Chapter 7

403 19 7
  • Dedicated kay Roslyn Florendo
                                    

(A/N: Eto na po yung UD ko. Ang kulit ng mga readers nagmana sa akin. Nangungulit na mismo sa akin through DM, tweet or PM. Kayo na! :)) 

Sa condo nagtungo si Jai. Gusto niyang maglasing.. Magpakalango sa alak hanggang sa malimutan niya ang sama ng loob. May mga stock naman siya ng alak doon.

Nangangalahati na ang laman ng bote ng alak nang tawagan ni Jai ang kaibigang si Tom. Malapit lang dito ang bahay ng kaibigan niya kaya siguradong makakarating agad iyon.

Sinabi ni Jai na umiinom siya kaya nang dumating si Tom after almost an hour ay may dala itong ice at pulutan.

Medyo Tipsy na si Jai.

JAI's POV

"Anong nangyari Jai? Kahapon ka lang ikinasal, naglalasing ka na ngayon?" - tanong ni Tom sa akin.

Tumawa lang ako.

"Oo nga eh" - sagot ko kay Tom.

"Ang akala ko nga nasa bar ka eh" - sabi naman ni Tom sa akin.

"Ayoko sa bar. Gusto ko kasing magpakalasing ng husto. Iyong halos gumagapang na ako sa kalasingan. Kung nasa bar ako ay paano akong makakauwi non kung sakali? Hindi rin ako puwedeng mag-drive. Kaya maige na rito. Puwede na akong matulog pagbagsak ko." - sagot ko kay Tom.

Nagsalin ng alak si Tom sa baso nito at tumungga.

"Bakit ba kailangan mong magpakalasing ng husto?" - tanong ulit ni Tom.

Ngumiti lang ako, sabay sabing.

"Alam mo ba ha? Kailangan pang magbayad ng malaki ni Papa ko para lang pakasalan ako at bigyan ng anak na hudas na Alec na iyon." - pagsi-share ko kay Tom.

Nagsalin ng alak si Tom sa baso nito at tumangga na naman.

"Bakit ka naglalasing? Hindi ba't nagreregalo ka nga ng mamahaling bagay sa mga babaeng nililigawan mo? Ano pang bago ron?" - sarkastong sabi ni Tom.

"Masama ang loob ko dahil ang akala ko'y may gusto sa akin si Alec kaya niya ako pinakasalan. Kaya siya pumayag sa kagustuhan ng Papa." - lasing na ako ng kausap ko si Tom ngayun.

"May gusto?" - napamaang si Tom sa narinig.

Napasubsob naman ako sa Mesa at nahihilo na ako dahil sa kalasingan ko.

"Oo, hindi ko nga maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagkagusto sa hudas na iyon. Ayaw kong aminin noong una lalo na nung inaayos pa lang namin ang kasal. Pero kanina alam ko hindi ko na puwedeng dayain ang sarili ko." - sabi ko habang pa iling-iling ako.

"Damn! I love the man. Wala na sanang problema dahil mag-asawa kami. Kasal na kami. Kaya lang hindi matanggap ng pride ko na kaya niya lang ako pinakasalan ay dahil sa pera." - paluhang sabi ko at sa kalasingan ko hindi ko na ma kontrol ang bibig ko.

Hindi ko namalayan na lahat na palang sama ng loob sa dibdib ko ay nailabas ko na.

Napatiim-bagang naman si Tom sa natuklasan mula sa akin.

"Ang suwerte ni Alec. Nagawa mo siyang mahalin." - sabi ni Tom.

"Nang matuklasan mong babae ka pala talaga'y siya ang nasa tabi mo." - sabi ulit ni Tom na halatang may ibang kahulugan ang kanyang sinasabi.

"Anong sinasabi mo....?" - takang tanong ko kay Tom. Hindi ko siya maintindihan.

Nagtaka si Jai nang tumabi sa inuupan niya si Tom. Malaki ang sofa kaya nagtaka kung bakit pilit na sumiksik sa tabi niya si Tom.

"Ano ka ba Tom? Umusog ka nga ng kaunti. Ang sikip. Saka naiinitan ako...." - reklamo ko kay Tom bago bahagyang itinulak ko ang braso niya.

Hinawakan ni Tom ang kamay ko.

"Ano ba? Bitiwan mo nga ako---" - putol na awat ko kay Tom.

"Gusto kita Jai." - biglang sabi ni Tom.

"Ano?????" - naguguluhan na ako. Gusto ako ni Tom?

Hinalikan ni Tom ang kamay ni Jai.

"Ang sabi ko'y gusto kita. Noon pa Jai. High School pa lang tayo ay may gusto na ako sa iyo. Kahit medyo weird ka'y sinasakyan pa rin kita. Kung bakit hindi ako nanliligaw sa iba." - sabi ni Tom sa akin.

"WHAT?!!" - hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Tom sa akin ngayun.

"Minahal kita sa loob ng maraming taon. Binantayan at inalagaan. Pumayag akong maging shock-absorber mo, alalay, utusan, lahat-lahat na. Isang tawag mo lang ay nagmamadali na akong puntahan ka. Hindi mo ba nararamdaman kahit minsan lang kung gaano ka kahalaga sa akin ha Jai?" - wika ni Tom habang hawak pa rin nito ang kamay ko.

Pilit kong binabawi ang kamay ko pero ayaw paring bitawan ni Tom.

"Ano ka ba Tom? Bitiwan mo nga ako." - galit na sabi ko.

Nagulat si Jai nang bigla siyang yapusin ni Tom. Bago pa niya naisipang pumalag ay kinuyumos na siya nito ng halik sa labi.

Nagpumiglas siya. Sinusuntok niya sa likod si Tom. Pero lalo lang humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.

Nang makahulahpos ang isa niyang kamay ay agad iyong umangat at sinampal niya sa kaliwang pisngi si Tom. Uulitin pa sana niya iyon pero muli na siyang nahawakan nito.

"Ano kaba?!" - sigaw ni Jai.

"Can't you see Jai? Nasaktan ako ng husto nang malaman kong magpapakasal ka kay Alec. Ilang beses kong itinanong sa sarili ko kung bakit hindi na lang sa akin? Tutal, it's just a masquerade. Parang dinurog ang puso ko kahapon nang magpakasal ka na sa kanya. At ngayong naririnig kitang nagsasalita tungkol sa totoo mong nararamdaman kay Alec ay parang unti-unti mo akong pinapatay." - pag-aamin ni Tom sa akin.

"Tommmmm" - sigaw ko ulit.

"Alam mo ba iyon ha Jai?" 

"NO!" - si Jai.

Kinuyumos siya ng halik sa labi ni Tom. Halos mapugto ang hininga ni Jai sa halik na iyon at para siyang biglang nanghina nang magkalas ang mga labi nila.

"Mahal kita Jai" - sabi ulit ni Tom.

"GO TO HELL!" - pasigaw kong sabi.

Pilit akong nanlaban kay Tom pero higit itong malakas kesa sa akin. Idagdag pang hilong hilo na ako sa dami ng nainom ko. :(

"Bitiwan mo ako! TOM...!" - pagpupumiglas ko.

Napapikit ako.

"God, mare-rape na ba ako ng tuluyan ngayon?" - sa isip ko. Pinanghinaan na talaga ako.

Kung ilang beses niyang sinipa si Tom, inaasinta ng tuhod niya ang harapan nito pero lagi siyang bigo. Nang minsan namang matamaan niya ito'y tila balewala lang iyong sa lalaki.

Gusto niya nang mawalan ng pag-asa. Nauubusan na rin siya ng lakas na patuloy pang manlaban.

Biglang pumasok sa isipan niya si Alec.

"Alec! Oh My God. Asan ka na?" sa isip ko.

Bigla'y naglandas ang masaganang luha mula sa mga mata niya nang maisip ang asawa.

Napapikit si Jai. Pero muli siyang napadilat at natigilan nang biglang bumukas ang front door at pumasok si Alec.

"ALEC" - sigaw ko sa isipan ko. Biglang lumakas kabog ng dibdib ko ng makita ko si Alec.

Galit na hinaltak ni Alec si Tom at sinapak ito. Sadsad sa sahig si Tom. Sa lakas ng pagkakasuntok ni Alec dito ay pumutok ang pang-ibabang labi ni Tom at parang hindi na ito makatayo.

Pagkaraan ay siya naman ang binalingan ni Alec. Hinawakan siya nito sa braso at itinayo mula sa sofa.

Ilang sandali pa'y palabas na sila sa condo habang hila ni Alec si Jai sa isang kamay.

(A/N: Ito na yund UD ko o! Tatype ko muna ang next Chappy ha? wait! :)))

Impossible Love?  (JALEC FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon