“Bagot na bagot na ako dito sa bahay!”sigaw ni kuya noong lumabas siya ng kwarto.
Ilang araw na lang kasi bago matapos ang quarantine, pero mukhang ma-eextend na naman kasi ang dami na namang cases ng virus. Ang bilis tumaas kasi parang noong isang araw nasa 4000 lang, ngayon nasa 5000 plus na iyong mga nagpositive ng COVID-19.
Sana lang ay matapos na itong outbreak na ito kasi kawawa naman ‘yong mga walang makain at saka mahihirap na tao sa iba’t-ibang lugar.
“Nasend na ba ‘yong donations natin?”tanong sa akin ni kuya.
Tumango ako. “Pati ‘yong mga pagkain for donations nabigay na rin”
“Si Miguel? Kamusta?”tinignan ko siya ng masama noong binanggit na naman niya ‘yong crush ko sa Tinder nakakainis. Asar talo na naman ako sa kanya.
“Hindi na nagmemessage”sagot ko.
Tinawanan niya ako. “Ang bilis naman maging multo”
“Sabi sa ‘yo hindi magtatagal e”tinabihan niya ako tapos nilipat ‘yong pinapanood ko sa TV.
“Okay lang yan, he’s not worth it”he laughed at me.
“Ayoko na”sagot ko.
“Bakit? Nahanap mo na ‘yong tamang tao?”tanong niya sa akin.
“Tinatamad na ako humarot”
Nakakatamad din pala kumausap ng taong hindi mo talaga kilala, parang wala naman kayong papagusapan na matino at alam mo naman kasi na naglolokohan lang kayo.
“Nakahanap ka na ba ng katapat mo?”ngumiti ako at umiling.
“Takot lang niya sa ‘yo”nakipag-apir siya sa akin dahil sa sinabi ko.
Alam ko naman kasi na kahit pinapabayaan niya ako na gumamit ng ganitong app, sa dulo ay nandoon pa rin ‘yong kuya ko na sobrang protective pagdating sa akin. Isama mo pa ang best friend niya na si Jav. Para nga sila na ‘yung tatay ko habang nasa ibang bansa si papa.
“Bakit ka ba kasi gumagamit ng ganyan? Marami naman nagkakagusto sa ‘yo sa school?”natawa ako sa sinabi ni kuya.
Hindi ko nga alam kung bakit sila nagkakagusto sa akin, hindi naman kasi ako masyadong maganda, hindi rin ako ganung kaputi at mas lalong hindi naman ako ‘yong mga tipo ng mga lalaki ngayon.
“Bored nga lang ako, kuya--- hindi naman ako hahanap ng boyfriend dito”natatawang sabi ko.
“Paano kapag nahulog ang isa sa mga kachat mo sa ‘yo?”
“Sigurado naman ako na madami silang kachat bukod sa akin”sagot ko.
Alam ko naman na kaya lang ako chinachat ng mga ito ay dahil sa bored lang sila. Sino ba namang hindi mabobored sa quarantine na ito? Kung sino ang unang tao na makikita mo sa umaga ay siya rin ang huling makikita mo bago ka matulog sa gabi.
Siguro iyon din ang dahilan kung bakit gustong-gusto ng mga lalaki ng kalandian ngayong quarantine, habang malayo sila sa mga taong gusto nila ay naghahanap sila ng bagong pampalipas oras nila. Kaya hindi ako pwedeng mahulog sa kanila, ayokong masaktan.
It’s a Match!
Axel, 19Hi!
How you doing?
Good ikaw?
Sana okay
ka lang haDon’t worry,
okay lang
naman ako
BINABASA MO ANG
We Both Swiped Right
Teen Fiction(Quaranfling Series #1) Because of the quarantine, Avery Klein Suarez installed Tinder on her phone. She don't believe that people can fall in love with the person you just met online. So, she start talking to different guys where he met Darin Blake...