III - *Gift Certificate*
[Moira Stewart’s POV]
“Moira.” rinig kong tawag sa akin ni bespren.
“Yes?” ngiting-ngiti ako habang lumalapit kay Hate. Nasa cafeteria kami ngayon at kumakain ng cheesecake at umiinom ng Chocolate-flavored Frappuccino. Wiii! Yummy!
“Friday ngayon. Alam mo na kung ano ang trabaho mo. 3467. That’s my passcode.”
Napasimangot ako bigla. Kung bakit ba naman kasi ako natalo sa pustahan namin dati eh, ayan tuloy ako lagi ang maglilinis ng locker niya every Friday!! And when I say paglilinis ng locker niya, hindi naman ito madumi, sobrang dami lang ng laman. As in.
Umiling ako kay Hate. “Ehhh! Bukas na lang!”
“Walang pasok bukas dahil may meeting ang ibang organizations ng school. Besides, talo ka sa pustahan ‘di ba? Dalian mo na hangga’t hindi pa tayo umuuwi.”
Anong pustahan iyon? Last summer kasi, may concert ‘yung idol kong poging singer! Naubusan ako ng ticket dahil sa kabagalan ko. Ang sabi ni Hate, huwag na raw akong pumunta sa concert dahil ipapakilala niya na lang daw ako ng personal doon sa idol ko. Hindi ako naniwala kasi hindi niya naman iyon kilala. Nakipag-pustahan siya sa’kin na kapag naipakilala niya ako ay ako na ang magiging tagalinis ng locker niya for a year at kung hindi naman, ako na ang bahala sa gusto kong ipagawa sa kaniya.
Pumayag naman ako dahil sure win ako dito. At iyon ang akala ko! Maling-mali ang lola niyo dahil kilala pala ni Hate yung idol ko! Alam niya kung saan ito nakatira at family friend daw nila iyon. Walanghiyang babaeng iyon! Hindi siya nagsasabi na kilala niya pala yun! OH MY GOSH, ANG POGI POGI NIYA SA PERSONAL!! Kinuha niya pa yung number ko at nag-dinner kami sa isang fine-dining restaurant that night!! Pero ayun nga, natalo ako sa pustahan.
“Naman eh! Ginugutom pa ako, di ka ba naaawa sa akin? Ang payat payat ko na oh!” reklamo ko.
“Manigil ka. Mataba ka na dahil malakas kang kumain. Dalian mo na at marami ka pang i-pu-pull out na kalat doon.” Nang-aasar na sabi ni Hate.
“Kainis ka! Ano nga ba ulit yung passcode mo? Bakit kasi pa-iba iba ka ng code sa locker eh?”
Tinawanan niya lang ako. “Alam ko na ‘yun. 3467. Nalalaman kasi nila yung passcode ko kaya kailangan iba-iba.”
Iniwan ko na siya doon at agad na dumiretso sa Girls’ Locker Room. Tinignan ko munang mabuti kung may nakatingin ba kasi baka malaman na naman nila ang passcode ni Hate. Nang sure na ako na walang nakatingin, tinype ko agad ito. 3-4-6-7.
Pagkabukas ko nang locker niya, tulad ng inaasahan ko ay nagbagsakan ang napakaraming letters, flowers, chocolates at kung anu-ano pa. Oo alam kong OA pero ganun talaga dito. Kung hindi niyo naitatanong ay sikat talaga si Hate sa school namin. Hindi lang dahil sa pagiging maldita niya kundi dahil maganda, matalino at mayaman siya.
Isa-isa kong inilagay yung mga letters, flowers and other stuffs sa isang malaking box. Hindi lahat ng letters ay puro admiration ang nakalagay—yung iba ay mga hate mails. Nang mailagay ko na ay magsisimula na sana akong maglakad papunta sa cafeteria nang may sumabit na kung ano sa shoes ko.

BINABASA MO ANG
Hatred
AventuraI admit I was a fool. Akala ko kasi kaya nila ako hate na hate ay dahil sa pagiging makulit ko noon. Little did I know, my whole life is really covered with hatred from the very beginning. At ngayong alam ko na ang lahat, sisiguraduhin kong ako nama...