EPILOGUE

5 4 10
                                    

ALLIYAH

Nagdadalamhati ang lahat sa huling hantungan ng kaibigan ko si Mary. Dati ko pa siyang katrabaho at close ako sa kaniya. Sobrang sakit mawalan ng kaibigan, dati ko pang alam na may sakit siya sa dugo pero lagi niyang sinasabing malapit na siyang gumaling.

Siya yung taong gusto lagi ng bago, ng adventure kasi siguro alam niya na rin siguro na may taning na ang buhay niya. Di ko napansin, puro ako lang kasi iniintindi ko. Napakaselfish ko sa part na inisip ko na hanapin ko ang sarili ko while in the first place may mga tao namang handang tumanggap lagi sa'kin. Mga magulang ko, si Mary, mga kaibigan ko, si Louise...

"Shhh babe, it's okay" saad ni Louise sa tabi ko habang hinahagod ang likod ko. Sumandal ako sa kaniyang balikat at pinagpatuloy ang pag-iyak ko. Nung pumunta ako ng Laguna at nameet ko si Ches that's when I realized that it's not me and Louise being lost in our relationship it's my mind, I'm paranoid for myself.

That time I take a break and I realized that being dependent to him is not a problem at all. Masarap dumepende sa taong alam mong permanente na sa buhay mo. Dumepende ka sa taong sigurado, ngunit sa isang banda matuto ka ring gumawa para sa sarili mo. Alam kong permanente na sya sa buhay ko pero hindi sa lahat ng pagkakataon nandito siya sa tabi ko.

Lalong tumindi ang iyakan ng mga tao nang nagpahayag na ng eulogy ang mommy ni Mary.

“Isa lang naman hiling ko sa kaniya, na sana hindi puro kami lang. Na alagaan niya rin sarili niya at wag magpabaya” humagulhol siya at di na halos makapagsalita “Ang anak dapat ang maglilibing sa magulang hindi anak... Ang ililibing ng...” humagulhol ulit siya  “Mary anak, mahal na mahal ka namin. Sana masaya ka na sa langit, mary anak mahal na mahal kita, tandaan mo yan kahit saan ka man magpunta” umalis siya sa unahan ng simbahan habang humahagulhol at agad na inalalayan ng mga kapatid ni Mary

Umakyat ang huling magbibigay ng eulogy na kinabigla ko.

Ches?

Siya yung? Yung boyfriend ni Mary? Wait, what? Mary Janine ang pangalan ni Mary pero.. The fuck. Bigla akong napaayos ng upo at napatitig kay Ches na napipigil ng pag-iyak sa unahan.

“Babe are okay?” napalingon ako kay Louise at napatango ng dahan dahan

Fuck.

“Janine... Bakit ka nandyan?” tumigil siya at tumingin sa gilid niya bago ulit nagsalita “Janine di ba last last year may plano tayo na magkakaroon pa tayo ng pamilya?” pinahid niya ang luha niya gamit ang likod ng kamay niya “Janine di mo kailangan dalahin ang lahat, may mga tao namang nagmamahal sa'yo ah. Bakit di mo sinabi love?” tumungo siya ng saglit bago ulit nagsalita “Sorry love, nagkulang ako. Nagkulang ako kasi di ko naramdaman na my ganiyan ka na palang pinagdadaanan, nagkulang ako dahil nung sinabi mong ayaw mo na di pa tumatagal sumuko na rin ako. Love balik ka naman oh! Mahal kita eh...” napahagulhol siya kasabay naming mga taong nakikinig sa kaniya

“At nakipagbreak ka ba para di mo'ko masaktan? Janine di mo ako nasaktan. Sobrang nasaktan lang. I feel so useless na wala akong nagawa para sa'yo nung mga oras na nanghihina ka. Wala akong nagawa nung mga pagkakataong nahihirapan ka dyan sa sakit mo. Janine naman, ang sakit. Ang sakit” lalong lumakas ang hagulhol ng mga tao, napahilamos sa mukha si Ches

“But Janine, love, your memories is the most precious treasure I'll ever had. Hinding hindi kita makakalimutan love, please take care. Magkikita ulit tayo sa kabilang buhay love. I love you and I'll always” dahan dahan siyang umalis sa harap at hinang hinang bumalik sa upuan niya.

CHESTER

Huling pagkakataon na masisilayan ko ang pinakamagandang babae para sa akin.

‘Love, I promise to love you even when our distance is heaven and earth or in life and death. Love, you may rest now, your long journey of pain has ended and now all you have to do is rest there. I love you and I will always’

Dahan dahang ibinaba ang kabaong ni Janine anim na talampakan sa ilalim ng lupa kasabay ng paghagis ng mga puting rosas sa kaniyang kabaong galing sa mahahalagang tao sa kaniya. Huli kong itinapon ang pink na rosas na nagpapahayag ng pagmamahal sa isang tao.

“I love you Janine. Rest and peace love, take care and I'll do what you haven't does yet for yourself ” ngumiti ako ng mapait at minasdan ang kabaong niyang tinatabunan na ng lupa.

                      T H E  E N D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Got Stuck In a Ferris WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon