Chapter 11

461 20 14
  • Dedicated kay Gracie Oliamot
                                    

(A/N: Bunos ko lang po to dahil Monthsary ngaun :) Last 1 chappy nalang ata eh!)

Hindi pa gaanong mainit at masakit sa balat ang sikat ng araw dahil pasado alas-otso pa lang no'n ng umaga.

Nakasilong sa malaking puno sina Andrea at Alec. Binigyan ang mga ito ng upuan ng mga tauhan nila roon sa asyenda.

Sina Don Martin naman at Jai ay naglibot sa asyenda.

"Nakapag-usap na kayo ni Alec?" - tanong ng Papa niya sa kanya.

Umiling si Jai sa ama.

"Hindi pa po Papa" - sagot ni Jai.

"Bakit?" - tanong ulit ni Don

Hindi siya kumibo. Nagpakawala lang siya ng malalim na buntung-hininga ng kung ilang beses.

"Jai...."

Tumingin siya ng diretso sa mga mata ng Papa niya. Gusto niyang mabakas mamaya sa mga matang iyon kung kasinungalingan ang isasagot ng Papa niya mamaya sa kanya.

"Papa, bakit hinayaan mo akong pakasalan ni Alec gayung alam mong dahil lang iyon sa pera? Are you that desperate na gawin akong isang tunay na babae kaya sinong lalaki ay babayaran mo ng malaki pumayag lang na pakasal sa akin?" - tanong ni Jai sa ama.

Nakita niyang kumunot ang noo ng Papa niya, ng kunot na kunot. Bahagyang naningkit ang mga mata nito at ilang sandali ring inisip ni Jai na baka sigawan siya ng kanyang Papa.

Subalit napabuntung-hininga ito maya-maya at saka siya inakbayan.

"Naisip mong magagawa ko iyon?" - tanong ng Ama ni Jai.

"Opo!" - sagot ni Jai

"Nakakahiya iyon sa ating pamilya. Walang Agpangan na kailangan pang magbayad ng malaking halaga upang magkaroon ng asawa. Tayo ang hinahabol, remember?" - sabi ng ama niya.

"Pero paano nyo pong ipaliliwanag ang tungkol kay Alec?" - tanong ni Jai sa ama.

"What about him?" - tanong ng ama niya

"Bakit niya ako pinakasalan Papa?" - tanong ulit ni Jai.

"Bakit hindi mo siya tanungin?" - sagot ng ama.

"Papa...." 

"What Jai?" 

"I want to hear the truth from you Papa." 

Muli'y nagpakawala ng isang malalim na buntung-hininga si Don Martin.

"Okay!" 

Humanda sa pakikinig niya si Jai. Marami na siyang naririnig na nagsasabing "The truth always hurt" 

Kaya kahit ano pa ang marinig niya, kahit masaktan pa siya, gusto pa rin niyang malaman ang totoo. Gusto niya iyon marinig.

"Problemado ako sa iyo noon. Si Alec naman ay sa kumpanya niya. Humanga ako sa batang iyon. Mula sa ibaba ay pilit siyang pumapanhik sa itaas sa kabila ng pag-iisa. Hanga ako sa mga taong mataas ang self-esteem at nagsusumikap para maabot ang pinapangarap. Sabi niya sa akin family pictures at masasayang alaala lang ng mga magulang ang naging puhunan niya para makamit ang minimithi. Para libangin ang sarili kapag nalulungkot siya at ibig nang sumuko. Nagsikap noon ang kanyan Papa para mabigyan nito ng mabuting mabuhay ang pamilya --- si Alec at ang Mama niya. Nang mawala ang kabuhayan nila'y nawalan na rin ng pag-asa ang Papa niya. Kaya gusto niyang ibalik kung ano ang meron sila noon. Para sa Papa at Mama niya, at para sa magiging asawa't mga anak niya. Kaya tinulungan ko siya. Sa halip na makisosyo ako sa kanya ay pinahiram ko na lang siya ng pera. Ayaw niyang tanggapin iyon noong una. Ang gusto niya'y ibigay na collateral ang bahay niya at isang bukirin sa SOrsogon. Pero tumanggi ako. Nagtiwala akong pautangin siya ng malaking halaga dahil may tiwala ako sa kanya. Kalaunan ay napilit ko rin." - mahabang kwento ni Don Martin kay Jai.

"At ang kondisyon ay pakasalan niya ako?" - tanong ni Jai.

Maang na napatingin sa kanya ang Papa niya.

"Ganun ba ang naging kasunduan nyo Papa?" - tanong ulit ni Jai.

"Where did you get that information? Ang akala mo ba'y papasok ako sa ganoong kasunduan?" - tanong balik ng Ama sa kanya.

Napipilan si Jai. Hindi niya malaman kung ano ang sasabihin ng mga sandaling iyon.

"How could you think of such absurd idea ha Jai?" - tanong ng Ama

"I-I heard Alec." - sagot niya sa Ama.

"May kausap siya sa telepono. I heard him saying, Iba na ang guwapo. Oo, ganun nga ang usapan namin ni Mr. Agpangan, I mean ng biyenan ko pala. Kailangan daw ay bigyan ko agad siya ng apo." - sabi ni Jai sa Ama

"Iyon lang?" - tanong ng Ama

Kahit masakit ay itinuloy ni Jai ang pagkukuwento sa ama.

"Sabi niya pa sa kausap, Gusto niya na raw magkaroon ng apo sa amin ni Jai. Nagmamadali na nga ang Papa maski na kahapon lang kami ikinasal ng anak niya. Oo ganun ang kasunduan. Hindi ko na kailangan ng kasosyo para magkaroon ako ng sapat na puhunan upang i-expand ang aking negosyo. Magkakaroon ako ng one hundred million pesos. Oo ang Papa ni Jai ang magbibigay non." - pagpapatuloy ni Jai.

"Tapos?" - tanong ng papa niya

"Ang sakit-sakit non sa akin Papa. Pakiramdam ko'y ako na ang pinakawalang-kwenta at pinakapangit na tao sa mundo dahil kailangan pang magbayad ng Papa ko ng malaking halaga sa isang lalaki para lang pumayag itong pakasalan ako." - paiyak na sabi ni Jai.

"IDIOT!" - mahina pero mariing sabi ng Papa niya

Nagulat si Jai

"Papa ---"

"Hindi mo ba naisip na maaaring iba ang pagkakaintindi mo sa usapan nila dahil si Alec lang naman ang naririnig mo? Hindi ka pa niya kilala at hindi ko pa nasasabi sa kanya ang tungkol sa problema ko sa iyo'y naibigay ko na kay Alec ang one hundred million pesos." - sabi ni Don Martin

"Pero ang sabi niya ---" 

"Let me finish first Jai" - malakas na sabi ng Papa niya na ikinatahimik niya.

"Nang inaayos niya na ang negosyo niya para mai-expand ito sa tulong ng perang ipinahiram ko'y saka niya nakita si Joj. Sabi ng kapatid mo sa kanya, Kuya Alec, ligawan mo si Jai para maging ganap na babae iyon." - sabi ng Papa niya

Hindi nakakibo si Jai.

"Tawa nang tawa si Alec. Pero nang makita niya ang litrato mo ay hiningi niya iyon sa kapatid mo. Buhat noon sa tuwing magkikita kami ni Alec ay kinukumusta ka niya sa akin. Kaya naihinga ko sa kanya ang problema ko sa iyo. Siya ang may ideya na kaibiganin si Nikka upang magkakilala kayo. At iyong tungkol sa kasal, siya rin ang may ideya no'n nang pumayag ako sa kanya, ako na rin ang gumawa ng paraan kung paano ka mapapapayag. Iyong tungkol sa apo at sa pera ay biruan lang nila ng kaibigan niyang matalik na si Roy." - sabi ng Papa niya

Matapos nilang makapag-usap ng Papa niya'y parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Jai. Pakiramdam niya'y ang saya-saya niya. Kahit hindi diretsahang sinabi ng Papa niya'y nakuha niya na ang mensaheng naroroon. Hindi mukhang pera si Alec. Kahit kailan ay hindi ito makakipagkasundo sa isang babae nang dahil sa pera. Pinakasalan siya ni Alec dahil mahal siya nito.

Pero nang pabalik na silang apat sa malaking bahay nang magda-dapithapon na'y nahihiya pa rin siyang kausapin ang asawa.

(A/N: Finale na po Next UD! :p)

Impossible Love?  (JALEC FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon