Win's POV
Kakatapos ko lang ipadala ang pera kay auntie at kasalukuyan akong naghahanap ng makakainan dahil tanghali na at di pa rin ako nakakakain. Ito ang isa sa ayaw kong lumalabas pag tanghali, sobrang init!
Pagkatapos ng mahaba-habang paglalakad may nakita rin akong karenderya.
"Ate isang order ng nitong papaitan tapos tatlong order ng kanin at isang coke, kakain po ako ate ah. Salamat!"
"Sige wait lang pogi ah, tatlong kanin daw para kay pogi! Di ata swak ang itsura mo para kumain sa mga ganitong klasi ng kainan pogi, masyado kang gwapo para sa maliit na karendirya tulad nito."
"Haha! Bakit naman ate, wala sa lugar yan. Aanhin ko pa ang pagkain sa mga sosyal na restaurant kung di naman ako mabubusog. Tsaka di naman ako mayaman kung ganoon ang iniisip niyo."
Normal na sa akin ang ganun, mapagkakamalang mayaman. Pagkalapag ng order ko ay inumpisahan ko na agad kumain. Dabest talaga pag karenderya di ka na lugi! Sa 100 pesos mo busog ka na!
Habang kumakain ako ay napapansin ko ang mga estudyanteng naglalakad sa labas. Base sa uniform nila tiyak ako na sa LaSalle ang mga ito nag-aaral. Mga mayayaman nga naman. May mga pailan-ilan din ang kumain dito na mga taga dun kaso ang sabi sa akin mga iskolar lang daw yun.
Pangarap ko din dati na makapag-aral sa isang magandang paaralan para mas malaki ang opportunity na dumating sa akin pag nakapagtapos ako kaso nung nalaman ko ang tuition ay sumuko na ako. Dalawang daang libo lang naman sa isang semester, putcha! San ko kukunin yon. Kahit pa maging iskolar ako parang di ko pa rin kakayanin. Pero kailangan kong subukan wala namang mawawala. Sa susunod na pasukan susubukan kong kumuha ng scholarship para makapag-aral na ako ng college.
Pagkatapos ko kumain ay nagdisesyon ako na tumambay muna sa labas para tingnan ang mga studyanteng papauwi na. Yung iba naka kotse, yung iba may sundo. Halata sa kanila na mayaman dahil sa mga sout nila. Napakaswerte nila at ipinanganak at nabuhay silang mayaman di na nila kailangan pang kumayod para lang kumita ng pera.
Pagkatapos ng ilang sandaling pagmumuni-muni ay umalis na ako at dumiretso sa pinagtatrabahuan ko. Malapit lang pala sa kinainan ko.
Pagdating ko dun ay binati ko muna ang guard na nakabantay at ang supervisor ko tsaka ako dumiretso sa may locker ko para magpalit ng uniform.
"Hi Ma'am Aira!", bati ko sa manager namin dito.
"Oh? Hi win! Why you're here? I thought it's your off today because you had emergency that's why I re-scheduled your day-off.", nagugulang sabi ng manager sa akin. Akala ko di ako pinayagan kaya pumasok ako.
"I thought po kasi na you didn't let me have my off today kaya I decided po to work today."
"I know you Win, you wouldn't request something if it's not that important. And you are one of the best employees here so no need to worry. You can go."
"Thank you ma'am. Your the best! I'll change na po ulit so I can go home na po.", napakabait talaga ng manager namin. Kahit pure korean napakabait! Kaso ano naman gagawin ko kung wala akong duty ngayon. Sayang kung itutulog ko lang to.
Pababa na sana ako ng biglang nag ring ang cellphone ko, nag tingnan ko si Mae pala ang tumatawag. Isa sa mga kapitbahay ko na naging kaibigan ko na din.
"Mae? Napatawag ka? Anong nangyari?"
"Hi Win baby! Ano itatanong ko lang sana kung may pasok ka ba ngayon?"
"Wala nga eh, day-off ko daw ngayon kaya ito uuwi nalang ako. Ba't mo pala natanong?"
"OMG! Tamang-tama! Kulang kasi kami ng isang waiter ngayon dito sa bar. Ok lang ba na ikaw muna ang pumalit? Isang gabi lamg naman eh, tsaka I'm sure kikita ka ng malaki dito diba kailangan mo ng extra pera?"
BINABASA MO ANG
Topside Down
FanfictionPaano pag nagtagpo ang dalawang tao na may magkaibang buhay? Paano kung sa pagtatagpong iyon pala ang magiging simula ng makulay nilang kwento? At higit sa lahat, paano kung sa paglipas mg panahon ay matutunan nilang mahalin ang isa't-isa. Ang isa a...