"Ma'am," napatingin ako sa aking sekretarya na mukhang alalang alala sa akin.
"Hindi ka man lang kumatok?"
Andito parin si Terrence dahil pagkatapos kong sabihin iyon ay agad na pumasok ang aking sekretarya.
"Ma'am, importante po ito," ibinigay niya sa akin ang tablet niya at ipinakita ang laman nito.
Gulat kong tinignan ito.
"What's that?" tanong ni Terrence.
"Kalat na sa buong bansa ang ginawa niyo kay ms. Sasha Angeles, pati na rin po sa ginawa niyo noon sa mga dati niyong mga fans. Lumabas po lahat," kita ko rin ang pag-aalala ng aking sekretarya.
"Sinong nag kalat ng news?" tanong ni Terrence.
Napahawak ako sa sentido ko at pumikit.
"Tina-try na po namin hanapin ang nagpakalat nito,"
Sa hinaba-haba ng pananatili ko sa showbiz ay ngayon pa ako nadawit sa ganitong issue.
Aminado ako sa sarili ko na ang daming kung ginawa na hindi maganda lalo na siguro kay Sasha pero ma-ingat naman ako.
"Nanghihingi sila ng interview. May balak din mag sampa ng kaso si ms. Sasha."
Tignan ako ni Terrence na may pagka-dismaya sa mukha at siya'y umiling iling.
"A-ahh sige. Uhm, make a team to shut down all the comments and those who are coming at me on social media, just, just do whatever you can do to shut their mouths," nakahawak na ako sa magkabilaan kong sentido. "Call all of my fans, especially the admins of my group pages. Just do everything to lessen the fucking bashers."
"Ma'am, are we going to call your family lawyer?" tumango tango ako at pumikit para kumalma.
"And you, Terrence. You can leave."
"I'm not going to leave you like this," seryoso siyang nakatingin sa akin at tumaas ang aking kilay.
"Nagawa mo nga yung fifteen years, bakit hindi mo kaya gawin ngayon?" kita ko ang oag tiim bagang niya nang bigkasin ko iyon.
"That's why I'm here. I won't leave you again."
"I won't leave you again nye nye nye," I mocked him and it makes him mad at me even more.
Bahala siya sa buhay niya.
"Mikaela," hinawakan niya ang kamay ko at iniwas ko ito. "Give me a chance, please."
"Chance? A chance? Terrence, hindi nga kita mahal. I don't love you." Nalungkot ang mukha niya at napayuko.
"Mahal kita." Tumawa ako at napatingin naman siya agad sa'kin.
"What the fuck, Terrence. Ano'ng mahal na pinagsasabi mo? Nahihibang ka na nga."
"Mika, hindi ako nahihibang." Pumikit siya't nagtiim bagang at dumilat din kalaunan.
"Shut up and get out of my office."
Nagsukatan kami ng tingin bago siya tumayo. Tinignan niya ako at humarap sa akin.
"I will make you fall in love with me again." Deretso ang tingin niya sa'kin at nakasandal ang kanyang kamay sa aking lamesa. Ngisi lang ang ginanti ko sa kanya.
"You're not my Darrell."
Mabilis siyang umalis at ako nama'y natawa na lang.
Itinuon ko na lamang ulit ang atensyon ko sa aking computer at mga papeles na kailangang pirmahan. Maya-maya'y napagdesisyunan ko nang umalis. Niligpit ko na ang mga gamit ko at lumabas ng office.
BINABASA MO ANG
If This Was A Movie (UNDER REVISION)
RomanceMovie. Where does it start? In a meeting of two main characters by sticking their hearts together. It starts with a simple, "hi" or sometimes a fight until they fall in love with each other, and then the conflict enters. Ultimately, you never know i...