Chapter 1: PANTY

14 0 0
                                    

Chapter 1: PANTY


Eifel's POV.

"I'm breaking up with you."

Napatitig ako sa kaniya at kinumo ko ang kamao ko.

"Bakit? Bakla ka ba?"

I know this day will come pero hindi ko inaasahan ang sagot niya.

"Nagkagusto ako sa kapitbahay ko."

Nalaglag ang panga ko. The heck with that reason.

"Ganun ba?" i said calmly. Iiwan mo din naman pala ako. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang e sa binigay ko na lahat-lahat kay Shaun.

"Yes. I can't deal with you anymore, Eifel. Parang hindi na kita kilala."

"Hindi ka naman nagtatanong." iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

Akala ko iba si Shaun. Ngunit mga salita lang pala niya ang naiiba dahil puro lang pala kalokohan. Malay ko ba na ga-gaguhin lang pala niya ang nararamdan ko.

Tapos pinagpalit pa ako sa malapit. Ang sakit.

Napailing ako at napatayo. Pabagsak kong hinampas ang kamay ko sa lamesa. Nakaramdam ako ng sakit pero ininda ko 'yon.

"Listen, Shaun." tinalim ko ang titig ko sa kanya.

Nakita kong napalunok siya kaya napangisi ako. Kinwelyo ko siya. Kung ito lang ang paraan para makita niyang hindi ako mahina. Gagawin ko.

"Balang araw, makakahanap din ako ng lalaki na malayong-malayo sa ugali mo. Makakahanap din ako ng lalaking mamahalin ako ng buo, yung kayang tanggapin ang ugali ko. Yung kaya akong ipagsigawan. Hindi kagaya ng isang tulad mo na hindi worth it ipaglaban." pabagsak kong binitawan ang kwelyo niya at naglakad palabas.

I leave before being left. I decided.

Napahinga ako ng malalim at sinuot ang hoodie ko.

🍕🍕🍕🍕🍕🍕🍕🍕🍕🍕🍕🍕🍕

Bumili ako ng tatlong galloon ng ice cream na may ibat-ibang flavors tsaka cake at umuwi sa condo ko.

Pinasok ko kaagad ang mga ice cream sa ref. Binuksan ko ang isang box at kumuha ng isang slice. Nilagay ko ito sa gilid ko at nilantakan ko kaagad ang kinunan ng ko ng isang slice ng cake.

Shuta ang sarap. Kumuha na din ako ng dalawang beer soda can at nilagok lahat ng iyon. Kumain ulit ako ng cake at kinuha na ang ice cream at nilantakan.

Yummy.....

Ramdam kong bumibigat ang pilik mata ko pero pinilit kong tumayo.

Napatingin ako sa sala.

Ang linis naman bakit parang gusto kong rumihan ang paligid?

Kinuha ko lahat ng mga damit ko at tinapos sa sahig ng sofa

Kumahig ako sa sahig. "Get ready to ruuumbleeeee!" tumakbo ako galing sa kusina patungo sa sala at patalong humiga sa mga damit ko na nakalatag.

"Wohooo!" inikot-ikot ko ang katawan ko.

Napatigil ako. May nawawala. Pumasok ako sa kwarto ko at kinuha ang mga panty ko.

"Fly my angels!" tinapon ko ito sa itaas ng mga nakalatag kong damit.

Humiga ulit ako sa mga damit ko.

May nahawakan akong panty kaya itinaas ko ito. "Hmm...pwedeng i-sumbrero ito." isinuot ko at humarap sa salamin.

"Hey sexy." kumindat ako at napatawa.

Bumalik ako sa sala at humiga sa mga damit ko. "So....comfy." pumikit ako at natulog.

🍕🍕🍕🍕🍕🍕🍕🍕🍕🍕🍕🍕🍕

Nagising ako dahil nararamdaman kong nananakit ang likod ko at ulo ko. Napatingin ako sa hawak ko. Isang panty?

Nasaan ba ako?

Napatingin ako sa paligid. Shuta, dito ako sa sala natulog at sa mga damit ko pa?

Napatawa ako. Sa sobrang pagkain ko ng cake at pag lantak ko sa tatlong ice cream at paginom ng beer ay nakatulog ako.

Napahawak ako sa sintido ko ng nananakit ito. Shutang hangover.

Uminom ako ng tubig. "Arghh. Ano nga ang gamot nito?" napairap ako sa hangin. Hindi ko alam!

Bumalik ulit ako sa sala at umupo sa sofa. Sumandal ako at pumikit.

🍕🍕🍕🍕🍕🍕🍕🍕🍕🍕🍕🍕🍕

Nagmulat ulit ako at nakitang pagabi na. Nalipasan pala ako ng gutom.

Tumayo ako. Mabuti nalang at wala na ang hangover pero gutom naman ako kaya pumunta ako sa kusina at nagluto ng gisa na kanin at cornedbeef. Kumuha din ako ng soda can.

Nililigpit ko ang mga damit ko dahil bumalik na ako sa wisyo.

Napakamot ako sa ulo dahil natatandaan ko ang kahibangan ko kagabi. "Eifel, naman. Takneneng oh! Kala mo may tagalinis ka?"

Napailing nalang ako at kumain uli.
                                       

 Crazy Little Thing Called LoveWhere stories live. Discover now