"Congratulations Ms. Patel" bati ng lahat pagkatapos ng ribbon cutting.
"Congrats Shen, akalain mo ang isang Patel na di nakikinig sa klase noon ay may ari na ng restaurant ngayon." Birong sabi ko habang maglalakad kami papasok ng restaurant niya.
"Loka loka ka talaga, lagi mo akong bisitahi dito pag di ka busy ah papakainin kita ng masarap" sabi niya
"Ano ka preso para bisitahin, pero dahil papakainin mo ako ng masarap sige" sabi ko kaya natawa kaming dalawa.
After ng grand opening ng restaurant ni Roshen agad na akong nagpaalam dahil aasikasuhin ko pa ang mga kakailanganin ko.
Nasa bahay na ako at sinimulang maghanap mg damit na dadalhin ko.
"Ano naman kaya ang dadalhin ko?" tanong ko sa sarili ko habang hinahalungkat ang damitan ko.
Sa kalagitnaan ng paghahalungkat ko nakita ko ang isang two piece.
"Kailangan ko ba toh?" tanong ko ulit sa sarili ko.
Agad kong tinapos ang pagpa pack ng gamit ko saka nahiga sa kama ko. Sa kalagitnaan ng pag iisip ko biglang nag vibrate ang phone ko kaya agad ko itong sinagot.
'Hi Khari my love have a safe flight tomorrow, sorry di kita masasamahan dahil busy ako sa new ko. Malaki ka naman na kaya mo na yan' sabi nito mula sa kabilang linya.
"Okay lang magpaka busy ka na lang jan sa business mo, basta pagdating ko papakainin mo ako" tumatawang sabi ko.
'Buy me a pasalubong ha'
"Ano bang gusto mo?"
'Boyfriend'
"Ako nga wala, mahahanapan pa kaya kita"
'Baka nga pagbalik mo may jowabels ka na'
"Mali ata kinuha mong course nung college"
'huh, bakit naman?'
"Maghuhula ka e, try mong hulaan kung magkaka lablayp ka"
'Napaka sama mo talagang kaibigan'
"Sino nagsabi na may kaibigan ka?"
'I hate chu na'
" I hate you more"
'Ang sama mo talaga, anak ka ba ni satanas?'
"Hindi. Anak ko siya"
'Magdasal ka bago lumipad yung eroplanong sasakyan mo kasi baka mamatay ka'
"Mag madre ka na, kasi di ka na magkaka jowa"
'makapag beauty rest na nga lang'
"Rest lang walang beauty"
'che' sabi niya sabay end ng call.
Naligo muna ako saka ni double check ang mga gamit na dadalhin ko bago natulog.

YOU ARE READING
Stalwart Affection (Digoseños Love Series 1) (On-Going)
Teen FictionTravel is her thing and he is always chasing.