Taharah’s POV
“Bring out one whole sheet of paper!” hayag ng guro namin. I looked at my bag.
Shit! Nakalimutan kong magdala ng papel. Gamit ko yun kagabi, naiwan sa study table ko.
Tumingin ako sa paligid. Nakatingin na silang lahat sa guro at may kani-kaniyang papel. Manghihingi sana ako sa kabilang column kaso baka makita ako ng teacher ko. Ayaw na ayaw pa naman nito na nanghihingi kami ng papel.
Bakit kasi by two’s per column ang arrangement ng chairs namin? At may aisle sa pagitan ng bawat column.
Ito pa namang katabi ko, never akong kinausap. Kung di ko lang siya nakikitang nakikipag-usap sa classmates namin, iisipin ko pipi talaga siya.
Hinihintay kong tumalikod ang teacher namin para makahingi ako ng papel pero nakaharap pa rin siya sa amin. Bigla siyang napatingin sa akin. Nagkunwari akong kumukuha ng papel sa bag ko.
Halos pagpawisan na ako. Quotang-quota na talaga ako sa kamalasan ngayong araw na to.
“Okay number one.” Saad ng guro bilang hudyat na magsisimula na ang quiz.
Naku patay! Sermon na naman ang abot ko nito pag nakita niya ako.
I closed my eyes.
“Ito oh!” narinig kong saad ng katabi ko. Himala nagsalita siya. First time!
Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ang one-whole sheet sa desk ko. I looked at my seatmate, busy na ito sa pagsusulat.
“Thank you!” bulong ko pero di siya sumagot.
Hanggang matapos ang period, di na ulit siya nagsalita.
BINABASA MO ANG
One Whole Sheet of Paper (One Shot)
Short StoryClassmate ko na siya last year at seatmate pa. Pero never niya akong kinausap. Di naman siya suplado, ayaw lang siguro niya sa maingay na katabi. Madalas kasi akong sinasaway ng mga teacher dahil sa kaingayan ko. Ngayong year na to, classmate ko u...