Chapter2

0 0 0
                                    

Chapter2

Roe’s Pov

“Dinner date tayo?”- tanong ko sa boyfriend ko nung bumabyahe na kami ni Aiden Carter Reyes

“Buksan mo yan”- utos niya sa akin, kaya binuksan ko yung bag na nasa harap ko, pag bukas ko isang bracelet, maganda siya

“Do you like it”- tanong niya sa akin nung makita ko na ang laman

“Yeah. Wala namang okasiyon. Why with these gifts?”- tanong ko sa kaniya nung isinout ko na ang bracelet na ibinigay niya sa akin

“Nung makita ko kasi yan, ikaw agad ang na alala ko. “- sabi niya sa akin ng nakangiti

“Thankyou. Hindi ko na toh huhubarin”- sabi ko sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi

“Nga pala, kamusta ang unang araw mo sa school?”- tanong niya, inilagay ko kasi sa likod yung gifts niya, then I saw the same box at the backseat

“Dalawa ang binili mo?”- tanong ko sa kaniya

“Ahh. Ano, para kay Mommy yan. Alam mo naman birthday niya na bukas”- saad niya, dahilan para ma alala kong bukas na nga pala ang birthday ng Mommy niya

“Mabuti na alng pinalala mo sa akin. Bibilhan ko siya ng gifts, anong oras ba bukas sa inyo?”- tanong ko sa kaniya

“Ah, kasi Hon. Family dinner kami mamaya eh, tapos bukas request ni Mommy na beach bonding daw kaming family”- saad niya dahilan para malungkot ako sa sinabi niya sa akin

“Ahh, ganun ba”- malumanay na sagot ko sa kaniya at itinuon ang atensiyon sa labas ng bintana

“Hon, sorry talaga. Alam kong matagal nating pinlano ang date na toh, kung gusto mo naman ay sasabihin ko na lang sa kanilang my da-----“

“Huwag na Hon, okay lang naman sa akin eh”- nakangiti kong pilit sa kaniya

“Sigurado ka Hon, I could always ask Mommy na my date tayo eh”- sabi niya sa akin at tinapunan ako ng tingin bago niya tinuon ulit ang atensiyon sa pag mamaneho niya

“Okay lang hon, minsan lang naman magyaya yang Mommy mo.Pag bigyan mo  na “- sabi ko sa kaniya ng nakangiti

Ngumiti naman siya sa akin ng napakatamis hanggang sa maihatid niya ako sa apartment ko. Ayaw kong bumili ng bahay, mas gusto ko ang apartment kasi ako lang naman ang nakatira eh. Nung nag paalam na siya sa akin ay agad nawala ang mga ngiti sa labi ko.

Bumalik nanaman sa akin ang alala ni Sydney nung parati pa kaming magkasamang dalawa. She doesn’t want me to be alone that’s why she always invites me to her house, wala din kasi parati ang mga magulang niya kaya siya lang lagging mag-isa kaya ayon parati kaming magkasama dati.

Aaminin ko, namimiss ko talaga siya. Pero siya din naman kasi ang nang iwan sa akin sa ere nung mga panahong kailangan ko siya. Oo, nag kamali ako sa kaniya at nag kasala. Pero sana sinampal niya man lang ako o nag wala siya nung nakita niya kami. Pero wala, wala siyang ginawa kundi ang iwasan ako at iwan.

I still remember the times when I got drunk at her house complaining about my family problem, siya kasi naniniwala at nakikinig siya sa akin ng walang sawa nung mga panahon na iyon, and I said to myself. I was thankful to have her as my bestfriend, but because of that one mistake I don’t have anyone right now, si Aiden na lang talaga ang meron sa akin.


Maaga akong nagising kinabukasan, kailangan ko pa kasing pumasok sa school. Pagkatapos kong kumain, cheneck ko ang telepono ko nung pasakay na ako ng kotse ko para pumunta sa school, pero wala man lang my nag message sa akin. Maliban sa banko na nag sasabing pinadalhan naman ako ng pera ni Dad. Kahit hindi ko naman hinihingi.

Pag pasok na pag pasok ko sa classroom si Sydney agad ang nakita ko. Nakayuko lang siya at mukhang tulog, katulad ng dati. Ang aga niya parati sa school para di siya malate pero ang ginagawa niya naman sa school ay natutulog hanggang walang teacher.

I was about to go to her, I just want to check her. Wala naman akong gagawin, papunta na ako eh, nung may pumigil sa akin, pag lingon ko kaklsi kong bago, si Del Fuego. Agad napataas ang kilay ko nung makita kong hawak nya parin ang braso ko, nung makita niya ang reaction ko ay agad niyang tinaggal ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.

“What the hell do you think you’re doing?”- tanong ko sa kaniya at nag cross arms pa

Pero wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya. Ang ginawa niya lang ay nilampasan ako at siya ang tumabi kay Sydney sa upuan sa pinakalikod. Ano bang karapatan niyang pigilan ako sa mga gusto kong gawin. Gulat na gulat na nagising si Syd sa presinsiya ni Del Fuego sa tabi niya. She was saying something but I didn’t hear it, and I really don’t want to butt in her business, I have my own business to be busy with.

I dial my boyfriend’s number, hindi siya sumasagot. Nakadalawang beses kong denial ang number niya pero wala parin akong nakuhang sagot mula sa kaniya.

“Ang aga naman nakabusangot ka na”- sabi sa akin ni Zayden Preston Lopez, matagal ko na siyang kilala kasi pareho lang ng village nung apartment na tinutuluyan ko ang bahay niya, pero hindi kami close

“Ang aga naman at nang bubwesit ka na.”- I answered him sarcastically, and then I thought he would just pass by but instead he smirk then pinch my chin lightly then go to his place

Kinuha ko na alng librong parati kong binabasa, itong librong toh ang pinakapaborito ko. Ilang beses ko na siyang nabasa pero hindi parin ako nag sasawang basahin dahil nga my nag bigay sa akin nito, at ang nag bigay nito sa akin ay naging parte ng nakaraan ko at naging napakaimportante niya sa buhay ko.

Over You (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon