Chapter 1 : Kulang sa Tela

114 4 10
                                    

Riyee sa gilid ;)

------

RIYEE's POV

"Nay! Ready na ako! Renz, Rolly, Riana, alis muna kami ni nanay huh. Saglit lang kami."

"Opo ate!"  sabay-sabay nilang sambit. Apat kasi kaming magkakapatid, 2 babae at 2 lalaki, at ako ang panganay. Malalaki na ang mga yan. Pinakabata ay si Riana 13, tapos si Rolly 15 at si Renz 17. Ako nagpapaaral sa mga yan ^_^ At proud ako ! Hehehehe....

"Renz,huwag mo pabayaan ang mga kapatid natin, okay?"

"Opo ate."

"Acheche. Gege, una na kami."

"Love you ate! Love you nay!" sabay nilang sabi.

"Ayiee! Sweet ng mga kapatid ko! Bye, love you too :*"

"Alis na kami mga anak. Mahal kayo ni nanay."

-----

Go's Mansion

"Anak, kumpleto na ba yan?"

"Opo Nay. Ahh, nay, ang daming aplikante. Matatanggap kaya ako?"

"Think positive lang anak." nginitian ko na lang si nanay. Lord, thank you for giving me a mother like her. Abebebe! Umeenglish na ang ateng niyo -_-

Grabe talaga! As in GRABE! Ang daming aplikante! Ganun ba sila kayaman? At karamihan sa mga kasama ko dito sa terrace nila - na mukhang bahay na namin dahil bongga talaga sa laki -  ay kasing edad ko. Marami palang kapareha kong nagtattrabaho sa murang edad. Sayang ganda pa naman ng iba kesyo yung iba, wahh! Ang sakit sa mata. Ganyan na ba talaga sila kahirap para kulangin ng tela ang mga damit nila? May kita ang cleavage! Ewe! Flat chested naman. May kita ang tiyan. Like duh! Deretso ang katawan. May nakasuot ng maiiksi na shorts. Naks! Ang itim ng legs! Oo ako na! Ako na ang mahilig mag-judge! Eh kasi naman eh >.< Hindi mo maiiwasang magjudge. Ako? Simple lang ang suot ko. Naka-skinny jeans tapos  blouse at sneakers shoes. Teka nga, baka iba 'tong pinasukan namin. Hindi kaya? GRO O___O NO! Makatanong nga, ang OA ko -_-

"Ahmm. Excuse me, pwede magtanong?"

"Yes you may." ay shemay! Englishera si ateng? Teka? Mangangaplay ba talaga 'to bilang katulong? Hindi kasi bakas sa mukha na mahirap siya.

"Bakit po maraming mga nakadamit na kulang sa tela--ay ibig kong sabihin, maiiksi?"

"That's what we called, pa-impress. Ang gwapo kasi ng magiging amo. ^_^ Sa totoo lang, my mother don't really want me to apply this kind of job because we have maraming money naman. But, kyahhh! he was my crush na kasi since we were in the elementary." isa lang naman ang tanong ko eh -_- Pero sigi, pagbigyan si ate!

"Ah. Sino po ba siya?"

"Seriously? You don't know him? His Lyle Mint Go. The most popular student in Go University which is pag-aari nila. Their family was the most mayaman here in the Philippines."  bongga ng Taglish speech ni ate. Pero, totoo?

"Talaga po ?"

"Aha!"

"Ahh. Thank you po." My golly! *o* iya na nga! Ito na nga Lord. Nararamdaman ko na yayaman na ako! Wushu! Pary! Party!

The Living Megaphone and The Human Cockroach [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon