Kabanata 1

3 0 0
                                    


Kabanata 1

Taong 1715

Hindi komportable ang sinasakyan naming kalesa. Mahigit limang oras na kaming naglalakbay at humihinto lamang kung mayroong kailangan umihi. Gusto ko mang matulog ay hindi ko naman magawa sapagkat malakas ang hilik ng isa ring pasaherong di kalayuan sa akin.

Bumuntong hininga ako. Malaki ang kalesa. Maaaring sumakay ang anim na tao sa loob nito nang komportable ngunit sampu kaming sakay nito ngayon, kaya naman ay hindi ako makaupo nang mabuti.

Tinuon ko nalamang ang aking pansin sa labas ng bintana at sa gumagalaw na tanawin namin. Mahal ko man ang aking probinsya ay kailangan ko talagang umalis. Baka kasi hindi ako makalimot kung manatili ako roon. Mabuti nalamang at kinopkop ako ni Tiya Lita nang mabalitaan niya na namatay si ina.

Nagtratrabaho bilang kasambahay si Tiya Lita sa bayan ng Manila. Kasambahay din ang trabaho ko, ng aking ina, at ina ng aking ina. Ganito na ang buhay na kinalakihan ko. Hindi man kami mayaman, nagtratrabaho naman kami ng maayos.

Nang mabalitaan ni Tiya Lita na namatay si Ina, sabi niya ay bumyahe agad siya upang kunin ako. Sabi niya pumayag naman ang kanyang mga amo na roon na rin ako magtrabaho. Mabuti nalamang at pumayag ang mga amo ko sa probinsya na sumama kang Tiya. Nasa tabi ko si Tiya Lita ngayon at mahimbing na natutulog. Mabuti pa siya at kayang tiisin ang hilik.

Mahigit walong oras daw ang byahe patungo sa bayan ng Manila. Medyo mahaba-haba pa pala ito! Hindi ko maiwasang magisip kung ano ang mangyayari pagdating namin doon. Pareho lang kaya? Kung sabagay, wala naman din akong iniwan sa probinsya, walang babalikan, kaya walang ibang dapat gawin kundi humakbang paabante.

Umiling-iling ako. Dapat positibo ako mag-isip. Hindi magugustuhan ni inay kung kinakaawaan ko ang sarili ko. Sinubukan kong ngumiti. Pagdating sa bayan ng Manila, kakalimutan ko lahat ng mga masakit na pangyayari. Ang matitira nalamang ay ang mga masasaya at ang pag-asang hatid ng bukas.

Sinusubukan kong hindi umiyak ngunit ang aking mga traydor na mata ay bumubuhos. Hahayaan kong damhin ang sakit ngayon dahil iiwan ko ito dito sa kawalan.

TinatangiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon