Wakas

18 3 53
                                    

Nauna pa akong magising sa tunog ng alarm ko at bihira lang mangyari iyon. Sa tingin ko nga, hindi pa ako nakatulog talaga. Plano kong puntahan si Will ngayon at kamustahin. Linggo naman kaya alam kong nasa bahay lang silang pamilya.

Bago ako umalis ay nag-ayos muna ako at nagpasyang mag-agahan. Baka mamaya mahaba ang maging usapan namin, mahirap pa naman akong kausap kapag gutom. Mabilis uminit ang ulo ko, nahawa na ata ako kay Ethan.

Pagbaba ko ay saktong paalis naman ni Daddy, mukhang may emergency meeting na naman sila kaya ako na naman ang mag-isa sa bahay. At nakakalungkot lang dahil wala na palang laman ang ref, bibili na lang ako ng hotdog sa labas tutal may itlog pa dito at tirang kanin, instant hotsilog.

Lumabas na ako at pumunta sa kanto para bumili. Pagkadating ko doon ay napahinto ako, kakaalis lang ni Will. Mukhang may binili din siya dito, sayang hindi pa kami nag-abot. Gusto ko sana siyang habulin kaso hindi ko pa kayang makipag-usap sa kanya. Hindi ko pa alam talaga ang sasabihin ko.

Pagkaabot sa akin nung hotdog na binili ko ay umuwi na din ako at nagluto ng agahan ko. Paborito ko talagang araw ang Linggo kasi hawak ko ang oras at kilos ko buong araw, hindi ko kailangang magmadali.

After ko kumain ay nagpahinga ako saglit, maganda sigurong pag-isipan ko na din munang maigi ang sasabihin ko kay Will.

Ano ba magandang simula?

Hi? Hello? From the other side? Mukhang maipapahiya ko pa ang sarili ko talaga sa harapan niya.

Siguro Hi! na lang at Kamusta? Kung anuman ang sabihin niya doon saka ko na iisipin ang sagot kapag kaharap na siya. Naligo na ako at nag-ayos, ayan fresh na ako, pwede na akong mangapit-bahay.

Pagkadating ko sa bahay nila Will ay naririnig ko ang malakas na tunog ng tv. Nanonood silang pamilya nung sikat na show kapag umaga kung saan may matutuhan ka. Paningin ng ibon ang pangalan nung show na iyon. Tungkol sa Sagada pa ang pinag-uusapan. Oo, ganun kalakas ang sound ng tv nila rinig na rinig ng mga naglalakad na tao.

Nag-doorbell ako at ganun na lang kabilis ang tibok ng puso ko. Wala pa nga, nasobrahan na talaga ako sa kape.

Lumabas naman si Winona, nagulat pa siya pero agad na ngumiti. Babati pa lang ako ay sumigaw na siya.

"Kuya Will, may naghahanap sa iyo dito. Bigyan mo ng jacket."

Tatawa-tawang bumalik siya ulit sa bahay, ako naman hindi makagalaw kasi alam kong saglit na saglit na lang magkikita at sana magkausap na kami.

"Ano namang kalokohan mo, Win? Sino ba yung nasa-"

Naputol ang sasabihin niya ng makita ako. Ngumiti naman ako, sana hindi awkward, and greeted him.

"Hi, Will! Kamusta na? I do hope you still remember me."

Nakaawang lang ang bibig niya habang nakatitig sa akin.

_________________________

I miss her.

Iyan lang ang nasa utak ko habang tinititigan siya. Tatlong taon na ang nakalipas pero wala namang nagbago sa kanya. Ang mga mata niyang kumislap habang nakangiti siya na abot sa mata, may kaunting eyebags siya dahil siguro sa kakapuyat para sa completion ng requirements para sa graduation niya at ang buhok niya. Iyon pala ang nagbago, mahaba na ito, lagpas balikat pa. Ngayon ko lang ata nakitang humaba ng ganyan ang buhok niya.

Tumikhim siya at natigil ako sa pag-oobserba sa kaniya. Naghihintay ata siya ng sasabihin ko, ano nga ba iyong sinabi niya kanina?

"Ah, eh oo, hi Mia!"

Coffee [Bangtan Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon