Karl
Kinwento na sa akin ni Gavin ang lahat, mabuti pa nga si Gavin at may oras na ikwento sa akin ang mga nangyari sa kanila. Paano na lang si Kuya Max? Ayon, iniwan ako. Lintek.
"Mabuti naman at nakayanan niya ang mga pinaggagawa niya sa edad niya." Komento ko naman.
Even though she already got their trusts, I should still be cautious.
"Ha? Syempre naman, matanda lang sa atin iyon ng isang taon." Ahh, kaya naman pal---
"What the fuck?!" nang dahil sa sigaw ko ay napalingon nsilang lahat sa akin.
"Is there a problem, Karl?" tanong ni Kuya Max
Agad akong napailing at binaling uli ang atensyon kay Gavin.
"Gago, seryoso ka ba?!" Agad naman siyang napatawa.
"Oiii, ilang taon na nga ba si Cleo?" Sigaw na tanong niya sa lahat.
"18 na ag kumag na iyon, bakit?" Saad ng lalaking nakasagutan ko kanina.
Seriously?! 18?! Ako nga 17 pero High School parin! Lintek, san ba siya nag-aral? Makapag-enroll nga!
"Eto kasing si Karl, akala niya'y matanda na si Cleo." Agad namang napatawa ang lalaking singkit at pumunta sa kinaroroonan namin.
"I'm Sky," inabot niya ang kanyang kamay kaya naman tinanggap ko ito.
"Our teacher is pretty famous, her name is Cleoxandra Kershaw."Kinuha niya ang kanyang cellphone at may hinalungkat, wala pang isang minuto ay hinarap niya iyon sa aking mukha. Napalayo naman ako ng konti at hinawakan ang cellphone upang ilayo ito ng bahagya.
Nakita ko naman ang close-up picture ng isang babae, ito?! This is our teacher?!
Sky swiped to the right at may isang picture na naman ang bumungad sa akin, it's still her.
This time she's surrounded with crowds, tila ba pinapaligiran siya ng mga ito, parang nakita ko na---Xandra?! The International Model?!
YOU ARE READING
The Badass Teacher
Action"Be Delinquents With Pride and Dignity." ~ Cleoxandra Kershaw Inspired by Gokusen.