Chapter 5

5 0 0
                                    


Maaga akong ginising ni Yaya kaya maaga rin akong nagbihis. Nagiging conscious na ako sa aking mukha kanina pa ko sa salamin. Nahirapan din akong pumili ng damit. Argghh! Ano bang nangyayari sakin? Ayun. Pumunta na akong kitchen atsaka kumain na ako ng breakfast. Ako lang mag isa. Sanay naman ako dun eh. Laging wala ang parents ko inaasikaso ang kompanya.

"Napakagandang tingnan sa iyo Belle. Mukhang may pinapagandahan ka" sita ni Yaya Sally

Bahagyang pumula ang pisnge ko at awkward na tumawa.

"Hahaha. Hindi naman po.
Napakanormal ko ngayong araw."

Nagmadali ako sa pagkain at baka ma interview pa ko doon. Agad Kong tinawag ang driver at nagpahatid papuntang school.

Pagkarating ko doon wala pa namang masyadong tao at marami ang bumati sa akin. Dahil napakasaya ko ngayon, binati ko sila pabalik.

Napakagandang araw.

Bored ako kaya naisipan kong mag soundtrip muna. Habang papuntang classroom. Kumakanta ako. Wala akong pake kung madaming nakatingin.

   🎶Baby it's you
You're the one I love
You're the one I need
You're the only one I see
Come on baby it's you
You're the one that gives your all
You're the one I can always call
When I need to make everything stop
Finally you put my love top🎶


inagawan ko pa ito ng kaunting galaw papuntang classroom. Di inalintana ang mga matang nakamasid sa akin. Lima pa lamang kami nung nadatnan ko sa classroom. Mga typical nerds. Nginitian nila ako kaya nginitian ko rin sila pabalik na siyang ikinagulat nila. Minsan lang naman kasi ako nakangiti. Kaya siguro akala ng lahat snabera ako.

Umupo ako sa aking upuan at nakinig ulit sa musika. D ko namalayan na madami na kami nung Hindi lang kinuha ni Chloe ang earphones ko. She's wearing her angry face. Naku nakalimutan ko. Sabay pala kami papuntang classroom. Nag peace sign ako at bumuntong hininga na lang sila. Na siyang ikinatawa ko at agad nakuha ang atensyon nang karamihan. Maging ang aking mga bessy ay na weirdohan na yata.

"Kung sino mang kaluluwa ang nasa katawan nang aking kaibigan, umalis ka!". Ani ni Zenny Sabay tawa.

" So anong nangyare? Nagkabalikan kayo ganon? Pagkatapo-

"Excuse me? Bawal na bang maging good ang araw ko?" Pagtutol ko sa sinabi ni Chloe.

"Siguraduhin mo lng."

Bumuntong hininga ako at tumingin sa labas.

Dumating ang Prof at nagsimulang magturo. Pero wala doon ang aking isipan. Bakit wala pa si Clark? Ewan ko. Natapos ang klase nang hindi ko nakikita si Clark. Kaya lutang ang aking isipan. Second day of school tapos late siya? So unusual. Nakakapanibago talaga.


My Ex and IWhere stories live. Discover now