Chapter 4: Elevator

3.5K 81 2
                                    

Hakbang papasok sa elevator si Paolo and pressed the button down to the basement. Alas dose na ng hatting gabi at katatapos niya lang mag opera. He's damn tired at gusto na niyang makauwi sa condo at humilata sa kama.

Tatlong magkasunod kasi na operasyonang isinagawa niya sa pakiusap na din ng kaibigang si Mark. Di naman siya makatanggi at wala naman siyang maidahilan. Isa pa its his expertize. He's been a heart surgeon for over five long years in New York.

Papasara na ang elevator na sinakyan niya ng makita ang isang nurse na patakbong pumasok sa loob. Muntik pang maipit ang kamay nitong ipinangharang sa pintuan ng elevator buti nalang at napindot niya agad ang button.

"Thank you!" sambit nito at hinihingal pa na pumwesto sa may likuran niya.

Humugot muna ng malalim na hininga si Paolo bago nagsalita.

"What floor---"

"Basement!" maagap na sagot ng nurse na nasa likuran niya. Tila may hinalungkat pa ito sa bag na dala dahil nagkandahulog ang iba nito.

Naiiling na pinindot na niya ang button ng elevator.

"Pahawak!" sambit ng babae at naramdaman nalang ni Paolo na may sumabit sa balikat niya.

What the--- tila itinulos siya sa kanyang kinatatayuan nang makita kung ano ang sumabit sa balikat niya.

Her uniform! Shit!

Nagbibihis ang babae sa likuran niya. At isinampay pa nito sa balikat niya ang uniform nito.

"Sorry huh?! Madudumihan kasi kung sa sahig ko ilalagay.." sambit nito.

Di malaman ni Paolo kung iilang beses na siyang napalunok. Mangali ngaling lingunin niya ang babae na tuloy pa rin sa pagbibihis sa likuran niya.

"Mukhang nagmamadali ka ah.." tanong ni Paolo. Naiilang kasi siya. Di naman siya ganito dati at wala siyang pakialam kung may maghubad man sa kanyang harapan. But this one is different. Kahit di niya gaanong naaninag ang mukha nito, nakita niyang maganda ito kanina. Tila familiar pa nga ito at iniisip niya kung saan niya ito nakita.

"Ahm.. Kasi may lakad ako at----"

Krrrrriiiiinnnnggggg!!!!

Natigil ang sanay sagot niya nang tumunog ang cp niyang nasa loob ng bag.

"Hello? Oo andyan na! Nagmamadali na nga eh.. May aabutan pa ba ako?" Tuloy tuloy na sambit nito.

Napangiti nalang sa sarili si Paolo.

Naalala na niya kung saan niya ito nakita. Siya yung nakabanggaan niya last week.

So nurse pala siya rito..

Kinuha na nito ang mga damit na nakapatong sa balikat ni Paolo at tila ipinasok na sa bag. Naririnig na rin niya ang tunog ng takong nito.

"Thank you!" nakangiting sambit ng dalaga sakto namang bumukas ang elevator at tuloy tuloy ito sa paglabas. May kausap pa pala ito sa cp at halos lakad takbo na na umalis.

Tsk! Sayang di ko natanong pangalan niya. She's really sexy and seductive.

Nawala tuloy ang pagod na naramdaman ni Paolo. First time na di siya nakapagreact ng maayos sa harap ng isang babae. His stunned by her beauty

--

"Ang tagal mo naman noh?!" angal ni Luisa pagkapasok pa lamang ni Andrea sa loob ng bar. Narito sila at birthday ng isang kasamahan nila sa ospital.

"Kakaout ko nga lang eh.. Sa elevator na nga ako nagbihis sa pagmanadali ko.." maktol ni Andrea.

Nakalapit na sila sa ibang kasamahan kaya naputol ang usapan ng dalawa.

Kahit pagod sa trabaho ay naenjoy pa din nila ang pagbabar. Halos mag uumaga na ng makauwi si Andie sa kanila at deretso nang natulog sa kanyang silid. Bagsak na siya sa kama sa matinding pagod.

A week after...

"Andie, may memo tayo.." bungad kaagad ni Luisa pagpasok pa lang ni Andrea sa nurse station. Kashift niya ito ngayon.

Napakunot noo naman ang dalaga sa sinabi ng kaibigan.

"Memo? Bakit?" tanong niya.

Ngumisi naman si Luisa.

"One of my favorite memo.. May medical mission tayo! At kasama si Dok Mark!" impit na tili ni Luisa.

Napangiti nalang si Andrea. She know about Mark and Luisa. They've been in a secret relationship. Ewan kung bakit secret eh pareho namang single.

"Sasama ka huh?" paglalambing ni Luisa sa dalaga. Naiiling na tumango na lamang si Andrea.

Mas maigi na rin yun at makakalabas siya.

Pagkaout nila ng hapong iyon ay kaagad na namili ang dalawa ng dadalhin sa med. mission kinabukasan.

Masyadong excited si Luisa sa magaganap kahit ang iba ay gustong magback out sa immediate memo na ipinadala. Di man lang kasi sila nakapagready at basta nalang kinuha ng management ang pangalan ng mga sasama  kinabukasan.

Maagang nagpahinga si Andrea kinagabihan. Ayaw niyang mapuyat at tyak na magiging super busy sila.

Nakahiga na ang dalaga nang katokin siya ng kanyang mommy.

"Pasok mhie bukas iyan.." sambit niya.

Lumagitik ang seradura ng pintuan at bumukas ito. Narinig ng dalaga ang yabag ng mama niya na pumasok.

"Honey, we have something to tell you.." sambit ng kanyang mama matapos naupo ito sa gilid ng kama.

Bumangonang dalaga at naupo ito.

"What is it?"

"The day after tomorrow, Potpot will be coming home. At idaraos sa kanila ang welcome party niya..." panimula ng mommy ni Andrea.

Tahimik lang ang dalaga. Nang sabihin kasi ng lola niya na ipapakasal siya ay wala ng mas ikagugulat pa niya sa balitang iyon. At nadagdag pa dito na ang mapapangasawa niya ay si Potpot. Ang matabang bata na madalas kalaro niya noon.

She wonder kung anong itsura na nito ngayon. Pero wala siyang magagawa pa kundi tanggapin ito dahil di niya kayang suwayin ang magulang at lola niya.

"And that day will be your engagement.." dagdag pa ng mommy ni Andrea.

Tila may kung anong sumipa sa loob ng katawan ng dalaga. Pero nanatili lang siyang nakatingin sa ina.

"Okay.. I'm sure makakauwi na kami niyan mhie.." sagot ni Andrea.

Wala siyang gana. Di naman siya pihikan sa lalaki but ang ipakasal sa lalaking di pa niya nakikita mula noong 8 pa lang siya ay nakakawalang gana talaga.

"Your dress will be here by that day.." sambit ng mama niya at tumayo na. "Take a rest, maaga pa yata kayo bukas. Good night honey.." paalam ng ina at lumabas na ito ng silid.

Nanlalatang nahiga si Andrea.

Two days... Two days na lang at engagement na niya...

Ghad! Ano ba itong napasok ko!

Arranged LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon