Yung Nagbigay ng One-Whole

9.5K 353 14
                                    

Taharah’s POV

Pumunta nalang ako sa locker ko para makaiwas sa kantiyaw ng classmates ko habang wala pa ang teacher namin.

Mga yun kasi ang kukulit. Nabadtrip tuloy si Kenneth.

Nagulat ako dahil may chocolate bar sa locker ko.

Paano nga pala nailagay itong chocolate sa locker ko? Eh wala namang butas?

Pag papel, pwede pang ilagay pero chocolate bar? Ibig sabihin alam ng secret admirer ko ang passcode ng padlock ko? Ughh!

I really have to ask Kenneth. Mukhang may alam siya kung sino ang naglalagay nito. Minsan kasi sa desk ko or sa bag lang nakalagay. Ngayon sa locker ko na.

Pagbalik ko ng classroom, nakaupo na siya at nakatingin lang sa labas ng bintana. Last column kasi kami at malapit sa may bintana.

As usual, natapos ang buong period na di siya umiimik.

Hinintay ko siyang unang lumabas para magrecess. Paglabas niya sinundan ko siya. Nagtuloy-tuloy siya sa may likod ng building kung saan may mga puno at benches.

“Ay! Butiki!” Nagulat ako nang bigla siyang huminto. Muntik pa akong napasubsob sa likod niya.

Napalingon siya. Naku patay!

“Tss!” He smirked at nagpatuloy na sa paglalakad.

“Kenneth!” tawag ko pero nagtuloy lang siya. Hmp! Suplado talaga!

Sinundan ko siya hanggang sa umupo siya sa isang bench.

“Stalker!” bulong niya. Bigla namang nagpanting ang tenga ko sa narinig.

“Ako? Stalker?? Wow Ha! Ang guwapo mo naman!” I said with sarcasm habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa.

“Matagal na!” tatawa-tawa niyang tugon.

“Kapal mo! Di ako stalker!!” inis kong bulyaw. Ang guwapo niya pala pag nakatawa labas ang dimples niya. Hehe!

“Anong tawag sa pagsunod mo sa akin?”

Napalunok ako. Sumeryoso na kasi siya. Kakatacute nemen!

“Stalk agad? Di ba puwedeng may itatanong lang?” tugon ko.

“Tss!” He smirked at tumingin na sa ibang direksiyon. Hay! Back to sungit mode na naman siya.

“Sino ba kasi yung nagbibigay sa akin ng chocolate araw-araw?”

Napakunot-noo lang siya at di nagsalita.

“Uy, sabihin mo na kasi!” ungot ko at hinila ang braso niya.

Tumingin siya sa kamay ko na nakahawak sa braso niya. Nahiya tuloy ako kaya dahan-dahan ko itong tinanggal.

“Pagkatapos ng isang taon saka ka lang nagkainteres na alamin?” saad niya.

Napakunot-noo ako. Yung way kasi ng pagkasabi niya parang nanunumbat.

Di naman siguro. Baka assuming lang ako.

Sino ba kasi?” tanong ko na lang.

He smirked at tumayo na. He put his hands on his pockets.

“Uy! Sabihin mo na kasi!?” bulyaw ko nang magsimula na siyang maglakad palayo. Napahinto naman siya at lumingon.

 “Yung nagbibigay sa’yo ng chocolate everyday simula pa last year---”

He paused.

I waited in anticipation for his next words.

“Ay siya ding nagbigay ng one-whole sheet of paper sa’yo kahapon.” Saad niya at tuluyan nang naglakad palayo.

Wait!!!

Ano raw???

Sino bang nagbigay sa akin ng one-whole kahapon?

Eh di ba SIYA????

One Whole Sheet of Paper (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon