Ang daming tao...
Madilim at medyo malamig ang simoy ng hangin.
Dahil na rin siguro sa alas tres palang naman ng umaga.
Nasa alay lakad ako ngayon,
isang tradisyon na ginagawa tuwing sasapit ang mahal na araw...Paggunita sa pagkamatay ni Hesus, isinakripisyo nya ang kanyang buhay upang tayong mga tao ay mailigtas mula sa ating mga kasalanan.
Tulad ng kwento ni lola
sa amin noon.Tama nga si lola, marami pa ring tao ang naniniwala at nakikiisa sa gawaing ito.
Sabi pa ni lola,
Paniniwala raw ng marami na kapag nag alay lakad raw maraming sakit ang mawawala sayo...At ang mga panalangin mo ay mabibigyang katuparan
kung ito'y taos puso mong hihingin sa maykapal.Gusto kong paniwalaan ito
kasi kailangan kong maniwala
ito na lang kasi ang tanging naiisip kong paraan at maaari kong gawin.Mag isa lang ako, wala akong kasamang mag alay lakad
di tulad ng iba na kasama ang kanilang mga kaibigan, o di kaya'y kapatid.Ang ilang grupo naman ay parang magkakapamilya.
Mag-isa man ako
di rin naman ramdam kasi marami akong nakakasabay sa paglalakad.Sa totoo lang di alam nila papa at mama na sa oras na ito
ang nag iisa nilang anak ay nasa labas at naglalakad sa ganitong oras.Tumakas lang kasi ako...
Hindi kasi nila ako papayagan
hindi rin naman nila ako masasamahan kasi
kahit mahal na araw
negosyo pa rin ang inaasikaso nila.Taimtim akong nagdarasal habang naglalakad.
Paulit-ulit kong binibigkas sa aking isipan ang panalangin ko na sana nga'y dinggin nya.
pero
subalit
datapwat
ang iingay nila...
Hindi tuloy ako makapag dasal ng maayos habang naglalakad
parang ginagawa na lamang nilang bonding time ang alay lakad.At sa totoo lang namimiss ko talaga ang bestfriend ko
hayssst!"Miss!"
nilingon ko kung saan galing ang boses
Hindi ko kilala kaya nagpatuloy ako sa paglalakad.
"Miss sandali!"
sigaw ulit ng lalakiTumigil ako at muling nilingon ang lalaki
Kita ko ang pagtakbo ng lalaki
palapit sa direksyon ko."Bakit?" agad kong tanong sa lalaki ng itoy makalapit na sa akin.
"ah.... w-wala lang...
mag-isa kalang?""Oo" matipid kong sagot
at nagpatuloy na sa paglalakad
Agad namang sumabay sa akin ang lalaki sa paglalakad."Bakit?" Pagtatakang tanong niya
"Anong bakit? Ngayon ka lang ba nakakita ng taong mag isang naglalakad? Bakit kailangan ba laging may kasama? Saka masama bang mag-alay lakad ng mag-isa?" iritang tanong ko sa lalaki
BINABASA MO ANG
A Walk For Love
Novela JuvenilIsang babaeng minsan nang naniwala. Humiling ng paulit-ulit ng himala subalit paulit-ulit ring nabigo. Sa panahon ng kanyang kalungkuta't pag-iisa, labis ang kanyang tuwa pagka't sya'y nakatagpo ng isang taong nagsilbing kanyang karamay. Subalit p...