CHAPTER 1

54 4 0
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, some places, and incident are products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places, or persons, living or dead, is entirely coincidental.

©NEVERMINDME143

~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 1

Mitch's POV

           Naalimpungatan ako sa silaw ng liwanag na tumatama sa aking mukha. Ipinikit ko muna ang mga mata ko at sa pagdilat ko naman ay bumungad sa akin ang puting kisame.

"A-anak, gising ka na!" naiiyak na sambit ni mama.

May pumasok naman na isang doktor sa silid at chineck ang kalagayan ko. Ano bang nangyare?

Sinubukan kong alalahanin ang lahat pero kumirot lang ang sentido ko. Napapikit ako ulit at hinayaan ang dilim na kumapit sa buo kong sistema.

~~~~~~~~~~~~~~

"Gising na anak. Andito na tayo." aya sa akin ni mama at iginaya ako palabas sa bus.

Nandito kami ngayon sa probinsya. Ang sabi ni mama, naaksidente raw ang sinakyan kong jeep sa Maynila. Isa raw ako sa mga nabuhay kaya nga lang ay nagkaroon ako ng selective amnesia. Hindi ko na matandaan ang nangyari sa aksidente.

Dinala ako nina mama at papa sa probinsya dahil takot sila na baka kung ano nanaman ang maaaring mangyari sakin sa syudad.

16th of April pa nung mangyari yun. At ngayong June naman ay pinatransfer nila ako sa ibang paaralan dito sa probinsya.

Alisha Mitch Fuentabella nga pala. 4th year highschool student.

"Jusko kang bata ka! Pinag-alala mo kami!" bulyaw sakin ng lola ko. Napakamot na lamang ako sa batok.

"Nay, nay tama na 'yan. Ang importante ay ligtas siya." mahinahong sabi ni mama.

Tinulungan ko muna si mama sa paglagay ng mga gamit namin sa kwarto tsaka ako lumabas para langhapin ang sariwang hangin.

Pinagmasdan ko ang paligid. May mga iba't-ibang klase ng bulaklak at halaman pero iilan lang ang mga puno. In other words------PATAG. Pero agad napakunot ang noo ko ng mapansin ang nagtataasang haligi ng cyclone wire na hinahati ang ilang lupain malapit lang samin. Ang lupain nito ay may maraming puno. Private property siguro.

"That's the boundary." agad akong napalingon sa nagsalita. Yung pinsan ko lang pala.

"Ha? Anong boundary?" takang tanong ko.

"It's the boundary (harang) of our land." tiningnan ko siya ng nagtataka. "Nevermind. Just- don't go beyond the boundary."

"At bakit naman, aber?" pagtataray ko rito.

Ngumisi siya. "Ang sabi-sabi kasi....... Whoever went beyond the boundary never returned." pananakot niya na iniripan ko lang.

~~~~~~~~~~~~~~~~

"Ano nanaman ito?! Ba't ang tagal mong umuwi? San ka ba galing ha?!" rinig kong singhal ni mama kay papa mula sa kwarto.

Haysss... Nag-aaway nanaman sila. Alas onse na sa gabi ng umuwi si papa. At eto sila ngayon, istorbo.

Dahil ayaw ko rin namang marinig silang nag-aaway at dala na rin ng inis ay palihim akong pumuslit at lumabas ng bahay.

Tinahak ko kaagad ang daan patungo dun sa mga cyclone wires na pinangalan pa ng pinsan kong boundary. Tsk. Wala lang talaga yung magagawa sa buhay at ako pa ang napagtripan.

Nang makarating, ay agad akong umupo at sinandal ang likod ko sa wire tsaka ko pinagmasdan ang mga nagkikislapang bituin sa langit.

Nang may sumitsit...mula sa likod na ikinatindig ng balahibo ko. Sa takot ay di ko ito nilingon.

Bigla itong tumigil. At ngayon ay napuno ang dilim ng katahimikan. Hanggang sa may humila sa buhok ko.

"Aray!" angal ko rito. Binitawan naman niya ako. 

"Hoy! Kanina pa kita tinatawag!" agad akong lumingon sa likod at bumungad sa akin ang isang lalake.

Matalim itong nakatingin sakin. "Kanina pa ako sitsit ng sitsit dito, di ka naman lumingon." inis nitong sabi. Walangya! Siya pala ang may gawa nun?

"I don't talk to strangers." pagtataray ko sa kaniya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya't binalewala ang sinabi ko.

"Like I said, I don't talk to stranger."

"Tss...whatever. Just don't go beyond the boundary." sabi niya. Teka, ba't pamilyar ang mga salitang yan?

"Eh ikaw?! Ba't andyan ka sa loob?! Ba't pumunta ka sa beyond the boundary?!" inis kong singhal sa kaniya.

"Isn't it obvious? I live here." sagot niya. Napakunot naman ang noo ko. May naninirahan pala sa labas ng harang? "Anyways, I better go. It's almost midnight." sabi niya't nagsimulang maglakad palayo.

"HOY! Teka nga!" tinawag ko pa siya ng ilang ulit pero di na siya lumingon subalit ay kinawayan lang niya ako hanggang sa maglaho siya sa kadiliman. 



NEVERMINDME143

BEYOND THE BOUNDARY | COMPLETED✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon