Chapter 6

513 24 19
  • Dedicated kay Gracie Oliamot
                                    

(A/N: Try ko tapusin tong Chappy na to today. BlackOut kasi daw ngaun ewan ko anong oras. So eto na mga Abangers :) Again po pag 4 na po tong FF na to. Sa hindi pa nakakabasa ng Old FF ko. Tignan nyo lang po sa profile ko) 

JYRA's POV

Habang nagmamaneho na pauwi si Jai ay nag-iisip siya.

"Totoo nga kaya ang sinabi ni Karen kanina? May gusto kaya sa akin si Alec kaya pumayag ito na magpakasal sa akin? O gusto lang makumbinsi ni Alec ang Papa para sumosyo sa kanya?" - sa isip ni Jai.

"E, Ako?? Bakit nagkakaganito ako? Ang alam ko T-bird ako. Attracted ako sa mga babae since noong maliit pa ako. Naalala ko pa nga ang insidente noong 10 years old ako na hinalikan ko sa pisnge ang kalaro kong babae. Nang awayin ako'y sa lips ko hinalikan. Pero smack lang naman iyon, halik-bata."- naguguluhang kausap ni Jai ang sarili.

 Pero ngayon ay nakakaramdam siya ng kakaibang damdamin kay Alec. Parang may kung anong damdamin na pinukas si Alec sa kaloob-looban niya.

Hindi rin maalis sa isipan niya si Alec. Kahit saan niya ibaling ang tingin ay ito ang naaalala niya, ang naiisip niya. Maski ayaw niya nang isipin si Alec, nagsusumiksik pa rin ito sa utak niya.

Tama rin ba ang sinabi ni Karen na inlove na siya kay Alec? Na hindi pala siya tunay na tibo dahil ngayon ay nagkakagusto na siya sa isang lalaki?

Napabuntung-hininga si Jai. Hindi niya na ipinasok ang sasakyan sa loob ng grahe. Pumasok na siya sa loob ng bahay.

Nang paakyat na siya ng hagdan at narinig niyang may kausap si Alec sa cellphone nito.

"Iba na ang guwapo." - tumawa ng malakas si Alec.

"Oo. Ganun nga ang usapan namin ni Mr. Agpangan, I mean ng biyahe ko pala. Kailangan daw ay bigyan ko agad siya ng apo." - sabi naman ni Alec.

"Hmm? Yeah. Gusto niya na raw magkaroon ng apo sa amin ni Jai. Nagmamadali na nga ang Papa maski na kahapon lang kami ikinasal ng anak niya. Oo. Ganun ang kasunduan. Hindi ko na kailangan ng kasosyo para magkaroon ako ng sapat na puhunan upang i-expand ang aking negosyo. Magkakaroon ako ng one hundred million pesos. Oo, ang Papa ni Jai ang magbibigay non." - pagmamalaki ni Alec sa kausap sa phone.

Parang may sumuntok sa dibdib ni Jai ng mga sandaling iyon dahil sa narinig. 

"Kung ganun ay hindi pala totoo na may gusto si Alec sa akin kaya madali niyang na kumbinsi si Papa na magpakasal sya sa akin. Iba ang dahilan pala kung bakit ako pinakasalan ng mokong na to. Para pala mapalago ang negosyo nito. Kumapit lang pala siya sa Papa ko na parang robot na sund-sunoran upang makamit ang gusto. At kailangan pang magkaroon kami ng anak upang bayaran ng isandaang milyong piso ni Papa?"  - na sabi ni Jai sa sarili.

Mabilis na lumabas ulit ng bahay si Jai at sumakay sa kanyang kotse. Mabilis niya iyong pinaharurot habang pinipigilan niya ang pagtulo ng luha mula sa kanyang mga mata.

"Ang tanga-tanga ko. Ang tanga-tanga ko dahil may bahagi sa isipan ko na maniwala na may gusto sa akin si Alec." - pagmamaktol ni Jai sa sarili.

"HAHAHA, Imagine magbabayad pa si Papa ng napakalaking halaga, One hundred Million Pesos para lang bigyan siya ng anak ni Alec? God!! I can't believe na aabot pa ito dito."  - galit na sabi ni Jai sa sarili.

  ALEC's POV  

"Wala pa ba ang maam Jai nyo?" - tanong ni Alec sa kasambahay.  

"Dumating na po sir Alec." - sagot ng katulong   Napakunot ang noo ni Alec.

 "Dumating na? E, nasaan siya? Wala siya sa kuwarto niya nang puntahan ko." - tanong ulit ni Alec.  

"Nakita ko po kasing umalis din agad. Para pa nga pong galit eh." - sabi ulit ng katulong.  

"Galit?" - lalong napakunot ang noo ni Alec.

"Opo" - sagot ng katulong.   Palakad-lakad si Alec habang nag-iisip.  

"Bakit kaya galit si Jai?"   

"Ipaghahain ko na po ba kayo ng hapunan si Alec?" - tanong ulit ng katulong.  

"Huwag na muna. Kayo na lang muna ang kumain. Hihintayin ko na ang Maam Jai nyo." - sagot naman ni Alec sa katulong.  

Tumango lang ang katulong bago ito nagtungo sa kusina.  

Nagtungo sa study room si Alec pero hindi siya mapakali. Iniisip niya ang sinabi ng katulong na parang galit si Jai nang umalis ulit. Kaya tinawagan niya ang cellphone ng kapatid ni Jai na si Joj.  

"Kuya Alec? Kumusta kayo ni Ate Jai?" - masaya ang boses ni Joj mula sa kabilang linya. Nakakahawa.  

"We're okay, thanks!" - sagot naman ni Alec.  

"Napatawag ka kuya?" - tanong ni Joj sa kausap.  

"Nasa bahay ka ba?" - tanong ni Alec  

"Yap, Why?" - balik tanong ni Joj  

"Nariyan ba ang kapatid mo?" - tanong ulit ni Alec.  

"Si Jai ba kuya?" - si Joj  

"Wait ang akala ko ba'y okay kayo, e bakit hinahanap mo si Jai?" - tanong ni Joj kay Alec.  

"Medyo nagtampo e." - sagot naman ni Alec.  

Natawa si Joj sa sinabi niya.  

"May L.Q Lovers Quarrel na agad kayong dalawa?" - tanong ni Joj   Tumawa rin si Alec.  

"Ang alam ko, kapag naiinis iyon ay gustong mapag-isa -- for awhile. Tapos, tatawagan niya si Tom para makinig sa sintimyento niya. Iyon kasi ang shock-absorver niya eh." - sabi naman ni Joj kay Alec.  

"Ganun ba? Okay! tatawagan ko na lang siguro sya. Salamat ha?" - sagot ni Alec.  

"Sige. Walang anuman Kuya Alec." - sagot naman ni Joj.  

Napabuntung-hininga si Alec matapos makipag-usap kay Joj. Hindi niya maintindihan kung bakit parang may kabang bumundol sa dibdib niya ng mga sandaling iyon.    

(Chapte 6 po. HEHE bitin parin ba? sa tingin nyo ano mangyayari?)

Impossible Love?  (JALEC FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon