Win's POV
Isang nakakapagod na araw na naman ang dumaan. Kailan pa kaya ako makakaalis sa kahirapang ito. Konting tiss nalang mag kokolehiyo na din ako, magiging engineer din ako at makakaalis din ako sa buhay na meron ako ngayon. Kailangan positibo lang palagi Win, kaya mo yan!
Naglalakad na ako pauwi galing sa trabaho ko, madaling araw na pero andami paring tao dito sa lugar na tinitirhan ko. Nasa may skwater area kasi ako kaya medyo maingay at magulo pero mababait naman ang mga tao dito.
"Uy! Win! Ikaw pala, halika't tumagay ka muna dito!", tawag sa akin ng isang tambay.
Kilala na rin kasi ako ng mga tao dito dahil daw sa gwapo daw ako at madalas kasi ako sumasali sa mga pacontest dito sa mga kalapit na barangay. Mapa singing contest o kaya bikini open. Sayang din kasi ang premyo malaki din ang maitutulong nun sa akin.
"Nako, pasensya na ah? Pass muna ako ngayon. Sobrang dami kasing tao kanina kaya medyo pagod na katawan ko, next time nalang.", sagot ko sa kanila.
"Bakit ka pa kasi nagpapakapagod magtrabaho, sa itsura mong yan madali kang makakahanap ng mayayamang bakla diyan o kaya mga biyuda? Haha, oh sige basta sa susunod bawal ng tumamggi."
"Sige po, alis na ako."
Dumiretso na agad ako sa kwartong inuupahan ko. Maliit lang masikip kasya lang ang dalawang tao.
Naghilamos muna ako tapos tumingin ako sa salamin para pagmasdan ang mukha ko.
"Gwapo mo nga, mahirap ka naman. Pero magtiis ka muna ah? At alagaan ang sarili malaking tulong din yang gwapo mong mukha para makakita ng trabaho.", sabi ko sa sarili ko.
Dahil sa may itsura ako madali lang ako matanggap sa mga pinagaapplyan kong trabaho. Madalas din ako makakuha ng tip mula sa mga costumer ko pero dahil din dito madalas ako nababastos at inaalok mg mga indecent proposals.
Matutulog na sana ako ng biglang mag ring ang selpon ko, nang tiningan ko ay tiyahin ko pala na nasa probinsya.
"Hello Win? Salamat sa diyos at gising ka pa! Ang lolo mo Win! Inatake sa puso ! Nagulat nalang ang lola mo na nagsisigaw na ang lolo mo! Nandito kami ngayon sa ospital!! Di ko na alam ang gagawin ko Win, alam mo namang wala akong sapat na pera para ipaconfine ang lolo mo sa magandang ospital!"
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Ang lolo ko na siyang nagpalaki at nag-alaga sa akin simula ng isinilang ako. Gustong ng kumawala ng mga luha ko pero pinipigil ko lang dahil ayaw ko umiyak at baka mamaga ang mata ko. Kailangan maayos ako bukas para sa raket ko.
"Wag ka mag-alala Tiyang, gagawa ako ng paraan! Mamaya mismo pagkasikat ng araw magpapadala ako ng pera para kay Lolo. Kaya ipaconfine mo na si Lolo sa kung saan siya mas gagaling. Ako na bahala sa pera, may naipon naman ako dito eh kaya wag ka na mag-alala ang mas mahalaga ay gumaling si Lolo.", ang perang ang nakalaan sana pang tuition ko. Di bale na ang mas mahalaga ay ang gumaling si Lolo, kikitain ko din ulit yun!
"Salamat Win! Maraming salamat! Tatawag din ako sa Papa para humingi ng tulong kaya wag ka mag-alala."
"Wag ka na tumawag kay Papa, wala kang aasahan dun. Ako ma bahala sa gastusin basta alagaan mo lang si Lolo Auntie. Sige na Auntie kailangan ko na matulog dahil may lakad pa ako mamaya, tatawag ako uli mamaya pag ihuhulog ko na ang pera."
"Sige babalitaan kita mamaya kung ano ang resulta ng mga tests kanina. Mag-iingat ka diyan."
Binaba ko na ang tawag at pinunasan ang isang butil ng luha ma kumawala sa mata ko. Hihingi pa sila ng tulong sa tatay ko, ako nga pinabayaang mamuhay mag-isa at naghihirap habang sila nabubuhay ng matiwasay.
Kinuha ko ang passbook ko para tingnan kung magkano ang laman ng account ko. 32 000 din pala to, napabuntong hininga nalang ako. Parang ayaw ata ng tadhana na makatungtong ako ng kolehiyo ah. Di bale na, magdodoble kayod nalang ako!
Inimagine ko nalang na isa akong anak mayaman hanggang sa makatulog na ako.
Bright's POV
Kakatapos ko lang umattend ng isang party. Imbes na sumaya ako, bwesit nabadtrip pa ako! Tang-ina lang! Mga manloloko bwesit!
Pagkarating ko sa bahay nagulat ako na gising pa pala si Mommy.
"Ganitong oras ba ang uwian ng isang matinong tao ha Bright Coleman? Gusto mo ba talagang magrounded?.", nakapameywang na sermon ni mommy sa akin.
"Not now Mom please? I'm not really in the mood right now.", malungkot kong sabi kay mommy.
"Oh my! What happen son?", nawala na agad ang galit ni mommy at napalitan na ng pag-aalala.
"It's Nathali, mom I just figured out that she's cheating on me. That's why I attended that party to know if it's true! And hell mom, I saw her kissing someone else!", di ko na napigilang umiyak. Palagi nalang akong pinagpapalit at niloloko. Di naman ako pangit, di ko alam kung sumpa ba to o ano!
"Shhhh! It's okay son, maybe she's not really meant for you that's why it happen. Don't cry because of her, she doesn't deserve your tears okay?"
"Mom? Am I ugly?", tanong ko kay mommy habang umiiyak pa rin. Sabihin na nating astigin ako pero ito talaga ako madali lang umiyak. Masyado akong emosyonal dahil na rin siguro sa labis pagmamahal sa akin ng mga magulang ko.
"Son! You are not ugly ok? You are the most handsome man in my eyes! Forget about that girl, marami pang iba diyan anak. Bata ka pa kaya no need to hurry ok? Just enjoy your life, your dad and me will always support you. I love you so much anak so don't cry ok?", sabi ni mommy sa akin.
Napakaswerte ko sa parents ko dahil napakasupportive nila sa akin. Although pinapagalitan nila ako pero most of the time ay pinagbibigyan nila ako. Kahit di ako ganoon katalino kagaya nila pero proud pa rin sila akin. Wala akong ibang kayang gawin kundi ang paglalaro lang ng basketball, kaya lalo ko pang pinaghuhusayan para ipagmalaki nila ako.
"Thanks mom. Kahit andami kong kalokohan di mo parin ako pinapabayaan. You're the best mom ever!", sabi ko kay mommy pagkatapos ay dumiretso na ako sa kwarto ko para magbihis at maligo.
Habang nagsho-shower ako naisip ko nanaman si Nathali, pang-ilan jowa ko na siya pero sa huli ako pa ang niloko. Lahat nalang ng nagiging girlfriend ko niloko ako. Maybe it's time to focus now sa studies ko para sumaya sila mommy at daddy. Tama! I need to get good grades para sa kanila. Pero parang malabo kasi may research paper pa!
Pagkatapos ko maligo nahiga na agad ako sa kama ko. I should stop thinking about Nathali for now. It's time to sleep!
BINABASA MO ANG
Topside Down
FanfictionPaano pag nagtagpo ang dalawang tao na may magkaibang buhay? Paano kung sa pagtatagpong iyon pala ang magiging simula ng makulay nilang kwento? At higit sa lahat, paano kung sa paglipas mg panahon ay matutunan nilang mahalin ang isa't-isa. Ang isa a...