-Dianna's eyes-
Kanina lang sinagot ni Cassie si Adam. Yung babaeng yun talaga. Pinaghandaan niya pa talaga yun. Ganun kasi yun eh. Basta importante sa kanya yung tao hindi siya papayag na simple lang. Talagang ibubuhos niya yung effort niya para dun sa taong yun. Well in this case para sa first boyfie niya.
KYAAAAAAA KINIKILIG AKO!!
Sa last part yung kumanta sila ng "Please be Careful with my Heart" dapat talaga nasa labas kami nun kasi gusto sana ni Cassie dalawa lang sila. Tamo bago pa lang gusto agad masolo XD
Well palabas naman na talaga kami kaso sabi ni tito panoorin na lang daw namin. Madilim naman daw kaya hindi naman daw kami makikita nila Cassie.
Okay na sana. Kinikilig na kami eh kaso bigla namang nadapa si bhe. Nagpipipgil ako ng tawa ko nun para hindi kami mahuli pero nag react naman si kuya Drake. Ayun nahuli tuloy kami.
Tapos nun kumain na kami ng noche buena. Sarap nga ng dinner eh. Lalo na pag madami kang kasama. Para ko na din kasi silang second family. Kaya hindi ko man nakasama si mom andyan naman sila tita. Isa pa kasama ko yung mokong na makulit kong labidabs :p
Bandang 2am nagpasiya na din kaming umuwi. Sabi ni tita dun na lang daw kami matulog kaso dun na matutulog sila Adam at Mel kaya hindi na kami nakisama ni Jake.
Hinatid niya na lang ako sa bahay ko.
"Pasok ka muna."
"Wag na labidabs. Matulog ka na." - Jake
"Eh kasi... Wala kasi akong kasama. Tsaka masyado ng late para umuwi ka. Dito ka na lang matulog. Bukas ka na lang umuwi pag sumikat na yung araw."
"Ang haba naman ng sinabi mo. Gusto mo lang akong makatabi matulog eh!" - Jake
"Oy ang kapal mo!!"
Pumasok na din naman siya sa loob ng bahay. Ayaw pa kunwari eh.
"Pakipot ka pa papasok ka din naman eh."
"Ikaw kasi hiya hiya pang magsabi." - Jake
"Tse!!"
"Haha!! Peace love." - Jake
He back hugged me and kissed me on my cheeks.
"Hindi ko pala nabigay yung gift ko sayo kanina." - Jake
"Gift? Wow may gift ka para sakin?"
"Hindi, hindi to para sayo para sakin to." - Jake
"Mambabara pa paalisin kita eh."
"Joke lang. Hahaha tara upo tayo." - Jake
BINABASA MO ANG
Love Story ng NBSB ♥ (completed)
Teen FictionSi Cassie ay isang NBSB. No Boyfriend Since Birth. So pano niya ipo-portray ang isang role na kung saan maiinlove siya sa kanyang bestfriend kung hindi niya alam ang feeling kung pano mainlove? Will she survive through this with a partner that makes...