Chapter 2: WITH A SMILE

28 0 0
                                    

Chapter 2: With A Smile

Eifel's POV.


"Mahal kita.."

"You don't have to. Huwag mo akong mahalin dahil mahal kita, mahalin mo ako dahil mahal mo ako. Because that is what i deserve."

Hindi siya umimik.

"Salamat sa lahat, Ely. Sana.... pagdating ng panahon, magkita ulit tayo sa kwento ko." sabi niya habang nakangiti at tumutulo ang luha.

"Ahhh!!! Hindi ko na kaya!" tinapon ko ang lalagyan ng tissue at tumayo. Pumunta ako sa lababo at binasa ang mukha ko.

Ang sakit naman sa puso.

Pinunasan ko ang mukha ko at humarap sa salamin. Ilang araw na akong ganito.

Imbes na pagagalingin ko ang puso ko ay lalo ko itong pinapasakit. Natandaan ko na naman ang sinabi ko sa kanya.

"Balang araw, makakahanap din ako ng lalaki na malayong-malayo sa ugali mo. Makakahanap din ako ng lalaking mamahalin ako ng buo, yung kayang tanggapin ang ugali ko. Yung kaya akong ipagsigawan. Hindi kagaya ng isang tulad mo na hindi worth it ipaglaban."

Napailing ako at tinampal ng mahina ang mukha ko. Shuta naman.

Nasaan na ang lalaking sinasabi mo, Eifel? Ano, na traffic pa ha?

It's been a week since that nonsense break up of mine. Wala pa din akong nahahanap na ipapalit kay Shaun.

'Yan kasi, iniisip na para bang ang daling makapaningwit ng isda sa aquarium. Tsk.

Nakatitig lang ako sa cellphone ko habang nasa messages ito at may pangalan na Shaun. Hindi ko siya pinilit pero gustong-gusto ko siyang panatilihin sa buhay ko.

Pumikit ako at napakagat labi.

*Ting*

Napamulat kaagad ako at tumingin sa cellphone ko. It's Shaun!

'Hey, Eifel. I'm sorry to disturb you. I will bring your things that you left from my house to your condo. Is it okay?'

Napakagat labi ako at mariin na pumikit.
I assumed that he will comeback to me but it turned up into a false hope.

Napatulala ako. Ano isasagot ko?
Hindi ko namalayan na ilang minuto na pala akong nakatitig sa message niya at bumalik lang ako sa ulirat dahil tumatawag na si Shaun.

The shutang tumatawag siya!

Sinagot ko ito. Napatayo ako at nanlalamig ang kamay ko.

"Eifel? Hindi ka sumagot sa text ko." sabi ng nasa kabilang linya. Using his baritone voice na pa-fall.

Napangiti ako. Shaun is unpatient as ever.

"I'm sorry. It's fine. Pero hindi naman talaga kailangan na ihatid mo pa dito. You can throw it all if you want." sabi ko at kinagat ang daliri.

I'm shaking like shuta.

"No. Baka magamit mo pa ito. I can't throw a thing if it's valuable to someone. Kung pwede ikaw nalang ang magtapon, tingin ko mahalaga ito sayo." napalabi ako at napapikit. Kung pwede lang kitang itapon palayo sa buhay ko Shaun ay tinapon na kita sa dam.

"Kailan ka pupunta dito?" iniba ko ang usaban dahil baka sigawan ko lang siya.

"I'm on my way." 

What?! 

"Shuta, wait." napatingin ako sa paligid ko. Parang may dumaan na bagyo sa condo ko. Ang dumi. May panty pang nakalatag sa ibabaw ng lamesa, nakasampay sa T.V at susme maryusep nasa loob na ang panty ko sa lalagyan ng kinainan kong ice cream!

 Crazy Little Thing Called LoveWhere stories live. Discover now