CHAPTER 9

12 2 0
                                    

CHAPTER 9

Continued......

"A-ano po bang nangyare? Hindi ko po kayo maintindihan." naguguluhang tanong ko. Nakita ko ring sunod-sunod na nagsibagsakan ang luha ni Zian.

"Si Archiel del Vega na kapatid ko-" di niya natapos ang sasabihin niya nang bigla itong humagulgol sa iyak.

"Iha, s-si Archiel na anak ko" naluluha nitong sambit.

"Ay matagal ng patay "

Tila tumigil ang aking paghinga. Pati narin ang pag-tibok ng puso ko ng marinig ko ang mga katagang yun.

Nagsimulang magsibagsakan ang luha ko. Napailing ako. Hindi, hindi maaari. "Sabihin niyong nagbibiro lang kayo" naiiyak kong sambit, subalit ay inilingan lang nila ako.

"Matagal na siyang patay, Mitch. Namatay siya sa isang aksidente. 7 months ago..." Napailing ko. Nagbibiro lang sila!! 3 months ago nung huli ko siyang nakita. Kaya imposible.

"Totoo ng sinasabi ni mama, Mitch. April 16th nung mamatay siya sa isang aksidente. Nabangga ang sinasakyan nilang jeep nun sa Maynila." kumabog ang dibdib ko dahil parang pamilyar ang mga sinasabi niya.

"Nabangga ang jeep sa isang rumaragasang truck. Nawalan ng kontrol ang driver at nahulog sila sa pampang." dugtong nung mama niya. Mas lalo akong napaiyak.

"Walang nakaligtas sa aksidente. Lahat namatay. Maliban sa isa." huminto muna siya't huminga ng malalim bago nagpatuloy "Natagpuan nila ang bangkay ni Archiel na duguan at may maraming saksak ng bubog. Pero ang pinakamalala nun ay may nakatusok na bakal sa mismong ulo niya." lumakas ang pagkabog ng dibdib ko habang patuloy na tumulo ang aking mga luha. Nakita ko ring may nakatakas na luha sa kanang mata ni Zian.

"Hindi raw malala ng mga saksak niya sa katawan. Ang sabi ng mga doktor ay kung wala raw yung bakal sa ulo niya ay maaari pa sana siyang mailigtas. Pero alam mo ba, may napansin sila sa bangkay ni Archiel bago nila ito kunin. Yakap-yakap nito ang isang babae, na ultimo'y prino-protektahan niya." napailing ako. Ang daming nga posibilidad na pumapasok sa isip ko at ni isa ay wala akong gustong paniwalaan.

"Sa tingin mo, bakit kaya sumakay si Archiel ng jeep sa panahong yung kung meron naman kaming sariling sasakyan? Ang yaman namin tapos sasakay lang ng jeep? Tapos may kayakap pa siyang babae. Ano kaya sa tingin mo?"

Bigla akong napapikit ng makaramdam ako ng kirot sa ulo. Nakarinig ako ng mga pamilyar na boses na hindi ko maintindihan.

"Oy bata, okay ka lang ba?"

"Dapat lumaban ka, hindi yung nagbabakla-baklaan ka dito"

"Sa mundo ngayon, kailangan miong tumayo ng mag-isa. Hindi sa lahat ng oras dadating ang mga taong poprotekta sayo."

"Sumakay siya sa jeep para makasama ang babaeng mahal niya. Matagal na kasi niya itong hindi nakita."

"Hoy! Kalalaking tao, umiyak!"

"Ang weired no! Tinukso ka tuloy nila!"

"Hanggang sa mangyare ang aksidente. Lahat namatay maliban sa isa. At alam mo ba kung sino yun?" tanong niya. Napailing naman ako.

"Magkaibigan na tayo simula ngayon!"

"Ang babaeng prinotektahan ni Archiel. Natagpuan nila itong humihinga pa kaya dali-daling kinuha ng ambulansya ang katawan niya para madala sa ospital at maagapan kaagad. Siya sana ang matamaan nung bakal kaya lang ay humarang si Archiel. At alam mo ba kung sino ang babaeng yun?" umiling ako habang patuloy na tumutulo ang luha ko.

BEYOND THE BOUNDARY | COMPLETED✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon