Chapter 3: Their Plan

3.6K 77 1
                                    

Maaga pa lamang ay tinungo na nina Andrea ang ospital na pagtatrabahuan ng dalaga sa kabila ng pagtutol nito.

Wala kasi siyang nagawa kundi ang pumayag nang magalit ang mama niya. Sabi naman ng papa ay pumayag nalang siya para wala ng maraming litanya.

Pagkababa nila ng sasakyan ay tila robot lang ang dalaga na sunod sunoran sa kanyang lola at mommy.

"Tss.. Kumbakit pa kasi gusto nilang dito ako magtrabaho eh di pa naman ako nakapagpaalam ng maayos sa ospital na pinanggalingan ko.." pabulong bulong na sabi ni Andrea sa sarili habang naglalakad. Nakayuko pa siya at basta nalang kinutingting ang hawak na cellphone. Di tuloy niya napansin ang kasalubong na lalaki kaya..

Blag!

Nagkabanggaan ang dalawa at napaupo si Andie sa sahig.

"Sorry Miss.. Nagmamadali kasi ako.." hinging paumanhin ng lalaking nakabanggaan niya sabay abot ng isang kamay para tulungan siyang tumayo.

Pero imbes na tanggapin ito ay tinampal pa ng dalaga palayo ang kamay at padabog na tumayo.

Nakakahiya! Bwesit! Kamalas talaga oh! Sambukol ang mukhang walang lingon likod na umalis ang dalaga naiiling naman ang lalaki na napasunod ng tingin sa kanya.

'Tsk! Suplada.. Sayang ang sexy pa naman..' naisip ni Paolo habang nakasunod ng tingin sa kanya.

Pinapunta kasi siya ni Mark sa ospital na pinagtatrabahuan nito since kailangan daw talaga nila ng isa pang doktor.

Wala naman sanang balak si Paolo na magtrabaho pero mukhang matatagalan pa siya ng konti sa Pinas kaya pwede na ding libangan nya iyon bukod sa magaganda din naman ang mga nurses doon.

At katatapos nga lang nilang mag-usap ng Director ng ospital kaya pauwi na siya.

Naiiling nalang na muling naglakad ang binata matapos mawala ng tuluyan sa paningin niya ang nakabanggaan kanina.

"Andrea!" matinis ngunit impit na sigaw mula sa gilid ang nagpalingon kay Andrea at sumilay ang ngiti sa kanyang labi ng mapagsino ang tumawag.

Si Luisa. Kaibigan niya ito mula highschool hanggang sa magtapos sila ng nursing.

Nagkahiwalay lang sila ng mas pinili nitong dito nalang sa probinsya magtrabaho.

"Isa!" nakangiti niyang sambit at kaagad na sinalubong ang kaibigan. Nagbeso pa sila at sabik na nagkwentuhan.

"Magtatrabaho ka na ba dito? Bakit, sawa kana sa Canada?" nakataas pa ang kilay na tanong ni Luisa.

Napatawa naman siya sa sinabi ng kaibigan. Alam na alam kasi nito na ayaw niya sa probinsya at nabobore lang siya.

"Si lola eh.. Pinilit ako.. Umuwi lang naman ako para bumisita. Okay lang naman sa akin na magwork sa pinas but not here.. Mas gusto ko sa Manila.." sagot ng dalaga.

Natatawang naiiling nalang si Luisa.

"Okay lang yan! Mag-eenjoy ka dito.. Tamang tama at may medical mission kami next week. Sama ka.. Ang pogi ni Doc Mark.." kinikilig pa na sabi nito.

Nagkatawanan tuloy silang dalawa. Hanggang ngayon di pa rin nagbabago ang kaibigan. Madami pa rin itong crush..

Napasarap ang kwentuhan nila nang magring ang cp ni Andrea. Saka palang niya naalala ang pakay nila doon..

Kung bakit kasi napahiwalay siya sa kasama.

"Tara hatid na kita sa office ni Director.. Mabait din naman ang gurang na iyon.." ibinulong na lang ni Luisa ang huling sinabi. Ngumiti lang siya.

Arranged LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon