Chapter 2

6 0 0
                                    


Xyria's POV.

    "Xyria! Hindi ko sinasadya. Bigyan mo naman ako nang pagkakataon oh" - ani ni Clark
  
   "Wala ka nang maloloko rito Clark!
Iniwan mo ko. Sapat na yun para hindi na kita kakausapin!"  Sabi ko nang lumuluha.

  "Bigyan mo ko ng pagkakataon please? Xyria, hayaan mo akong magpaliwanag. Mahal kita kaya-

  " Hayaan kitang magpaliwanag?". Pagtutol ko dito
" Bakit? Makukuha ba yun ng paliwanag mo yung sakit na naramdaman ko ha? Kaya please. Kung mahal mo ko. Umalis kana".

"Hihintayin kita Xyria. Maghihintay ako kung kailan ka na magiging bukas sa akin. Asahan mo yan"

"XYRIAAAAAAAA!"

Naalimpungatan ako noong tinawag ako ni Zenny. Panaginip. Lagi na lang akong na nanaginip sa kanya. Napatingin ako sa aking mga kaibigan. Bakas sa kanilang mukha ang pag aalala.

"Okay ka lang ba? Napanaginipan mo na naman ba sya?" - alalang tanong ni Chloe.

" Hindi. Okay na ko." Sabi ko.

Paparating na si prof yun yung sabi ng kaklase ko kaya inayos ko na ang aking sarili.

"Good morning class!" - prof

Tumayo kami at binati na rin namin siya pabalik.

"You may now sit" aniya.

"Sa ngayon mag introduce yourself muna tayo".

Isa-isa namang tinawag ni prof ang mga kaklase ko at nang ako na ang sumunod ay tumayo na ko at pumunta sa gitna saka nag pakilala

" Hi. Ako nga pala si Xyria Belle Cruz. 17 years old at music lover. I hope we can be--

"Sir, I'm sorry I'm late" sabi ng taong nag interrupt sa akin kaya napatingin naman ang lahat sa kanya maging ang prof.

At laking gulat ko na lang nang mapagtanto kung sino yun.

"Clark?!"

"Xyria?!"

Sabay pa ang pagsasalita namin. Bakas sa mukha niya ang saya at gulat.

Kung minamalas ka nga naman. Kanina sa panaginip lang kita nakita ngayon nasa harapan na kita?



Oh no. Di ko kaya to. Nananaginip lang ako. Hindi ko sya pwede maging kaklase. Hindi pwede to.

   

My Ex and IWhere stories live. Discover now