Page 3

9 0 0
                                    

Ilang beses akong nagpabalik-balik doon sa abandunadong museum sa tuwing magla-lunch break. I find peace in that place.

Nang matapos ang klase ay tinanggihan ko si Xia na sabay kaming kakain. Wala akong gana lagi. Kanina, bago pumasok ay kuryoso si Xia sa namamaga kong mata. Umiyak kasi ako magdamag nang malaman na may lalaki na laging naghahatid kay Mama tuwing uuwi siya sa trabaho.

Nagkasagutan pa kami nang tanungin ko kung sino ang lalaking iyon. Hindi maganda ang pakiramdam ko. Feeling ko si Mama naman ang mawawala sa akin kapag sumama siya sa lalaking iyon.

Mabilis akong bumaba sa hagdan at tinahak ang daan patungong museum. Naupo ulit ako sa mga upuan na nandoon.

Saglit lang ay bumuhos na ang lahat ng sama ng aking loob. Umiyak ako at humagulgol. Malayo naman ito kaya hindi ako nababahala na may makarinig.

Ang sakit na ng mata ko dahil sa pagbuhos ng luha. Ganoon din ang lalamunan kong nanunuyo dahil sa emosyon. Ang dibdib ko ay mabigat. Sobra-sobra ang sama ng loob ko sa mga nangyari sa aking pamilya. I hate it. Bakit? Bakit ganito?

Natigilan ako nang makarinig ng yabag. May paparating!

Pilit kong tinahan ang sarili. Mabilis kong pinunasan ang kalat na luha sa aking pisngi. Pag-lingon ko ay nasa gilid ko na si Hael. Lalo kong nakita kung gaano siya katangkad habang nakatayo sa gilid ko, sukat na sukat ang kanyang white polo na uniform at maroon pants na maganda ang pasada sa kanyang biyas.

Akala ko may kasama siya ngunit wala.

Nanlaki ang mata ko. May kailangan ba siya?

Naupo siya sa katabi kong upuan na bakante. Nilingon niya ako. Halos mabato naman ako sa aking pwesto.

"Pasensya na pero lagi kitang nakikita na pumupunta rito." Wika niya.

Pinunasan ko nang mabilis ang luhang naiwan sa kabila kong mata.

"May dala nga pala ako ritong pagkain. I bought it for you."

Umiling ako. Hindi pa rin siya tinitingnan.

"Sorry pero ayokong tanggapin 'yan." Malamig kong sinabi pero sa kalooban ko ay sobrang hiyang-hiya ako.

"Narinig ko sa kaibigan mo sa canteen na hindi ka raw lagi sumasabay sa kanila kumain..."

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Natigilan siya at nakasalubong ko ang kakaibang kulay ng kanyang mata.

Tipid siyang ngumiti sa akin.

"Sorry. Hindi ko sinasadyang makinig sa usapan nila. And I'm a bit worried. Tanggapin mo na ito, gusto kong tumulong bilang kaibigan."

Nilapag niya ang balot ng pagkain sa kandungan ko. It's like a deja vu. The scene, the conversation we shared years ago.

"You know... I'm always curios about you," He said. "Ayokong maramdaman mong nangingialam ako pero hindi ko maiwasan. Your name's Persephone Yenice, right? I can't forget your name since elementary days."

Tumango ako. Ang haba ng pangalan ko pero natandaan niya pa rin. Ang mga naging kaklase ko nga hindi pa rin iyon masabi ng diretso kahit ilang taon na nila akong kilala pero si Hael na minsan lang nagtagpo ang landas namin ay malinaw na binanggit iyon.

"I know you have your friends but if you want somebody to listen to your problems, pwede kang magsabi sa akin. I won't judge." Ngumiti siya sa huli.

Kumurap ako at iniwasan siya muli ng tingin. He's too kind and friendly. Hindi bagay sa isang lalaki na gwapo. Noon kapag nakikita ko siya mula sa malayo, aakalain mong suplado.

Those Two WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon