05

12 1 0
                                    

"Uh hi?"

Gulat akong napatingin kay Ken. Hindi niya na suot 'yung damit niya kanina nung nagperform sila. He's now wearing a black hoodie and gray cotton shorts. He's also wearing a white cap.

"Bakit ka nandito? Diba umuwi na kayo?" tanong ko.

"Gusto ko lang magsorry sa'yo."

"For?" tanong ko pa kahit alam ko naman.

"For being rude nung pumunta kayo sa studio. Sorry talaga."

Suddenly, I was feeling guilty. He's not supposed to feel sorry in the first place. We made him feel uncomfortable.

"Sorry din," I whispered just enough for him to hear.

We looked at each other for a few seconds. Hindi alam ang sasabihin. Buti na lang biglang nagvibrate 'yung phone ko.

From: Tanya

Nag-grab na ko pauwi. Enjoy ;)

Bwiset na 'to! Andito lang ako sa labas ng Watsons, saan nakadaaan to?

Tinignan ko si Ken, "Ah sige una na ko. Baka hinahanap ka na nila."

"Yung pinsan mo?" tanong niya.

"Ah nauna na. May pupuntahan ata."

"Samahan na kita," alok niya.

"Ha? Baka hanapin ka nila. Tsaka baka makita ka ng mga fans mo," sabi ko tapos tumingin sa paligid.

Baka biglang may makakita sa'min tapos magkagulo sila.

Tinignan niya muna kung may nakatingin sa'min bago magsalita, "Umuwi na sila Josh."

"Eh 'yung mga fans mo?"

Pagkasabi ko pa lang nun may narinig na kong bulungan.

"Si Ken ba 'yun?"

"Oo si Ken nga!!"

Tumingin ako sa kaniya, "Follow me."

Inadjust niya muna 'yung cap niya bago sumunod. Sinama ko siya papuntang parking. Sa ibang mall pala talaga ko maggo-grocery.

Pagkalapit namin sa sasakyan ko, nagsalita siya, "Ako na"

Tumingin ako sa kaniya, "You know how to drive?"

Nang tumango siya binigay ko sa kaniya 'yung susi ng kotse. Habang nagdadrive siya, tinuturo ko yung daan kung saan kami pupunta kasi hindi niya pala alam.

Wala na kaming ibang pinag-usapan bukod doon. Pagkarating namin sa mall dumiretso na kami sa supermarket.

He offered na siya na 'yung magtulak ng pushcart kaya hinayaan ko na lang.

Kung saan ako pumupunta, sumusunod lang siya. Paikot-ikot lang kami nang huminto ako. Nakatingin lang ako sa mga chocolates, bigla kong namiss mga pamangkin ko.

If only I could visit them...

"Babe milk or white chocolate?" tanong ko kasi hindi ko alam kung anong flavor ba dapat bilhin ko sa dalawa.

Nang hindi siya sumagot, tumingin ako sa kaniya.

He looked at me with wide eyes, "Ha?"

Doon ko lang narealize kung anong sinabi ko. Shit nasanay na kasi akong ayun 'yung itawag ko sa mga kaibigan ko. Umiwas na lang ako ng tingin. Bwiset na bibig 'to.

"Milk chocolate," sagot niya kaya gulat akong napatingin sa kaniya. Bigla akong kinabahan nang tignan niya rin ako pabalik. 

Sobrang higpit ng hawak ko sa phone ko. Hinihiling ko na sana biglang may tumawag.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Followed By MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon