"Bestfriend!" ayan na naman ang nakakairita niyang boses. Ang high-pitched masyado para sa isang lalaki.
Nilingon ko naman ang ulo ko at laking gulat ko ng sumulpot sa harapan ko ang isang abnormal na nilalang na biglang umakbay sa akin.
"Ay sunflower ka!" sigaw ko sa harapan ng pangit na taong may tililing sa utak. Nanlalaki ang mga mata kong nakatitig sa kanya. Hindi ako makapaniwala na tinotoo nga niya ang pinaplano niya noong nakaraang linggo.
Ang pagpapakulay ng itim nyang buhok nang blonde.
"Sunflower talaga? Favorite ko iyon, bestfriend! Kilalang-kilala mo talaga ako." wika niya sa akin na natatawa. Ngumisi na lang ako sabay haklit sa braso niya.
"Sino ka? At anong nangyari sa bestfriend ko? Ibalik mo na ang baliw na lalaking iyon pero mas mukha pa ding normal kesa sa pangit na nilalang na nasa harapan ko ngayon na mukhang sunflower sa sobrang dilaw ng buhok!" sigaw ko habang inaalog-alog siya. Mukha namang iritang-irita na siya sa pinaggagagawa ko pero idinaan na lang niya sa ngiti ang lahat. Inalis niya ang kamay ko sa braso niya at umakbay sa akin.
"Hindi ba talaga bagay sa akin, Mia?" tinataas-baba niya pa ang kilay niya sa pag-aakalang nakakadagdag ng kagwapuhan iyon.
Sabagay sa kaso niya, hindi lang nakadagdag. Hindi ko man isinasatinig pero aminado naman ako na may hitsura, ay hindi, gwapo. Gwapo talaga ang bestfriend ko.
Bestfriend. I sighed deeply at the mere thought of that term. Isa pang bagay na aminado ako, ay ang pagka-gusto ko sa lalaking ito. Halos lahat ng kakilala ko alam na ata iyon. Maliban sa kaniya. Ewan ko, manhid atang tunay ang loko.
"Hay naku, oo na, oo na. Bagay sa'yo! Pumangit ka lalo!" sagot ko sa kaniya na tatawa-tawa. Napailing na lang siya sabay hatak sa akin.
"Malelate na tayo! Bilisan mong lumamon! Akin na nga para maubos na agad yan." wika niya habang sinisimulang kainin ang kalahati ng footlong na binili ko.
"Wow! Nagpaalam ka pa pero hindi mo na rin naman hinintay ang sagot ko." ani ko habang nginunguya ang mga dahon na nasa halflong.
"Perks of being your bestfriend. Entitled na din ako sa mga bagay na pag-aari mo." sabi niya, sabay abot sa bote ng tubig ko. Napatingin na lang ako sa kanya at hindi na ako nagulat na makitang ubos na niya yung halflong.
Ganyan naman talaga si William or Will as I fondly call him. Napakahilig sa pagkain. Hobby niya nga ata ang pagkain. Noon, gumawa pa siya ng sarili niyang Youtube channel. Nag-vivideo siya para lang ipakita ang mga uri ng pagkain na kinakain niya, kung paano lutuin ang ilang mga putahe at kung minsan naman ay kung gaano siya kabilis kumain.
Pumatok naman ang channel niya na iyon. Nakikipag-collaborate pa siya sa ilang Youtubers para lang gumawa ng videos about sa pagkain. Madami siyang nakilalang mga tao, na naging kaibigan na din niya nang maglaon. Naging sikat siya sa mga social medias. Gayunman, hindi siya kakikitaan ng kahit anong kaartehan, hindi gaya ng ilan na dumami lang ang like sa profile picture dahil sa labas cleavage or abs akala mo sikat internationally.
Dati pa niya ako inaaya na sumama sa kanyang mga cooking/eating videos pero ayoko talaga, hindi naman sa hindi ako marunong magluto, sa katunayan, hilig ko nga iyon. Gustung-gusto ko subukan iyong mga nakikita kong cooking videos sa facebook tapos sa kanya ko pinatitikim, lagi naman siyang sarap na sarap. Hindi ko malaman kung totoo bang masarap o dahil sa gusto lang talaga niyang kumain.
"Hoy babae! Bilisan mo at late na talaga tayong tunay! Sino ba kasi ang tinititigan mo diyan?" pagsusungit niya, sabay lingon sa kung saan man nakadako ang tingin ko habang malalim ang iniisip.
"Anong meron sa basketball team at ganyan ka na lang makatitig sa kanila? Akala mo manlalapa ka ng tao!" patuloy ang kasungitan niya. Naubos ko na ang halflong, tumayo na ako at nagsimulang maglakad.
BINABASA MO ANG
Coffee [Bangtan Series #1]
Teen FictionMahangin. Ubod ng yabang. Gwapong-gwapo sa sarili. Iyan ang mga salita na nag-dedescribe kay William Andrada ang lalaking minamahal ni Emilia Aparri. Oo kahit na nakakabwisit si Will, mahal pa rin siya ni Mia. Umepekto nga ata sa kanya ang inaangkin...