CHAPTER 6

18 2 0
                                    

CHAPTER 6

"Anak, sinabi sa amin ni Ethan ang nangyare." malungkot na sabi ni mama

"Why don't you transfer her to a prestigious school? I can pay for her." Nagulat kami sa sinabi ni tita Mia. Tita nalang daw ang itawag ko sa kanya.

"Nako, huwag na Mia." nahihiyang pagtanggi ni mama

"No, I insist." nakangiting sagot ni tita. "After all, after we get married, she'll become my daughter right away."

Gulat ang rumehistro sa mukha ko. Mukhang napansin naman yun nina papa.

"Anak, ganap na kaming divorced ng mama mo." mahinahong sabi ni papa. "At sa susunod na linggo kami ikakasal ng tita Mia mo."

"And a week after that, kami naman ang ikakasal." dugtong ni mama. May tumakas na luha sa mata ko na kaagad kong pinunasan.

"Ako ang bridesmaid ha?" napatawa naman sila sa tanong ko.

"Syempre naman." 

So ayun nga. Pagkatapos  nang araw na yun ay agad nila akong inilipat sa isang pribadong paaralan na malapit lang sa paaralang pinapasukan ko dati. Nagpapakilala nanaman ako -_-

Sumapit ang linggo't araw na nang kasal nina papa. Inimnitahan ko nun si Arch pero tinanggihan niya ako. Tinatamad raw siya. Hindi ko nalang siya pinilit.

"Ang ganda niyo po!" manghang sabi ko kay tita Mia.

"Thank you! And you look so beautiful gorgeous iha. So, shall we?"

Maraming imbitado sa kasal. Pati narin sina mama at tito Ethan. Nalungkot naman ako nang makita ko si lola na ina ni mama na umiyak. Hindi kasi niya matanggap ang nangyare. Bata pa lamang si mama at papa ay botong-boto na siya sa kanila. Laking tuwa nga niya raw ng magkatuluyan sila. Ganun din yung isa ko pang lola na ina ni papa.

Pagkatapos ng kasal ay agad akong ipinalipat sa bahay na tinutuluyan nina tita Mia at papa ngayon. Nung makarating ako dun ay ganun na lamang lumaglag ang panga ko ng mapahtantong hindi ito bahay kundi'y isang mansion!

Nang makapasok ako sa magiging kwarto ko ay mas lalo akong nagulat ng marami akong mga bago at mamahaling gamit doon na mismong ibinili ni tita.

~~~~~~~~~~

Malapit lang naman yung bahay na nilipatan namin kaya lang ay medyo may kalayuan ito sa harang. Nagbibisekleta nalang ako papunta dun sa ibinili ni tito Ethan sa akin.

Tinawanan pa ako ni Arch. Bakit pa daw akong nag-effort pumunta dun. Hindi ko daw siya matiis. Aba ang kapal!

~~~

Nang si mama naman ang ikakasal ay sumama ako sa kanya sa silid kung saan siya inaayusan.

"Ma,minahal niyo ba talaga ni papa ang isa't-isa?" tanong ko sa kanya. Napahinto naman siya ganun din yung mga nag-aayos sa kanya.

"Pwede nyo ba kaming iwanan sandali?" tanong niya sa kanila. Tumango naman yung mga babae bago tahimik lumabas.

"Anak, do you know what love is?" tanong niya.

Umiling naman ako. Sabagay, hindi ko pa iyan naranasan eh. Hindi nga ba?

Hinawakan niya ang magkabila kong kamay. "Love... Love is friendship caught on fire." sabi niya. Tsaka ko lang naalala na bago magkatuluyan nina mama at papa ay naging mag-childhood bestfriends sila noon. 'friends turned to lovers'. I guess we lost the capacity to prolong the flames so it burned out. And now we're back to being friends again."

~~~

"Uy, alam mo, may contest sa paaralan namin. Singing contest to be exact." pag-oopen up ko kay Arch isang gabi.

BEYOND THE BOUNDARY | COMPLETED✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon