DOPPLEGANGER?!

173 5 0
                                    

So, ako mismong otor ang nakaexperience nito :)

Here's the story.

-----------––––––––––––

Hapon. Nandito ako ngayon sa bahay ng tita ko dahil pinabantayan niya sakin yung bunso niya at may importante daw silang magasawa kailangang puntahan.. Nandito kami sa kwarto niya.

"Ate, nagugutom na ako" sabi ng pinsan ko.

"Sige, lalabas lang ako saglit para makabili na ako ng meryende natin ha? :)"

"Sige ate! Bilisan mo lang ha? Natatakot kasi ako e"

"Sus! Wala ka namang dapat ikatakot e, anliwaliwanag pa kaya"

Pagkatapos nun, lumabas na ako at kinuha ko sa ibabaw ng Ref ang perang iniwan para sa pagkain ng pinsan ko. Malapit lang naman ang mga bilihan dito, kaya nilakad ko nalang. Bumili ako ng spaghetti para sa amin dalawa.

–––––·–––––

Nakikipaglaro ako ngayon sa pinsan ko, yung takbuhan ba at kapag nahabol ko siya, siya na ang taya.. Medyo hinihingal na rin ako kaya nagpahinga ako saglit. Nakita ko naman siyang pumasok sa kwarto ng mama niya kaya sinundan ko siya don dahil bilin sa akin wag na wag na daw siya papapasukin at mahilig daw mangialam. Nang makapasok ako at iniikot ko ang piningin ko, wala akong nakitang pinsan ko o hindi ko siya nakita maski sa cabinet tska sa ilalim ng kama. Natigil nalang ako sa paghahanap ng marinig ko ang boses niya galing sa labas ng bahay.

"Edward (di tunay na pangalan) san ka ba galing?"

"Sa labas lang ate nagpahangin saglit, bakit po?"

"Ah wala wala"

"Ay ate, kaya nga pala ako pumasok narinig kasi kita parang may kalaro, tapos nung sinilip kita wala ka namang ibang kasama, bakit ganun? Nababaliw ka na ba ate?"

Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya napatulala lang ako at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko.

'Sino yung batang kalaro ko kanina?!

'DOPPLEGANGER?'

[Don't forget to like and leave comment :) Thenkyuuuuu :*] -Sha_cess

Horror Stories (Base on True Experience)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon