CHAPTER 5

11 5 0
                                    

ALLIYAH

"Oh bakit bigla kang nagseryoso dyan?" Tanong niya ngunit di ako umimik

"Hoy! Nakakatakot ka na ah" natatarantang sabi niya

"Kilala mo ba ako?" Ako

"Oo si Iya!" Siya

"Hindi"

"Ha? Di ba sabi mo?" Nalilitong tanong niya at napaatras ng upo

"Ako si Ysay Baylon, hindi di Iya" ako

"Ha? Tinatakot moko! Umayos ka nga!" Sigaw niya habang umaatras pa rin ng upo

"At may bipolar disorder ako ft. Multiple Personality Disorder"

"Ha? Fuck! Umayos ka nga!" Siya

"HAHAHAHA" tumawa ako at halos maluha ng dahil sa reaction niya. Aba't naniwala ata si tanga

"Hoy! Ysay! Tumigil ka" sya

"Ooy ako to si Iya naniwala ka naman. Nagseryoso ako kasi nag-iisip ko ng rhyming at topic sa poem na gagawin ko no!" Paliwanag ko

Napabuga siya ng hininga na pinipigilan niya kanina. Mwuehehehe. Gullible amp. Di na mabiro.

"Oh? May naisip ka ba naman?" Tanong niya

"Oo naman pero bigyan mo pa akong five minutes" sagot ko

"Oh? Sige. I'll play a song pag natapos dapat tapos ka na rin" saad niya

"Okay"

Nag-umpisa na siyang magpindot sa cellphone niya upang maghanap ng kanta. At nag-umpisa akong magsulat sa notepal ko.

'I was too dumb to notice
That there's something about you
What am I supposed to do?
I sure wish I knew~'

Wow. Darren Espanto. Old but gold to.

'All the butterflies I felt inside
Never really mattered
Wishful thoughts and sudden smiles
Ended being shattered~'

'What are we supposed to be
I'm hopelessly addicted to you
But you never felt the same~'

Ang sakit naman ng kantang yan.

'Time may pass us
By but you stay stuck on my mind
And that moment we stared
That night I thought it was right
But maybe I was wrong all along~'

Okay. Patapos na talaga tong tula. Konti na lang, tapos na to.

Nagpatuloy ang kanta habang nagsusulat ako ng tula.

'Time may pass us by
But you stay stuck on my mind
And that moment we stared
That night I thought it was right~

I was too dumb to notice
That there's something about you
What am I supposed to do if
I'm still stuck on you~'

"Okay naaa!" Sigaw ko

"Wow! Speed ah?" Siya

"Syempre ako pa ba?"

"Geh, basa" aba't ako pa?

"Okay ang title nito ay 'Stuck' kasi yun ang pinatugtog mo eh, ehem ehem" panimula ko

"STUCK"

"It's like I'm stuck but not in the middle of nowhere
We met broken and both not aware
Trying to find ourselves by riding a Ferris Wheel
Trying figure out what we really feel

Got stuck in a Ferris Wheel with you Ches
And saying something that I can't confess
Maybe there's a reason why we are here
Maybe this is where brokenhearts go near" tumingin ako kay Ches pagkatapos.

"Hoy comment naman. Masyado ka atang namangha eh" ako

"Hmmp. Di ah. Dalawang stanza nga lang eh" sya sumimangot ako at napitingin sa wristwatch ko ng bigla itong tumunog.

"Ano yan?" Tanong niya

"11:11. Tara wish" pumikit ako at nagwish

Nagmulat ako ng mata at nakitang nakatingin lang sakin.

"Oh? Bat di ka nagwish?"

"Cause nothing will change Iya. I used to believe on 11:11 dati. Wala naman eh" siya

"Walang masama kung gagawin. Wala din namang mawawala kung sundin" sagot ko.

Ganoon na lang ako kabigla ng matupad ang wish ko. The Ferris Wheel works. Nag-umpisa na kaming umandar. Napatingin ako kay Ches.

"See? 11:11 works" napangiti ako

"Oo na" napangiti rin siya.

Natahimik kaming dalawa habang bumababa na ang Ferris Wheel.

Tumitigil at andar na naman ang Ferris Wheel dahil sa pagbaba ng mga nagraride. Dahil sa tagal ng ka-stuck namin ay hindi nag-enjoy ang mga tao at nagpababa na lang. Nag-enjoy ako kasi may adviser ako dito na tahimik na ngayon at may malalim na iniisip.

Sunod na baba ng platform ng tumunog ulit ang cellphone niya. Tiningnan niya ulit yun at pinatay. Di na siya naka-airplane mode dahil baka daw may tumawag galing opisina.

Hindi nagtagal ay nakababa na kami at tumunog ulit ang cellphone niya habang naglalakad kami.

Tiningnan niya muna ito bago, sinagot.

Bumibili ako ng cotton candy habang nakatingin ako sa kaniya.

"Hello Tita" mahinahong saad niya

"What?" Nagsimula na siyang malito.

Kinuha ko ang cotton candy at sinimulang nagsimulang kainin bago mag-umpisang humakbang palapit sa kaniya.

Binaba niya ang cellphone niya nang mapansin ko na ang panginginig at pamumutla niya.

"Bakit?" Tanong ko

"Si Janine"

|•|

   To be continued...

AN:

The next part is the epilogue. I'm sorry to disappoint those who are reading this. Thank you din sa inyo. Hanggang sa huli kong chapter nagsupport kayo. Ito ang pinakaunang librong matatapos ko sa watty though hindi ito ang una kong sinimulan. Maikli lang kasi ito kaya ito ang inuna ko.

Salamat ulit.

Got Stuck In a Ferris WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon