Prologue

173 5 2
                                    

PROLOGUE

"Yayaman ako. Hindi. Yayaman ako. Hindi. YAYAMAN AKO!" woahhh! Yayaman ako! According (english yan!) kasi sa mga nakakatanda na kumuha ka ng isang bulak lak at isa-isa mong kukunin yung petals tapos kung ano ang masabi mo sa huling petal ay magkakatotoo!

"Tumigil ka nga Riyee! Paano ka yayaman eh hindi ka nga nakapagtapos ng pag-aaral!"

"Ouch ka naman nay! Dinodown mo ako!" at nakapout pa ako habang naka-acting na nasasaktan. Pumasok kaya ako bilang artista? Hmmm..... Huwag na lang, baka sumakit ulo ng magiging manager ko. Matigas pa naman ulo ko!

"Magtigil ka nga. Ahmmm, anak may bago na naman akong nakitang naghihire ng kasambahay. Puntahan natin bukas?"

"Okay Nay."

Ito na naman. Pang-ilan ko na ba 'to? Panglima na ata? Eh kasi naman, hindi naging maganda yung past bosses ko! Kainis lang -_- Yung isa nga eh, muntik na akong ginahasa! Tsk! Porket mayayaman sila? Mamaliitin nalang nila kaming mahihirap? Pwes! Iba ako! Palaban kaya ako ;)

Panibagong boss na naman, panibagong buhay. Sana siya na ang magpayaman sa akin. Hayyy. Ang rami kong pangarap eh. Ito, nilista ko eh.

MY DREAMS IN LIFE

* Kapag makatapos ako ng pag-aaral, magkakaroon ako ng magandang trabaho.

* Kapag magkaroon ng magandang trabaho, makakaahon na kami sa hirap,

* Kapag makaahon na kami sa hirap, pwede na akong pumuntang KOREA *o*

* Kapag makapunta na ako ng KOREA, magkikita kami ni Lee Sang Yoon.

* Kapag magkita kami ni Lee Sang Yoon, maiinlove kami sa isa't-isa.

* Kapag mainlove kami sa isa't-isa, magpapakasal kami.

* Kapag magpaksal kami, magkakaroon kami ng Honeymoon.

* Pagkatapos ng honeymoon namin, makakabuo kami ng masaya at buong pailya!

I, Riyee Perez, magsisikap para makamit ang mga yan!

Ganda ng wishlist ko sa buhay no? OA nalang yung maiinlove si Lee Sang Yoon sa akin. :3 Pero, hep,hep,hep! Walang impossible sa Panginoon. Malay niyo, kami ang nakatadhana!

"Riyee, ayusin mo na yung bio-data mo at ibang mga kakailanganin. Maaga tayo bukas."

"Okay po Nay."

Feeling ko talaga, siya na ang magpapayaman sa akin ^_^

Dear New Boss,

Be good to me, okay?

Hugs and Kisses,

Riyee <3

The Living Megaphone and The Human Cockroach [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon