Sooooo, ayaaan! ako'y nagbabalik hahahaha XD Ang tagal din pala noh? Sobrang busy e.. Sipag ko no? Charing!
So.. Cousin ko nakaexperience nito and nakwento niya lang sakin :)
---------------------------------
Daniella's POV
12:00 na ng gabi, nandito ako sa kwarto ko nakahiga. As usual, nagccellphone hihihi. Chat dito, chat don. Hohoho ni minsan hindi ako trinamad makipagchat, kasi kahit papano sa mga kachat ko nararamdaman ko na mahalaga ako sa kanila--erase! Nagdrama pa si ateng :3
May narinig ako sa may kusina namin, parang may tao hinayaan ko nalang kasi baka si mommy lang yun o yung kapatid ko. Di ko namalayan nakatulog na pala ako. Maya-maya nagising ako dahil naramdaman ko masakit yung puson ko, kaya nagpunta muna ako sa Cr pero habang naglalakad ako...
"PSSST"! - napatigil ako habang naglalakad, baka kapatid ko lang kaya pumunta ako ng kwarto nila para isumbong kay mama dahil anong oras na gising pa sus.. Pagbukas ko ng pinto agad ako nanghina sino yun? Lahat ng kapatid ko tulog na imposible namang magnanakaw, magnanakaw na nga maninitsit pa?! Ang shunga niya nun.. tinignan ko nalang yung orasan.. 3:00 na pala ng madaling araw kaya imposible ding gising pa sila.
So, pumunta na ako sa Cr kahit na medyo kinakabahan na ako. Pagkatapos ko ay bumalik na ako sa room ko. Pero bago ako makabalik may nadaanan ako na madilim na part ng bahay namin may nakaputing babae na nakatayo. Dahil curious ako kung sino siya binalikan ko, nagulantang ako sa nakita ko, babaeng nakaputi na walang mukha at duguan. Ni sumigaw at gumalaw sa kinatatayuan ko hindi ko magawa. Sobrang hinang-hina na ako. Sa sobrang takot, bigla nalang nagdilim yung paligid at hindi ko na alam nangyari.
"Dana! Dana!"
Unti-unti kong minulat yung mata ko, si daddy..
"Daddy" mahina kong sagot
"Ano ginagawa mo jan? 4:00 palang ng madaling araw bakit ka jan nakahiga?"
"Bukas ko nalang po ikkwento daddy"
"Bakit namumutla ka? ano ba nangyari sayo?"
"Wala po"
"Tara na pumunta ka na sa kwarto mo"
Tinulungan ako ni daddy tumayo, sabi niya pa nga ang lamig ko daw. Hindi pa rin ako makapaniwala.. Kaya nilingon ko ulit kung saan ko siya nakita.. Pag lingon ko nakita ko parin siya, pero sa ngayon nakatingin sa akin at nakangiti. Sobrang pula ng mata niya.
Sino siyaaa? Bakit kailangan niyang magpakita sakin? Ano ba nagawa ko?
-----------------------------------------
So ayaaan! Hihihi- Imtheonlyone
BINABASA MO ANG
Horror Stories (Base on True Experience)
HorrorHanda ka na ba na malaman ang mga storya nila? Baka kasi . . . . . . . . . . . . Isunod ka na nila..