CHAPTER 6

4.6K 59 0
                                    

Lumipas pa ang mga araw at pa ulit ulit na lang na ganon ang ginagawa namin ni Aldus, mag momovie marathon kahit na gabi o umaga at mahihiga lamang sa kama at mag tititigan, mag aasarahan hanggang sa mapikon namin ng isa't isa tapos ay mag susuyuan, pero kahit na ganoon lagi ang tagpo naming dalawa ay hindi ako nag sasawa mas gugustuhin ko na nga lang na ganito na lang kaming dalawa dahil baka isang araw ay mawala na s'ya sa akin ng tuluyan.

Nandito ako sa dalampasigan na ka upo ako sa isang malaking bato habang nag s-strum ng gitara, na ka tingin lang ako sa malawak na karagatan at pinag mamasadan na lumubog ang araw, gabi na naman, huminga ako ng malamin at nag simulang kumanta habang nag gigitara.

Na ramdaman ko naman ang biglang pag upo ng isang lalaki sa tabi ko, kahit na hindi ko s'ya tingnan ay alam kong si Aldus ito, na ramdaman ko din ang pag titig n'ya sa akin habang tumutugtog ako, huminto ako at tumingin sa kan'ya.

"Bakit ako ang nag haharana sa'yo?"na tatawag tanong ko sa kan'ya.

"Sorry love, hindi kasi ako marunong n'yan alam mo naman 'yun diba?"na tatawang sagot naman n'ya sa akin.

Bibalik ko ang atensyon ko sa pag gigitara at kinantahan ulit s'ya, hindi ko maisawang ngumiti habang kumakanta, kung minsan ay sinusulyapan ko s'ya na nakikitang na ka titig itong mabuti sa akin.

"Baka ma tunaw ako n'yan kakatitig mo"sabi ko at nilapag na ang gitara sa gilid ko.

"Tara na mag langoy"pag aaya sa akin ni Aldus.

"Mauna ka na susunod ako"sabi ko sa kan'ya sabay ngiti, kinulit pa n'ya ako ng kinulit pero umiling lang ako.

Kaya tumayo si Aldus at tumalon sa may dagat, na pa tayo din tuloy ako dahil sa ginawa n'ya, ilang saglit pa ay lumitaw na si Aldus at kumakawag kaya naman nag panic ako at tumalon para puntahan s'ya at ng na hawakan ko na s'ya ay tumigil na s'ya sa pagkawag at tumawa ng malakas.

"Na kakainis ka!"sigaw ko sa kan'ya sabay hampas sa dibdib n'ya.

"Sorry love"na tatawa pa din sabi n'ya.

"Hindi magandang biro 'yun! Wag mo ng uulitin 'yun"sabi ko at sinamaan s'ya ng tingin.

Aalis na sana ako ng hilahin n'ya ako palapit sa kan'ya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko, dahan dahan n'ya nilapit ang labi n'ya sa akin at siniil ako ng mga halik, nilagay ko naman ang dalawang kamay ko sa leeg n'ya at tinugon ang mga halik n'ya, bumitaw kami sa paghahalikan ng maubusan na kami ng hininga.

"Don't leave me"sabi ni Aldus at pinagdikit ang mga noo namin, kahit pa ulit ulit n'ya itong sinasabi sa akin ay ramdam ko ang takot n'ya na bigla ko na lamang s'yang iwan.

Ngumiti ako at nag langoy na kaming parehas, umahon ako saglit para makapag pahinga, umupo ako sa pinong buhangin dito sa dalampasigan, pinagmasdan ko ang kabuuan nito at madami din pala ang nag babakasyon dito sa resort nila, madami pa ding mga tao ang nag tatampisaw sa dagat kahit palubog na ang araw.

"Mamaaa!!!"sigaw ng isang bata habang umiiyak, hinanap ko iyon at na kita ko ang isang bata na nasa 3 years old siguro ang edad, nasa dalampasigan din ito at halata mo na nilalamig ito.

Lumapit ako sa kan'ya at dinala ang tuwalya ko, pag dating ko sa pwesto ng bata ay agad itong yumakap sa akin habang umiiyak.

"Mama"sabi ng bata habang sumisinghot.

Binalot ko sa kan'ya ng tuwalya ko at binuhat na, nag aalisan na din ang mga tao sa dagat dahil lumalakas na ang mga alon at lumalamig na din, hinanap ko si Aldus at na kita ko s'yang nag pupunas ng katawan.

"Aldus!"tawag ko sa kan'ya at sinenyasan na lumapit sa akin, ginawa naman n'ya 'yun agad dahil patakbo s'ya lumapit sa akin at nag tatakang tiningnan ako.

I'm His Girl Bestfriend with Benefits [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon