note

19 3 25
                                    

GRABE! After four crying years, natapos ko din siya.

Ang lakas pa ng loob kong gawing series ito ha, ayan sumakit ang ulo ko. Sumakit ang bewang ko. Ay mali hahahaha pero seryoso I feel so proud of myself.

Yes, madami pa akong pwedeng magagawa or maaayos dito in the future, mga after four years ganun, pero sa ngayon masaya ako sa itinakbo niya, sa naging style ng pagsulat ko (wow grabe sumulat talaga eh noh?) at nakakatuwa kasi habang nagtatype ako offline, yung eksena tumatakbo din sa utak ko.

First time kong maka-experience ng ganoon.

I want to take advantage of this adrenaline rush I have and try to finish this series na. Ang taas agad ng pangarap ko yes hahahaha.

Isa din siguro sa dahilan kung bakit hindi ako makalma kasi may mga ganitong naglalaro pa sa utak ko. Pero dahil nabawasan na siya ng isa, magkakaroon na ako ng kaunting peace and quiet.

Ang plano ko talaga after matapos ng story, ilalagay ko sa dulo yung English translation nung kanta ng Bangtan. Kaya after neto, may isa pang chapter at last na iyon.

I really can't believe na isasara ko na ito. Iba din pala ang may schedule ka na aatupagin lang talaga ng utak mo ay iyong chapter na iyon. Grabe ang saya-saya ko ngayon. (But watch this happiness fade away sa mga susunod na story kasi back to stress na hahahaha)

This is my first author's note (yieee kiligs! Iyong sa Fragments of Memory hindi ko ma-count kasi introduction siya for me~) and hopefully not my last. Naiiyak na ako sa second book kasi sumasakit na ulo ko doon hahaha, kaya dadaldal talaga ako palagi kapag natatapos ko ang isang book.

Syempre hindi mawawala ang mga taong naging inspirasyon ko sa pagsulat nito.

Maraming maraming salamat po kina:

jungreynn na siyang gumawa ng cover para dito, pati sa Let Me Know. Grabe artistic po talaga siya sobra 😍 siya din ang lagi kong sinesendan kapag may ideas ako noon about dito. Pangalan man yan or plot or ung title song inspiration.  Co-army kasi kaya ganun. Siya din ang nag-introduce sa akin ng Bangtan kaya very thankful ako for that.

-Thewho- na nag-chicheer sa akin para matapos ko na ito finally! Outside sa series na ito may mga naiisip kasi ako bigla out of nowhere at sa kanya ko sinisend iyon para madaling mag-backread kahit naka-screenshot na din sa phone ko. Boom puno memory hahahaha.

Thank you sa mga votes at comments ninyo, tayong tatlo lang naman dito and it stays between us. And that's the tea!

xxakanexx hindi mawawala si Maa syempre! Sinimulan ko talagang gawin ito dahil nabasa ko iyong Writer's Guide nya noon at sobrang na-inspire ako. It tackles about grammar, creating a character, their traits and more. Talagang ang tindi ng effect sa akin, iyong tipong pagkabasa ko biglang dumaloy sa utak ko lahat ng ideas. Tapos nung nag-ooffline writing si Maa, napaisip ako na ang gandang paraan din nun mas focused ka and at the same time malaya sa kung anuman ang magiging daloy ng story mo kaya para dito kay Coffee ganoon ang ginawa ko.

I finished Coffee earlier than the posted time here. Ginawa ko lang talaga na update-pahinga aka sulat-update and so on. Pero sa pangalawang book, nangangalawang na agad ako huhuhu.

Kung may mga army man na nagbabasa nito sana ma-enjoy ninyo. Sa mga susunod na stories based pa din sa mga songs nila within debut and 2016. Kahit iyong mga mas susunod pa doon pa din. Ang pinaka-last siguro ay ang YNWA album.

Thank you ulit sa lahat! I love you all!

xoxo

Coffee [Bangtan Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon