Kabanata 3
"Oh, Ana pinapatawag ka ni Donya Flordeliza." Ani ni Tiya Lita.
"P-po? Bakit daw po?" Tanong ko ng may kaba. Natigil ako sa pakikipag-usap kay Dolores.
Mawawalan na ba ako ng trabaho? Wala naman akong ginawang masama! Dahil kaya sa nangyari kagabi? Ngunit nag-usap lamang kami ni Ginoong Antonio!
"Halikana at baka mapagalitan ka pa." pilit ni Tiya sa akin.
Nagmamadali kaming pumunta sa hapagkainan ng tahanan nina Alcalde Mayor Joaquin. Pilitin ko man ang sarili kong kumalma ay hindi ko magawa. Kasalukuyan silang kumakain ng agahan ngayon at malamang ay kompleto silang pamilya. Masisibak na kaya ako? Hindi pa man din ako nakakaabot ng isang araw dito!
"Donya Flordeliza, heto na po ang pamangkin kong si Ana." Lahad ni Tiya Lita sa akin.
Buo nga ang kanilang pamilya sa hapag kainan. Si Alcalde Mayor Joaquin ay nasa ulo ng lamesa. Sa kanyang kanan ay si Donya Flordeliza habang sa kaliwa naman ay si Ginoong Antonio. Ang iba pang bumubuo sa gilid ng lamesa ay dalawa lalake at dalawang babae. Lima ang kanilang mga anak. Panganay si Ginoong Antonio, sinundan ni Ginoong Manolo, tapos ni Binibining Soldedad, Ginoong Andres, at huli ay ang aking alaga, si Binibining Adela.
Naglakbay ang aking tingin kay Ginoong Antonio at naabutan siyang nakangiti sa akin. Tinuon ko nalamang ang aking pansin kay Donya Flordeliza dahil sa kaba. Ramdam ko na ang pawis na namumuo sa aking batok.
"M-magandang umaga po Donya Flordeliza, Alcalde Mayor..." sabi ko ng nakayuko. Grabe ang nerbyos ko kaya pinisil-pisil ko nalamang ang aking mga daliri.
"Mahiyain pala itong pamangkin mo Lita." Ani ni Donya Flordeliza habang ngumingiti. Sa buong pamilya ng de Legazpi, si Donya Flordeliza lamang ang kayumanggi ang kulay ng balat. Mahaba at nakalugay lamang ang kanyang makintab na buhok. Nakakamangha ang kanyang kagandahan kahit na may edad na siya. Kaya siguro nahulog si Alcalde Mayor Joaquin sa kanya? Kinurot ni Tiya Lita ang aking tagiliran.
"Ah eh, medyo mahiyaan nga siya Donya Flordeliza ngunit masipag at masunurin naman po." Sagot ni Tiya.
"Opo, aalagaan ko pong mabuti ang aking alaga, Donya Flordeliza." Dagdag ko pa. Tumango siya nang nakangiti.
"Mabuti kung ganoon. Mga anak!" Tawag niya sa atensyon nila.
"Ito si Ana, ang bago nating kasambahay ngunit ang pangunahing trabaho niya ay ang magbantay kay Adela." Napabuntong hininga ako. Ang buong akala ko ay sisibakin ako sa trabaho!
Tiningnan nila ako kasama na ang Alcalde Mayor. Hindi ko maiwasang mailang. Hindi man ako mahiyain ngunit ang kaalamang inuusisa ako ni Ginoong Antonio ng may sikat ng araw ay ang dahilan kung bakit hindi ako mapalagay.
Ano ba itong iniisip ko! Eh ano naman ngayon Ana kung hindi gusto ni Ginoong Antonio ang nakikita niya? Katulong ka lang dito. Paulit-ulit ko mang isipin ito ay naglakbay pa rin ang aking alala sa nangyari kagabi.
Nanginginig kong tinungo ang lugar kung saan may narinig ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit na takot. Padating ko ay hindi ako makapaniwala! Imbis na magnanakaw o multo ay iyong matipunong lalake kanina ang nakita ko. Nakadungaw siya sa bintana at mukhang malalim ang iniisip. Sa ginhawa ko ay hindi ko napigilang magsalita.
"Ikaw pala iyan! Akala ko may multo na o magnanakaw!" huli na nang natanto kong hindi ko dapat sinabi iyon at dapat ay tahimik na umalis na lamang.
Mabilis niya akong nilingon. Gulat man ay hindi naman masyadong halata. Tiningnan niyang maigi ang hawak kong kutsilyo. Hindi pa pala nila ako kilala bilang tauhan nila! Baka akalain niyang magnanakaw ako!
"Binabantaan mo ba ako binibini?" Tanong niya sa isang mababang boses ngunit nakita kong may multo ng ngiti ang kanyang labi. Madilim ang paligid ngunit may kandilang nakasindi sa malapit lamang.
"Matatakot na sana ako ngunit mukhang mas masasaktan mo pa ang iyong sairili sa pagkakahawak mo ng kutsilyo." Dagdag pa niya habang tinatalikoran ang bintana at nagtungo sa akin.
Hindi ako makagalaw. Oo at gwapo siya sa malayo ngunit habang lumalapit siya ay mas maayos kong nakikita ang kanyang mukha. Prominente ang kanyang panga, manipis and labi, matangos ang ilong, at ang kanyang makakapal na kilay ay mas lalo lamang nagdedepina sa kanyang mga mata. Medyo madilim man ay kita ko pa rin na ang kulay ng kanyang mga mata ay hindi kasing dilim ng akin.
"Nais mo ba kaming nakawan binibini?" Tanong nito ng lubusan na siyang nakalapit sa akin. Napakurap-kurap ako.
"G-ginoo!" Simula ko nang wala sa wisyo.
"Ipagumanhin mo. Bago niyo po akong serbedora. Nasa kusina po ako nang makarinig na may gumalaw kaya tiningnan ko po kung multo ba ito magnanakaw. Hindi po ako magnanakaw, pangako!" patuloy ko. Tinaas ko ang kamay na hindi nakahawak sa kutsilyo, bilang pangako.
Kinuha niya mula sa aking hawak ang kutsilyo at tinabi ito sa malapit na lamesa. Nakangiti na siya ngayon habang ako naman ay nanginginig na sa kaba.
"Huwag kang mag-alala binibini." Tiningnan niya ako ng malalim. Hindi ako makatingin nang diritso sa kanya, subukan ko man. Itinagilid niya ang kanyang nakakunot na noo.
"May kakita ka ba sa kusina, binibini, gayung ginabi ka roon?" Usisa niya.
"Hindi lamang ako m-makatulog ginoo. Mukhang naninibago lamang. Huwag niyo na rin po akong tawaging binibini, alipin niyo lamang po ako dito." Paliwanag ko sa kanya sa mahinang boses.
"Ano ang iyong pangalan kung ganoon?" tanong niya.
"A-ana po," sabi ko nang nakayuko.
"Ako naman si Antonio, Ana." Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin.
Tiningnan ko lamang iyon, hindi sigurado kung ano ang gagawin. Sa huli ay ibinigay ko rin ito sa kanya at baka ay masamain pa niya ang hindi ko pagtanggap. Ang buong akala ko ay kakamayan lamang ako ngunit laking gulat ko nang dinala niya ang aking kamay at dinampuan ng kanyang labi.
"Ikinagagalak kong makilala ka, Ana." Ani niya, habang hawak-hawak pa rin ang aking kamay.
"Ikinagagalak ko rin ito, Ginoo." Pahayag ko sabay bawi ng aking kamay na para bang napaso. Hindi ko alam kung wasto ba ito o ano.
"Mabuti pay matulog ka na. Ako na ang bahalang magligpit nitong kutsilyo." Sabi niya nang nakangiti.
"O-opo, ginoo." Sagot ko at kumaripas na. Bago pa man ako tuluyang makaalis, lumingon ako sa kanya.
Nanatili siya sa kinatatayuan niya kanina, nakatitig sa akin. Ang kalahati ng kanyang mukha ay may sinag ng kandila habang ang kalahati naman nito ay madilim. Sa lakas ng kalabog ng puso ko ay malamang narinig niya na ito. Hindi ko alam kung ano ang aking nararamdaman pero ang alam ko lamang ay hindi ito tama.
"Magaling ka ba sa kusina, Ana?" kumurap-kurap ako at bumalik sa kasalukuyan. Lumingon ako sa nagtanong, si Ginoong Antonio na hanggang ngayon ay nakangiti pa rin.
"Po? Marunong po akong magluto ngunit hindi pa po ako gaanong kahusay dito." Amin ko sa kanya, lumapad ang kanyang ngiti.
"Alam mo namang gumamit ng kutsilyo hindi ba?" usisa pa niya pero nahimigan ko sa kanyang tono ang tukso. Kumunot ang noo ko, tinutukso ba niya ako ngayon tungkol sa naganap kagabi?
"Sa pagluluto, ang ibig kong sabihin at hindi sa ibang bagay." Dagdag pa niya.
"O-opo." Nalilito kong sagot.
"Ano ba iyang tinatanong mo hijo, mabuti pa at magpatuloy ka ng kumain. Hindi ba ay bibisitahin mo pa si Binibining Charo sa kanila ngayon?" Putol ni Donya Flordeliza.
"Bumalik na kayo sa kusina Lita at kumain na. Ana, tulungan mong mag-ayos si Adela pagkatapos mong kumain." Patuloy ni Donya Flordeliza. Tumango ako bago kami umalis ni Tiya Lita.
Mukha namang mabubuting tao ang aking mga amo ngunit hindi ko maiwasang mailto sa inasal kanina ni Ginoong Antonio. Umiling ako. Mabuti pa ay magtrabaho nalamang.
BINABASA MO ANG
Tinatangi
Historical FictionMaginoo Series Book I Synopsis Taong 1715 Isang babaeng alipin mula sa probinsya ang tumulak patungo sa bayan ng Manila. Possible kayang matagpuan niya ang pag-ibig at kaligayahan sa mundong mahigpit at malupit sa mga katulad niya?