Chapter3

0 0 0
                                    

Chapter3


Sydney’s Pov

Nagising ak kanina nakikita ang mukha ng bago kong kaklasi, hindi ko alam kung bakit at wala din naman akong paki-alam. Mabuti na lang at dumating na si Avery. Everything went smoothly with all my weekdays sa school, as much as possible I didn’t make any conversation with her.

“Wanna go out?”- agad na tanong ni Avery nung pumasok siya sa bahay

“San naman?”- tanong ko sa kaniya

“Hmmft? Gym tayo? Matagal tagal na din akong di nakapag work out, samahan mo ako”- sabi niya sa akin

“Hindi ka naman masiyadong handa”- saad ko sa kaniya, nakapang gym attire na siya

“Alam ko naman kasing di mo ako matitiis”- sabi niya sa akin

Nag kibit balikat na lang ako at umakyat na sa kwarto ko kasi mag bibihis ako. Pag katapos kong mag bihis ay dumeretso na kami sa gym kung saan kami parating nag wowork out, minsan lang akong sumama sa kaniya pero meron akong membership card kahit papano.

I do some stretching then do the treadmill. Maybe later mag boboxing ako, who knows. Pag hindi siguro ako tatamarin.

“Hey Syd, box tayo?”- tanong niya sa akin, siguro tapos na siya sa una niyang ginagawa, iba-iba kasi ang gusto naming gawin, pero mag kasundo kami sa boxing

“Sure”- sabi ko sa kaniya
Inayos ko na ang hand wrap ko para masout ang gloves, but since I’m right handed nahihirapan akong lagyan ng hand wrap ang left hand ko. Agad my kumuha ng kamay ko at siya na mismo ang nag lagay ng hand wrap at gloves sa kamay ko. It was Del Fuego; I don’t know baka talagang coincidence lang kasi gym naman toh at lahat ng tao free na pumunta ditto.

“Ahm. Thanks”- pilit na ngiting saad ko sa kaniya at tumayo na para pumunta sa ring, kasi doon ko na lang hihintayin si Avery

“Yes?”- agad na sagot ko sa kaniya kasi hinila niya ako pabalik sa kaniya, mabuti na lang at hindi ganun kalakas kasi nga naman masyadong purmado ang katawan niya at pag hinila niya ako ng malakas masubsob ako sa kaniya

“Ahm, can I box with you?”- he ask

“Ahm, ka----“

“Syd, come on”- tawag sa akin ni Avery kaya agad ko ng binawi ang kamay ko kay Del Fuego at ngumiti sa kaniya ng pilit bago ako pumunta sa ring

Nag simula na kaming dalawa ni Avery, maganda talaga pag nag boboxing ako kay lahat ng parte ng katawa ko nagagalaw ko.  “Hoy, bakit nakikipag mabutihan ka na don sa bagong lalaking yun ng hindi ko nalalaman ha?”- biglang sabi ni Avery habang inaatake niya ako ng suntok niya ako naman ang panay ang ilag

“Anong nakikipag mabutihan? Bakit naman ako makikipag mabutihan don”- pabalang na sagot ko sa kaniya

“Aba’y ewan ko sa’yo? Siguro dahil gwapo’t matipuno siya at napakalakas ng karisma niya at pati ikaw ay nakukuha niya”- nakangisi niyang sagot sa akin kaya napakunot ang noo ko habang inaatake siya ng suntok ko

“Hoy, aside from you. Wala na akong pakialam sa ibang lalaki, kutang kuta na ako noh.”- sabi ko sa kaniya na ako naman ang umiilag sa mga suntok niya sa akin

“Hoy ka rin, hindi lahat ng lalaki pare-pareho kaya huwag mong isahin”- saad niya sa akin dahilan para magulat ako sa paparating niyang suntok na agad ko namang nailagan pero rason din yun para matamaan ko siya sa tiyan

“Acckkk”- inda niya, talagang napaluhod siya, hindi ko naman akalain na mapapalakas yung suntok ko

“Oiii.. Sorry na, hindi ko sinasadiya”- sabi ko sa kaniya at tinulungan siyang mapatayo

“Grabie, anlaki ba talaga ng galit mo sa akin?”- tanong niya nung makababa kami mula sa boxing ring at naupo sa isang upuan, tinaggal ko na din ang gloves ko para matulungan siyang tanggalin yung sa kaniya

“Sorry na, hindi ko na tansiya yung lakas ko kanina, nagulat kasi ako”- saad ko sa kaniya

“Bakit? Ano bang nakita mo at nagulat ka ng ganyan?”- tanong niya sa akin, ang totoo kasi nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na lalaki sa gym at parang nakita ko siya kung saan eh

“Hindi ko alam, pero tignan mo yung lalaki sa likod mo”- saad ko s akaniya at lumingon naman siya sa likod niya

“Saan diyan?”- tanong niya sa akin

“Huwag kang mag pahalata, nine o’clock”- sabi ko sa kaniya at kinuha ang tubig ko sa gym bag ko

“Oh, ano siya? Malay mo naman girlfriend niya yang nilalandi niya”- sabi niya sa akin, akay agad akong umiling

“Hindi mo ba siya nakikilala?”- tanong ko sa kaniya

“Bakit ko naman siya makikilala, sino ba yan? My atraso ba yan sa’yo?”- tanong niya sa akin na nakakunot ang noo niya

“Diba siya yung boyfriend ata ni Roe, nung nakita natin nung first day?”- tanong ko sa kaniya

“Paano mo naman nasisigurado yan? Hindi naman natin nakita ng maigi yung boyfriend niya nung mga oras na yun. Baka nag kakamali ka lang at mamalikmata ka lang”- sabi niya sa akin, pero hindi talaga ako makumbinsi ehh.

“Parang siya talaga ehh”- sabi ko nung nag tangka akong uminom ng tubig na agad inagaw sa akin ni Avery at siya na mismo ang uminom

“I know you’re good at recognizing pero Syd, Malabo talaga kasi malayo yung distansiya natin nung panahon na kaya impossible.”- sabi niya sa akin, kaya tumango na lang ako sa kaniya at inagaw ang tubig ko kasi nauuhaw ako

“Tara na nga, baka nga nag kakamali lang ako”- sagot ko sa kaniya at inayos ang gym bag ko

“Shower lang ako”- paalam niya sa akin at ako naman tumango na lang at pinunasan ang pawis ko, sa bahay na lang ako maliligo

Matagal kong pinag masdan ang lalaking yun, I don’t know him for sure pero hawig niya talaga ang boyfriend ni Roe eh, or napaparanoid langa ko kasi nababother parin ako sa pag balik niya ditto pag katapos ng tatalong taon. Baka nga ganun, and I should fucos on my business at hayaan na lang siya.

Over You (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon