," pangalan pa lang ng kapatid ko sapat na para kumulo dugo ko. Pakielamera masyado.

Susugurin ko na sana 'yung magaling kong kapatid nang pigilan ako ni Tanya.

"Nagantihan na siya, don't worry. Her plan to ruin you backfired. Someone already did it for you."

I immediately open my fb account and there I saw Tita Abby's post.

Abigail Reyes

I'm still lucky na wala akong anak na gumagamit ng autotune haha ;)

Nawala 'yung inis ko. Natawa na lang ako sa post ni Tita Abby. I already know who's she pertaining to.

"Para silang bata," natatawang sabi ko kay Tanya.

"You should see my mom's ig story. Trending na sila sa twitter." Napailing na lang ako.

Vizcarra vs Reyes. Of course magtetrend yan. Sikat sila sa showbiz and music industry. When I say famous, really famous. Yung tipong sa isang movie, kapag tinignan mo 'yung mga gumanap pare-pareho ng apelyido.

Followed By MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon