Isang ordinaryong araw lamang para sa akin pag sasapit ang ika- 18 ng Hunyo ngunit noon iyon. Simula ng naging magkasintahan kami ni Marcus, naging espesyal para sa akin pag sasapit ang ika-18 ng bawat buwan. Lagi niya akong ginugulat sa kanyang mga surpresa. Labis akong nagpapasalamat sa binibigay niyang mga regalo samantalang noon, laman siya ng aking mga panaginip at hinihiling ko na mapansin niya ang aking pag-ibig. Naging masaya ang aming relasyon at wala na akong mahihiling pa. Ngunit, sadyang hindi palaging saya ang nararamdaman pag nagmamahal dahil kaakibat nito ang lungkot at pighati. Nariyan ang pagtataksil, pagdududa at pagtutol ng sinuman na hindi sang-ayon sa inyong pag-iibigan. Sana'y hindi ako nagkamali ng pinili. Batid kong ang pag-ibig ni Marcus ang aking lakas at kahinaan ngunit ganun pa man, nais kong makasama siya habang buhay at ito ang aking hiling.
Ipaglalaban ko ba ang aking pag-ibig hanggang kamatayan o ipapaubaya ko siya sa iba?
BINABASA MO ANG
Afflictive Love
Romance"Ang labis na pag-ibig ay maaaring magwakas sa sariling kabiguan". Ako si Cristina Buenavista, at ito ang aking kwento.