Unang Kabanata

2 1 0
                                    

"Magandang umaga, Binibini" bati ko sa aking sarili. Ako ay natutuwa sapagkat maganda ang umagang ito dahil dadalaw si Marcus sa akin.Batid kong nananabik siyang makita ako at ganoon din ako. Pangiti-ngiti akong tumayo sa kama at pumunta sa harapan ng salamin at sinuklay ang aking buhok.
Napangiti ako sa nakitang repleksyon. "Ang ganda mo talaga, Cristina kaya nahumaling sa iyo si Marcus' nasambit ko at napahagikhik. Ako ay nagambala sa aking pagpapaganda nang kumatok ang isa sa kasambahay.

"Binibini, gising na po ba kayo?".

"Bakit?" aking nasagot pabalik.

"Kasi po pinapababa na po kayo ng iyong ina sa hapag. Kanina pa po kayo hinihintay".

"Sige, Neng. Bababa na ako. Salamat."

"Sige po". At siya'y umalis na. Narinig ko na lang ang kanyang yabag pababa.

Binilisan ko ang kilos at sa ilang sandali ay nakabihis na ako. Hindi ko alintana ang init at haba ng aking kasuotan dahil batid kong naghihintay si Marcus sa baba. Kahit hindi sinabi ni Nena, alam kong hinihintay niya ko kasama ni Ina. Walang pag-aatubili akong bumaba at nadismaya sa naabutan. Walang Marcus na naghihintay bagkus pinagtaasan lamang ako ng kilay ni Ina na nagtataka sa aking reaksyon.

"Ano pang tinatayo-tayo mo riyan, Cristina? Aba't kanina pa kita hinihintay. Hindi ugali ng isang matinong binibini ang gumising ng tanghali", sermon ni Ina.

"Lagi nalang akong pinagsasabihan ni Ina", sa isip-isip ko.

"May sinasabi ka ba? sita niya sa akin.

Hindi ako kumibo at kumuha na lang ng pagkain.

"Batid kong nais mong makita si Marcus ng ganito kaaga. Huwag kang mag-alala. Pinaalis ko na".

Napatayo ako sa nalaman. "Ngunit, Ina. Akala ko ba..."
"Anong akala mo?" pagputol niya sa mga sinasabi ko. " Hindi ko nais na ang lalaking iyon ang magiging asawa mo. Kahit anak pa siya ng heneral ng bayang ito". sigaw ni Ina.

"Bakit labis ang inyong pagkamuhi sa kanilang pamilya, Ina? Nais kong sagutin niyo ang aking katanungan", sagot ko pabalik.

"Huwag ka nang magtanong, Cristina. Basta sundin mo ang aking iuutos. Huwag kang lalabas at makikipagkita kay Marcus kundi malilintikan ka sa akin! Pababantayan kita kay Nana.  Aalis na ako at pupunta pa ako sa bayan" at umalis si Ina sa hapag.

Labis ang pagdaramdam ko dahil nagkasagutan na naman kami. Ngunit, nag-alala ako kay Marcus. Siguradong hindi naging maganda ang pakikitungo ni Ina sa kanya. Dapat gumising ako ng maaga, eh. Kasalanan ko ito. Kailangan kong puntahan si Marcus.

Dali-dali akong umakyat sa aking silid at kumuha ng balabal. Hahanapin ko si Marcus at magpapaliwanag. Palabas na ako nang pigilan ako ni Nana Cora.

"Senyorita, saan ang inyong tungo? Mahigpit na bilin ni Senyora Florencia na hindi kayo palalabasin sa mansyon", nakayukong turan ni Nana.

"Ngunit, Nana nais kong makausap si Marcus. Baka nagdamdam iyon sa kanyang narinig kay Ina. Nag-aalala ako sa kanya",

"Ngunit, Senyorita....."

Hindi na niya naituloy ang sinasabi dahil kumaripas na ako ng takbo. Alam kong dapat akong umastang mahinhin ngunit baka mapigilan pa ako ni Nana sa paglabas.

"Marcus, asan ka na?".
Aking naisip na baka nasa batis siya na aming tagpuan. Hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko siya doon. Palapit na ako nang maisip kong gulatin siya.

"Marcus!".
Nagugulat siyang lumingon sa akin. Ako nama'y ngiting-ngiti na umupo sa bato katabi niya.

"Mahal, huwag mo kong gulatin ng ganoon!" Nakahawak pa siya sa kanyang dibdib.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Afflictive LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon