CHAPTER 4

5.8K 71 0
                                    

Nagising ako dahil sa maingay na nag uusap sa loob ng kwarto ko, dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at na gulat ako ng makita ko si Aldus, nilibot rin ng paningin ko ang kabuuan ng silid at mali ako, hindi ko ito kwarto.

Bumangon ako mula sa pag kakahiga at umupo sa kama, na pa ngiwi ako at na sapo ko ang ulo ko dahil sa biglaang pag kirot ng ulo ko, na kita ko naman ang pag ka alarma ni Aldus at lumapit ka agad sa akin.

"Okay ka lang?"nag aalala nitong tanong, tango lang ang tanging sinagot ko.

"Halos tatlong araw kang walang malay, sobra mo akong pinag alala"sabi ni Aldus sabay yakap sa akin.

Tinulak ko s'ya at sinamaan ng tingin, tinawag s'ya ng doctor at lumabas, tatayo sana ako para mag lakad lakad ng biglang sumakit ang kamay ko at ng tingnan ko ito ay may na kakabit na dextrose dito.

Humiga na lang ako ulit at tiningnan ulit ang kabuuan ng silid, maganda ito at simple lang, may na rinig akong hampas ng mga alon, na sa resort nila kami? Ang bobo naman n'ya bakit dito pa sa resort nila e kayang kaya kong tumakas dito.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Aldus, may hawak hawak s'yang tray na may laman na pag kain, binaba n'ya iyon sa kama ko at hinila n'ya ang upuan palapit sa akin at umupo s'ya dito.

"Kumain ka na, iinom ka pa ng gamot mo"mahinahong sabi n'ya sa akin.

Tinitigan ko lang ang pagkain at si Aldus, pa balik balik lang ang tingin ko sa pagkain ko at kay Aldus, at ng huminto ang tingin ko sa kan'ya ay tinanguan n'ya ako at tinuro ang pagkain ko, tinitigan ko lang ulit ito.

"Hindi mag lalakad ang pagkain papunta d'yan sa bibig mo"pag basag ni Aldus sa katahimikan.

"Kumain ka na kailangan mo 'yan para lumakas ka na agad"pahabol pa nito.

"Ano bang pakialam mo?"pa balang na tanong ko sa kan'ya.

Tumahimik s'ya at kinuha ang pag kain, akmang susubuan n'ya ako ng tabigin ko ang kamay n'ya gamit ang kamay ko, kaya na laglag n'ya ang kutsarang hawak n'ya.

"Lira!"sigaw nitong tawag sa akin at tiningnan n'ya ako ng masama.

"Aldus!"sigaw ko ring tawag sa kan'ya sabay ngisi.

Kinuha ko sa kan'ya ang pagkain ko at nag simula ng kumain para matahimik na 'tong lalaki na 'to, hindi ako makakain ng maayos dahil kanina pa nakatitig sa akin itong si Aldus.

"Baka ma tunaw ako n'yan"sabi ko sabay tingin sa kan'ya.

"Bilisan mo d'yan aalis tayo ngayon"sabi n'ya sabay labas ng kwarto.

Inubos ko na ang pag kain ko at tiningnan ang dextrose na nakakabit sa kamay ko, pa ano ako makakabihis kung may na ka kabit pa sa akin na ganito, ang bobo talaga ni Aldus.

Bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa nito ang doctor na kasama ni Aldus kanina, nginitian ako nito at tinggal dextrose na nakakabit sa kamay ko.

"Pwede na ng sumama kay Aldus mamaya"sabi n'ya habang inaayos ang dextrose na ginamit ko.

"Hindi naman ikaw ang family doctor nila Aldus ah?"tanong ka sa kan'ya.

"Kaibigan ako ni Aldus, tinawagan n'ya ako agad ng hindi ka daw magising"sagot nito sa tanong ko.

"Oh mauna na ako ha?"sabi n'ya at inayos ay wrist watch n'ya bago n'ya ako tuluyang iniwan na mag isa.

Dahan dahan akong tumayo at medyo na nginginig pa ang mga binti ko, na pa upo ako ulit sa kama ng hindi ko talaga maihakbang ang mga binti ko, tatlong araw nga pala akong tulog, humugot ako ng malakas na buntong hininga bago mag lakad at pumasok sa loob ng CR para maligo.

I'm His Girl Bestfriend with Benefits [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon