-Chapter 42

11.5K 123 25
                                    

-Cassie's eyes-  

Saturday ngayon. At alam niyo ba kung anong meron ngayon??  

Yung double date namin nila Dee.  

Weee excited na ako ^___^  

Papunta na daw dito sa bahay namin sila Adam. Sinundo niya pa kasi sila Dianna. Sabi kasi ni Jake si Adam na lang daw yung gawin naming "driver". Nung una ayaw ni Adam. Bakit naman daw sasabay pa samin sila Jake sa kotse niya eh meron naman daw si Jake. Sabi naman ni Jake para daw hindi sayang sa gas. Nagtalo pa silang dalawa hanggang sa mapapayag na din si Adam.  

*peet peeet* (busina ni Adam.. haha hindi ako maalam sa sound effects eh XD)  

"Mom alis na po kami!!"  

"Sige baby girl. Ingat kayong apat dun ha? Here I made sandwiches for you para you have snacks habang nasa byahe." Mom  

"Thanks mommy! Bye! I love you."  

Lumabas na ako ng bahay at nagtatakbo. Excited ako eh :p  

Sa labas ng gate nandun si Adam. Yung dalawa nasa loob ng kotse niya.  

"Dahan dahan sa pagtakbo. Baka madapa ka." - Adam  

"Grabe naman to. Hindi naman ako bata!! >3<"  

"Haha ayaw ko lang madapa ka. Magasgasan ka pa sige ka masakit yun :)" - Adam  

WAAAA ayan na naman siya sa ngiti niya na yan!! Hindi pa ko nagkakaBF at hindi naman ako nagsisisi dun pero pag ganyang nangiti siya sakin ng ganyan ay nako nagsisisi ako na hindi ko pa siya nakilala noon at naging kami na sana agad.  

Hala ano ba tong pinagsasasabi ko. Lumalabas ang kalandian ko. Ngayon lang ako naging ganito nung nakilala ko siya. BI to si Adam. hihihi :">  

Kinuha na niya ang dala kong picnic basket at bag at nilagay sa may likod. Sa may tabi nila Dianna at Jake tapos pinag buksan niya ako ng pinto.  

"Hi bhe!!/Hi Cassie" - Dianna/Jake  

Love Story ng NBSB ♥ (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon