Page 2

9 0 0
                                    

Tuesday nag-umpisa ang painting contest. Bitbit ko na ang canvas at ibang paint materials ko. Doon ulit sa art room gaganapin ang contest.

First period iyon gaganapin kaya lahat ng kasali ay excempted sa klase. Pagpasok ko sa art room ay si Hael pa lang ang nandoon. Halos mapatigil ako sa paghakbang nang lingunin niya ako. Hindi ako tumingin sa direksyon niya at naupo na lang sa sariling table ko na naroon sa gilid ng room. Nasa bandang unahan kasi siya.

6:30 palang at 7:00 ang simula ng klase pero ang contest ay 7:15 mag-i-start. Masyado pa palang maaga.

Bahagya akong sumulyap sa kanya. Hindi na siya nakatingin. Mula sa pwesto ko ay naka-side view siya. Kitang-kita tuloy kung gaano katangos ang kanyang ilong. May ginuguhit siya sa kanyang sketchbook.

Nanlaki ang mata ko nang bigla niya akong lingunin. Nahuli niya akong nakapalumbaba habang tinititigan siya!

Nag-init ang pisngi ko at mataray na umiwas. Lumingon ako sa bintana na katabi ko lang.

Sa takot na mahuli niya ulit ako, pinigil ko na lamang ang sarili na bumaling sa direksyon niya. Tahimik lang kami hanggang sa nagdatingan na ang iba pang kasali sa contest. Dumating na rin ang mga judges at teachers na magsisimula ng contest.

Walang theme na binigay sa amin. Pero dapat raw ay may meaning ang ipipinta.

Ang naisip kong ipinta ay rosas na hugis puso na napapalibutan ng tinik. Habang ginagawa iyon ay naisip ko ang pagtatalo ng aking mga magulang. Hindi na sila nagkakasundo. Minsan ay halos hindi na rin umuuwi sa bahay si Papa. Ang hinala ni Mama ay nambababae ito.

Nang matapos ang oras, pinahilera na sa harapan ang aming mga ginawa. Magkasabay kami ni Hael na magtungo sa harapan at ilapag doon ang mga gawa namin. Nagkatinginan kami. Mabilis kong sinulyapan ang painting niya.

Kumunot ang noo ko nang makita ang imahe ng isang babae na walang ekspresyon pero punong-puno ng kahulugan ang hawak nitong canvas na rainbow ang kulay.

Pumintig ang aking puso.

Bumalik ako sa upuan at tahimik na naupo. Tinitigan kong muli ang gawa ni Hael.

Ang walang ekspresyon na babae ay nililipad ang katamtamang haba ng buhok nito.

Kusa akong napahawak sa katamtaman din na putol na buhok. Ayokong mag-assume pero...

Natigil ako sa pag-iisip nang tawagin ako upang i-explain ang gawa sa lahat. Nanginig ako at kinabahan. Hindi ako sanay humarap sa maraming tao.

"Persephone?" Tawag ng lalaking teacher.

Nang tingnan ko ay lahat sila ay nakatingin. Pati na rin si Hael na hindi ko tinatapunan ng tingin.

Tumayo ako at pumunta sa harapan katabi ang aking painting.

Lumunok ako at nagsalita.

"This painting was entitled... 'pain of love' sinisimbolo n-nito ang pag-ibig na habang tumatagal ay kumukupas at nawawala rin... Gumugulo, nagkakasakitan at sa huli ay mawawatak..."

Tumango-tango ang judges at teachers.

"Is that all?"

Marami pa dapat ako explaination ngunit naunahan ako ng kaba at takot. Na-intimidate ako sa mga tingin nila.

"O-Opo, that's all." Yumuko ako at mabilis na umalis sa harapan. Tahimik akong naupo.

Sa gilid ng mata ko ay kita ko ang pagpalakpak ni Hael sa akin. Siya lang ata ang gumawa non. Miski ang judges at teachers ay halatang hindi na-impress.

Sumunod na nag-explain sa harapan ang iba pang contestant. Nag-excuse ako sa teacher nang tinawag na si Hael upang ipaliwanag ang naipinta sa harap.

Those Two WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon