Those Two Words

51 4 0
                                    


Isa't kalahating oras na akong nakatingin sa ini-sketch kong portrait sa aking sketchbook.

I don't get it. Bakit parang mukhang weird? Ang hirap naman ayusin nito.

Narito ako sa kuwarto ko. May maliit akong working space kung saan may desk at ilang gamit para sa arts. I do portraits and paintings.

Bumuntong hininga ako at hinagilap ang eraser. Binura ko ang mga trace ng lapis kung saan puro mali. Argh. Commision ko pa naman ito, at may deadline! Bakit hindi ko magawa ito ng maayos?

Sumasakit na ang leeg at ulo ko kakatungo sa aking papel nang marinig kong nag-beep ang pintuan ng condo unit ko.

"Persephone, I bought some food here."

Narinig ko ang boses ng boyfriend ko sa sala. Hindi ko siya masagot dahil busy ako sa pag-aayos ng drawing. Tiningnan ko nang maigi ang reference ng aking client sa iPad.

Saglit lang ay bumukas ang pintuan sa kuwarto. Narinig ko ang paghakbang ni Hael patungo sa akin.

"Busy?"

Nilingon ko siya bahagya. Naka-white shirt siya at pants. May suot din siyang sumbrero na tumatakip sa kulay dark brown niyang buhok. His amber eyes met mine. Ngumiti siya sa akin at tsaka niya sinulyapan ang ginagawa ko.

"Anong binili mo?" Tanong ko.

"Pinagluto na kita, chopsuey." Sagot niya na ikina-simangot ko.

"Diba sabi ko ibili mo ako ng fries and burger?"

"You've been eating lots of unhealty food, Percy. Kumain ka naman ng gulay..." Yumuko siya at hinalikan ako ng mabilis sa pisngi.

Naka-simangot pa rin ako sa kanya.

Inikot niya ang sketchbook ko upang makita niya ito nang maayos. Lalo tuloy ako na-disappoint sa aking sarili.

"The sketch looks horrible..." Sambit ko.

"Maayos naman ah..." He said.

"Hindi kamukha 'yung reference." Tinuro ko yung iPad.

He sighed and picked up my graphite pencil. He skillfully draw guide lines and basic shape of the face. Pinanood ko siya at nawala ang bad mood ko nang makitang mas naging maganda ang drawing.

"Hope it helps." Nilingon niya ako.

Ngumiti ako at niyakap siya sa kanyang bewang. Nakaupo pa kasi ako habang siya ay nakatayo naman.

"You can work on that later. Kumain na muna tayo."

Tumango ako. "Okay."

Tumayo ako at sabay kaming lumabas ng kuwarto. Nagtungo ako sa counter top doon sa kusina at binuksan ang dala niyang supot.

Umuusok pa ang tupper ware kung saan nandoon ang chopsuey. Kumpleto ito sa sahog at may karne rin. May kanin din siyang dala.

Naglapag siya ng plato namin dalawa at mga kubyertos. Naglagay siya ng kanin sa aming plato. Binigay niya iyong akin.

Naupo ako at ganon din siya.

"Thank god naisipan mo lagyan ng chicken 'yung ulam..." Wika ko.

Natawa siya. "But please eat some vegetables, okay?"

Well, kumakain naman ako ng gulay. Pero kailangan lang talaga na may karne itong kapartner para hindi ako maumay. Hindi naman ako gaya niya na mahilig sa gulay. We're totally opposite.

Magaling naman siya mag-luto kaya laging maayos ang kain ko. Puro fried lang kasi ang kaya kong lutuin at kapag naiisip niya iyon, namomoblema siya.

He's an Automotive Designer. Mas marami siyang ginagawa kumpara sa akin pero masipag pa rin siyang puntahan ako at asikasuhin. Ideal man siya kung tutuusin. Siya ang pangarap ng lahat ng babae at sobrang suwerte ko!

Pero paano nga ba kami nagsimula? 

Those Two WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon