CHAPTER 2

11 5 0
                                    

CHESTER

Isang grupo ng magkakaibigang babae na lang at ako na ang sasakay sa susunod na platform. Di ko alam kong sino makakasabay but I know for sure this ride will be worth it.

I was about to give my ticket but a girl give her ticket first. Akala ko itong babaeng nasa unahan ko ay kasama ng mga magbabarkadang babae na kasalukuyang umuupo na sa platform.

Umibo ng bahagya ang wheel kaya ang sunod na platform na ang nakaabang. Agad na pumasok ang babaeng nasa unahan ko at tumingin sa salaming bubog na tinatanaw ang ibang tao dito.

"Uh sir, sumabay na po kayo kay Ma'am sabagay ay parehas naman kayong nag-iisa" pinapamukha talaga ni kuya sa'kin na single ako. Medyo nakakaasar kaya napakunot ang noo ko kay kuya.

"Huh?" Naiinis kong tugon

"Ay hindi naman sa may iba akong pinaparating sir isang pamilya po kasi ang susunod sa inyo sa susunod na platform" palawinag niya sabay ngiti.

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko ang isang malaking pamilyang nagkukwentuhan at nagtatawanan tungkol sa Ferris Wheel. Napangiti ako at humarap kay kuya.

"Sige kuya"

Pumasok ako sa loob ng platform nang hindi napapansin ng babaeng nakahoodie jacket na kulay pink, na nakapalda rin ng black na hanggang sa kalahati ng hita at naka-FILA sport rubber shoes. Nakatingin lang siya sa labas at pinapanuod ang mga tao.

Nakalimang move na ang wheel kaya medyo mataas na ang kinalalagayan namin bagamat di pa umaandar ng tunay.

Tahimik lang din ako sa loob bago tanawin ang labas. From here I can see the entire Enchanted Kingdom, funny how I make this place as a relaxing one but those people came here for fun. Well, fun for me is relaxing.

I'm wearing brown hoodie jacket and a white khaki shorts and a puma sport rubber shoes. Sa mga ganitong lakaran maganda kung komportable ka sa suot mo at alam mong makakagalaw ka ng ayos.

Patuloy ang andar at tigil ng Ferris Wheel para sa mga taong sumasakay para sa kani-kanilang platform. It's already 6:57pm siguro aandar na'to by 7pm.

I take a glance again to the girl in my front. Nakatingin pa rin siya sa labas pero kapansin-pansin ang mahigpit na hawak niya sa hawakan nitong platform. Is she afraid of heights? Tss. Girls are girls. Alam nang takot sasakay pa. Lumingon na lang ulit ako sa labas para sa paghihintay ng pag-usad nitong Ferris Wheel.

°•°•°•°•°•°•°•°

It's been a 10 minutes simula ng umandar itong Ferris wheel. Walang nagsasalita tahimik kami at hindi pa rin nararamdaman ng babaeng nasa unahan ko ang presensya ko. Siguro nag-space out to kaya wala sa sarili at ang higpit pa rin ng kapit niya sa hawakan, her revealing viens are evident.

Bigla niyang ibinitaw ang isang kamay niya na nakahawak at nagsimulang halukayin ang bilog niyang shoulder bag. Para siyang may naalalang kailangan niyang hanapin.

Hanap siya ng hanap hanggang sa binubo niya na lahat ng laman ng bag niya. Nahagip ng mata ko ang nahulog na notepal habbang patuloy pa rin siyang naghahanap sa girly stuffs niya.

Yumuko ako para abutin yun at hindi niya pa rin ako napapansin dahil sa pagiging abala niya sa paghahanap ng gamit niya.

Nilimot ko ang notepal na yun na may nakasulat sa unahang "Poem by Feelings" nilingon ko siya na abala pa rin sa paghahanap at tinitingnan ulit ang loob ng bag.

Lumapit ako sa upuan niya atsaka lang siya napatigil at unti unting nag-angat ng tingin, nanlaki ang mga mata niya noong nakita ako.

"Miss, nahulog mo" inilahad ko sa kaniya ang notepal.

Got Stuck In a Ferris WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon