Chapter 1: Reminisce

726 16 11
                                    

Chapter 1: Reminisce

Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon pero iisa lang ang nasa isip ko...

"Ang ganda dito!!! Oh! Unicorn ba yun? Halaaaa! Halika dito, I wanna ride on you! O-oy, Teka lang wag kang umalis!"

Eh? Ba't ganito? Tumatakbo ako ngayon pero ba't ang bagal ng kilos ko? Uwaaaah! Di ko na siya maabutan!

"Miss Sato"

Hala! Did the unicorn just called me? Akalain mo yun, marunong din pala silang magsalita? "Nasan ka ba? Ba't di na kita makita? You will let me ride na? *u*"

"Oo. Papunta na ako diyan..."

"Uwaaaah unicorn-san! excit-- eh?" nagtatagalog din pala 'tong unicorn nato? Teka nga muna, parang familiar ang boses niya ah.

"Malapit na ako...Humanda ka."

At may lakas pa talagang manakot. Pero parang kilala ko talaga tong unicorn nato eh. Ba't bigla akong nakaramdam ng matinding takot?

"Andyan na.."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na para bang may nagkakarera sa loob... nakakabinge.. nakaka--- ano ba yun?

"MS. ERIKA LYN SATO!!! OUTSIDE! NOW!"

"aray aray araaaay Ma'am!" Nakita't narinig ko namang nagtatawanan ang buong klase habang pinipingot ni Mrs. Cabayao ang kanang tenga ko papalabas ng room. :'(

HEHE. Nakatulog kasi ako eeeeh (=3=)

Kakalipat ko lang pala dito sa Harvard University...

De joke lang. Mga 3 days palang akong 3rd year highschool student dito sa Saint Lucia Academy, private school.

Flashback (1st day of school)

First day ko ngayon dito sa Saint Lucia and 3rd year na ako ngayon. Lumipat ako kasi nagka-conflict ako dun sa dati kong pinapasukan. Medyo pilya kasi ako kaya siguro ako pinatalsik.

Napadaan ako sa may faculty room ng may tumatawag at sumusutsot saakin. "Pssst, Iha"

Mukhang teacher 'to dito kasi napansin kong iba ang uniporme nito at medyo may edad na rin. Inutusan niya akong idistribute ang mga papel na hawak-hawak niya, dun sa mga classroom sa 3rd year level. 6 papers, so it means anim na classroom ang pupuntahan ko ngayon. Announcement ata ang mga 'to.

Ewan ko ba kung napansin niyang new student ako dito.

Mukhang hindi eh.

Sa gitna ng paglalakad ko sa may hallway, naramdaman kong gumagawa ng di kanais-nais na bagay ang tiyan ko na sinabayan naman ng mga nakakatakot na tunog.

Dali-dali akong napatakbo sa CR at dun nagbabawas ng mga kasalanan. Hanubeyen, pagminamalas ka ba naman ooh.

Nilapag ko ang mga papel near the sink habang naghuhugas ako ng kamay. Hindi ko namalayang tumatalsik pala yung tubig dun sa mga papel kaya sa sobrang gulat ng mapansin ko ito, napahawak tuloy dun sa papel without thinking na basa pala ang mga kamay ko.

Sinubukuan kong patuyuin ang mga ito kaso narinig ko na ang school bell, male-late na ako. Wala na akong ibang maisip kundi ang itapon ko nalang ang mga ito sa trash bin sa CR. 

Tumatakbo ako habang hinahanap ang class section ko. When I've finally found it, I noticed one teacher went outside that room while having her eyebrows meet each other. Siguro ginalit ito ng mga estudyante dun sa loob.

Dumiretso ako sa room at hindi na ako nagtanong kung saan ako uupo. 1st day nga naman kase. Nandito ako sa harapan sa may left side, near the window. Naghe-hello ako sa mga katabi ko and of course, I introduced myself. A minute after that, someone opened the door.

Napalunok ako sa nakita ko.

I saw that teacher kanina, yung nag-utos sakin na idistribute ang mga papel na pinabibigay niya, went inside our room.

"Goodmorning, class. I'm Maam Rosie Cabayao, your adviser this year" Parang tunog kabay-- unicorn. At inaykupo! nagkataong adviser pa namin tong kabay-- teacher nato. Alam kong any moment, sooner or later, marerecognize niya din ako, lagot ka Rika.

"I don't have something to announce today kase the bulletin hasn't arrived yet. Actually may estudyante akong inutusan kanina na idistribute yung Daily bulletin..." At eto na nga'ng kinakatakutan ko.

"Ke bago bago palang..." Bago? Alam na ba ni maam na ako yun? "...ng taon. 1st day of school this year palang eh, pumalya na."

Feeling ko nabunutan ako ng tinik sa dibdib at nagtatatalon ang mga insektong nakatira sa mga tenga ko pagkadinig  ko nun! Yeeeaahh boooooy!

Pero kinabukasan, nabuko si Sister. Hayuuun. Galit na galit si Maam.

End of flashback.

Nandito ako ngayon sa may quadrangle, umuupo habang nag-aantay mag bell. Ayaw kong tumayo't mag-antay sa labas ng room, hiya ko lang noh. Sabe niya kase 'outside' nasa labas rin naman to ng room. Nang mag bell, dumiretso agad ako sa cafeteria.

Di muna ako bumalik sa room and besides I brought my wallet naman. Hindi ko narin inantay si Liann Sandoval or Ann ba yun? Siya ang tangi-tanging naging friend ko dito sa school. We became friends yesterday nung sinamahan niya 'kong magikot-ikot sa campus. Nag promise pa naman din ako sa kanya na sabay kaming mag-recess. Bahala na nga si batman! Maiintindihan niya rin naman siguro ako.

When I stepped inside the cafeteria, biglang nahulog ang aking panga. Sus maryosep! akala ko pa naman  na ako ang ma uuna sa pilahan, di pala. Halos napuno na kase ng mga estudyante ang buong canteen!

Parang di private school ah..

Nung makabili ng spaghetti and 1 sliced pizza, I was trying to find my way out in the crowd. Di rin sila masyadong gutom. Sa kabilang banda, may narinig naman akong tilian ng isang grupo ng mga kababaihan. Okay. nasa dalawa or tatlong grupo siguro. Seriously ano bang meron?

Dahil sa sobrang dami ng bumibili, nakalimutan ko tuloy bumili ng maiinom. Pabalik pa sana ako sa counter pero sa sobrang hirap na hirap na akong makalabas dito, natataranta ako at biglang..

"OH"

"EM"

"GEE"

Natapunan ko ng pagkain ang isang nilalang.

One times Three equals BothTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon