Meet Penelope Trinidad. Penny for short.
18 years old.
Mabait.
Maganda naman kahit papaano.
Simple lang.
Hopeless Romantic.
NBSB.
AT HIGIT SA LAHAT PINAASA.
"Bakit ganun Thea? Hindi naman ako yung unang lumapit ah! Sya yung unang nag-chat sa akin, sya unang nanghingi ng number ko, sya unang nag-text sa akin, sya unang tumawag at unang nakipagkita? Sya din ang unang nagpakita ng sweetness, tapos nung nahuhulog na ako bigla kong malalaman na may iba pala syang ginaganun? Ang sakit-sakit . " Sabi ni Penny sabay singa. Kanina pa sya iyak ng iyak dito sa paborito nilang tambayan , sa SerendipiTEA. milk tea shop.
"Madami talagang paasa ngayon, wala kang kasalanan, hindi mo kawalan yun , kawalan nya yun." Sagot ni Althea, or Thea for short ang bestfriend since high school ni Penny.
Actually magkaiba sila ng course pero palagi pa din silang nakikita para mag catch up ng mga bagay-bagay, kay Althea nasasabi ni Penny lahat-lahat. Education ang course ni Thea samantalang si Penny ay Journalism.
"I feel so stupid." Sabi ulit ni Penny .
" Everybody becomes stupid when they fall in love. " Sagot naman ni Thea habang kinocomfort pa din ang kanyang bestfriend.
"Sana kasi sineenzone ko na lang sya, e di sana hindi na ako nafall sa kanya. ."
"Isa lang ang solusyon dyan Pen, MOVE-ON ka na. kalimutan mo n sya , mabuti nga hindi pa nagiging kayo at least kahit papano hindi pa masyadong malalim diba? Maganda ngang habang maaga pa nalaman mo na yung totoong kulay nung lalaking yun. "
"Mabait naman kasi sya dati, natuwa lang ako na chinat ulit ako ng first crush ko.... " Pagbabalik tanaw ni Penny.
"O kakasabi ko lang na magmove-on ka na tapos ayan ka na naman nagrereminisce ka na naman. "
"E pano ba kasing gagawin ko? "
"Unang-una sa lahat wag mo ng iview profile nya, sa facebook, twitter, instagram basta sa lahat ng social sites! Pero wag mo syang iboblock baka isipin nya ang bitter mo e, pakita mong masaya ka at wala kang pakialam sa kinila nung babae nya. Ano kaya mo ba yun? " Sabi ni Thea.
TIningnan ni Penny ang cellphone nya tapos sinundan iyon ng tingin ni Thea.
Sakto namang nakaopen ang facebook nya sa profile ni Xander. Yup. Alexander Vargas. Yan yung name nung lalaking nagpaasa kay Penny.
Gwapo.
Mestiso.
Chinito.
Matalino, yung tipong kahit tamad mag-aral e mataas pa din ang nakukuhang grades.
Kaya siguro ang daming patay na patay ditong mga babae.
"Oh kakasabi ko lang , umalis ka na nga dyan sa profile nya."
Agad namang sinunod ni Penny ang sinabi ng kaibigan, maya-maya lang ay umalis na sila sa serendipiTEA.
Nagpaalam ng umuwi si Thea dahil may gagawin pa daw itong project, samantalang si Penny ay nagdesisyon munang maglibot-libot, papunta sana syang fullybooked para maghanap ng bagong libro na babasahin ng biglang nagvibrate ang cellphone nya.
Xander Vargas calling.....
Simula nung makita nya si Xander na may ibang girl na nilalandi sa facebook ay hindi nya na ito nirereplyan kapag nagtetext ito, pag tumatawag naman ito ay hindi nya din ito sinasagot.
Wala pa naman kasing sila. Umasa lang talaga itong si Penny na pwedeng magkaron ng something dahil nga sa pinapakita nitong si Xander. Akala nya kasi gusto din sya nito.
1 missed call.
Maya-maya ay nagring pa din ang cellphone nya pero nakatitig lang sya dito.
"Hi. " Mula sa kanyang likuran ay may biglang nagsalita.
Shocks! Alam na alam nya kung kaninong boses to.
Kinabahan si Penny habang dahan-dahang nilingon ang pinanggalingan ng boses.
"Hi Xander. " Sabi ni Penny habang mahigpit ang hawak sa kanyang cellphone na nagvivibrate pa din.
Ngumiti si Xander at badtrip naman parang lahat ng payo sa kanya ni Thea ay nawalang parang bula.
Here we go again.
Tandaan mo Penny, hindi lang ikaw ang nginingitian nya ng ganyan. Who knows kung ilan kayong babaeng ginaganyan nya? wag kang tanga. - Utak nya.
Last na talaga to promise... Tapos magmomove-on na talaga ako. - Puso.
At sabi nga sa kanta ni Selena Gomez, The Heart wants what it wants.
Penny smiled back.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
The Fault in all PAASA
Teen Fiction"Never get too attached to someone, because attachments lead to expectations and expectations lead to disappointments." - Anonymous Naranasan mo na bang umasa? iyong tipong hulog na hulog ka na tapos akala mo sasaluhin ka nya tapos nung ma...