Generous

12.3K 436 120
                                    

Kenneth’s POV

“…siya ding nagbigay ng one-whole sheet na paper sa’yo kahapon.” Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya.

Mahigit isang taon nang laging may naglalagay ng chocolate sa desk at bag niya, ngayon niya lang tatanungin kung kanino galing?

Kung sabagay kahit sobrang ingay niya, maganda siya at maraming nagkakagusto sa kanya kaya siguro wala siyang pakialam sa secret admirer niya.

Hindi siya matalino pero hindi rin siya bobo. Ako kasi lagi ang nagchecheck ng papers niya dahil seatmate ko siya. Tamad nga lang siyang mag-answer ng essay questions.

Nun ngang sumali siya ng Ms. Intrams, akala ko di siya makakasagot ng Q&A. Laking tuwa ko nang masagot niya ito ng tama. Siguro tamad lang siya magsulat at talent talaga niya ang magsalita.

Pero ang nagustuhan ko sa kanya ay ang pagiging generous niya. Pag may collections para sa voluntary contributions lagi kong nakikitang malaki ang ibinibigay niya.

Minsan sinita siya ng isa naming classmate.

“Uy, Taharah ba’t laging one-hundred ang binibigay mo? 50 or 20 okay na sana.”

“Eh ne be!” maarte niyang tugon saka nagflip ng buhok.Tss! Arte!

“Magkano ba allowance mo every day?” tanong pa rin ng classmate namin.

“150 pesos.” Tipid niyang sagot.

“What???” napamulagat yung classmate namin pati ako napatingin. Tumawa lang siya.

“Yaan mo na. Wala naman akong bibilhin, nagbaon naman ako.” Tugon niya.

Akala ko nagpapacute lang siya noon para madagdagan ang GMRC grade niya pero hindi lang doon nagtatapos ang pagiging generous niya. Nakita ko sila minsan papalabas ng isang foodchain kasama ang ilang friends niya. May hawak siyang burger. Kakainin na sana niya pero nung may nakita siyang batang kalye, iniabot niya ito.

Simula nang araw na iyon, parang okay na sa akin ang ingay niya because I know behind that is a generous heart.

Hindi na yata makukumpleto ang araw ko kung hindi ko naririnig ang matinis na boses niya na parang ang layo-layo lagi ng kausap niya.

Buti nga at wala siyang nagugustuhan sa mga nanliligaw sa kanya… May pag-asa pa ako!

*END*

[A/N: Thank you for reading!:)]

One Whole Sheet of Paper (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon